Day 1
One. Two. Three. Di ko na mabilang kung ilang beses kong sinubukan. Napakaganda ang simula pero pag tumatagal ay nagugulo na hanggang sa hindi na alam kung paano wawakasan. Sa araw-araw na lang ang iyon ang dilema ko. Hanggang sa makatulugan ko na lang ang isang plot ng kwento na di ko na kayang tapusin.
Boring. Kung may aangkop man na depinisyon sa buhay ito ang katagang iyon. Tutulog, kakain at babangon sa madaling araw bago pa man tumilaok ang manok. Pero sa madaling araw na iyon, doon pala magbabago ang lahat. At ang madaling araw na iyon ang dahilan ng kwentong aking ilalahad.
Ang akala ko normal na madaling araw lang iyon. Pero doon ko pala matutunan kung paano ang magsulat. Alas-tres ng madaling araw. Nagising ako sa alolong ng aso. Pagdilat ng mata ko, napansin ko ang kabilugan ng buwan. Dumungaw ako sa bintana at sinubukan kong tingnan kung ano ang kinakahulan ng aso. Weird. Dito sa block namin, walang may alagang aso kaya nakakapagtaka kung bakit may kumakahol sa madaling araw. Wala naman akong nakitang kakaiba.
Napangiti ako ng mapagmasdan ko ang kabilugan ng buwan. Iyon siguro ang kinakahulan ng aso. Naalala ko ang pinanood ko kanina na episode ng La Luna Sangre. Isang teleserye sa primetime bida ng kapamilya network. Ngayong gabi pala mag-tra-transform si Malia kaya siguro kumakahol iyong aso. Napatawa ako sa sarili kong Joke. Wala naman ibang tatawa kasi ako lang naman mag-isa dito sa townhouse ko. Napahinto ako ng may narinig din akong tumatawa. Umiling-iling ako. Siguro nag-sleep walk lang ako at nananaginip lang. Kaya bumalik ako sa aking higaan para ituloy ang naputol kong tulog.
Kinaumagahan, napapaisip ako. Totoo bang full moon kagabi o nag-sleep walk lang. Tiningnan ko ang kalendaryo. Three days from now iyon ang full moon. Kaya ganon na lang siguro kalaki iyong buwan. Ngunit bigla ko na lang naalala ang halakhak na narinigko. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tumayo ang mga buhok ko pati na rin ang balahibo ko. Umiling-iling ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. In short, deadma.
BINABASA MO ANG
Diary Of A Paranormal Writer
RandomExcerpt from Rotten Writer's Diary about her "Housemate". Ang akala ko normal na madaling araw lang iyon. Pero doon ko pala matutunan kung paano ang magsulat. Alas-tres ng madaling araw. Nagising ako sa alolong ng aso. Pagdilat ng mata ko, napansin...