Chapter 2 - Furious Mareuz

1.3K 58 22
                                    

Napa-salampak ako sa sofa nang maka-uwi kami.

"I'm so tired! Jetlag," buntong hininga ko.

"You're free to rest!" sagot ni Matt.

"I think that's what I really need right now!"

Dahil sa sinabi niya, tumayo ako para mag-tungo sa bedroom.

"Pasensya medyo natagalan ako!"

Napalingon kami sa pumasok.

Si Tito Morris. Siya ang loyal friend ni Daddy. Bago pa man ako i-adopt ni Dad, mag-bestfriend na sila. High school bestfriend daw niya eh!

Actually, kasama namin siya kanina sa burol. Medyo na-late lang siya sa pagpunta rito.

Tito Morris is one of the most health conscious persons I know. Consistent ang proper diet niya at regular din siyang kumo-konsulta sa doktor kaya't napaka-lakas niya at young looking kumilos bagamat physically, halatang tumatanda na rin siya. Sakto lang ang pangangatawan niya, tan ang skin complexion niya. He's actually bald pero ok lang. Bagay naman niya.....Or siguro nasanay na lang din akong ganyan siya.

Why am I saying about his health? Napapa-isip lang kasi ako na kung naging health conscious lang rin sana si Dad gaya niya, hindi sana siya nawala.

Napansin kong nagpalinga-linga siya at napansin niyang may mga maids na napapadaan.

"Better we discuss the concern in your office!" suggestion ni Tito Morris kay Matt.

Oo nga pala. We're waiting for him dahil may sasabihin daw sila tungkol sa pagkamatay ni Dad which I believe is connected with Matt's endorsement to me earlier to be a CEO.

"Uhmmm..tito napagod daw si Mareuz eh! I think we'll just deal with it some other----"

"No, no, it's okay! Kaya ko pa naman!" pag-interrupt ko sa sinasabi niya.

No matter how tired I am, my mind couldn't rest with a curiosity that's striking me right now. Really intriguing!

"You sure?" paniniguro ni Matt.

"Yep!" I smiled politely.

We went to Matt's office to talk about the matter.

"Sigurado ka ba bro na kaya mo pa?" muling tanong ni Matt.

Siguro nagiging makulit na siya dahil pansin na rin niyang pagod talaga ako. That's how concerned my brother is.

Andito na kami ngayon sa kaniyang opisina. Naka-upo kami ni Tito Morris habang si Matt, naka-sandal lang sa mesa.

"Your actions are elevating my curiosity lalo't kailangan present pa kayong pareho," tugon ko.

Hindi sila umimik. Nagtinginan lang sila.

Sa ginawa nila, I suddenly felt like an outsider.

"...tsaka 'yung ginawa mong pag-endorse sa 'kin sa board, connected ba sa sasabihin niyo ngayon?"

"Relax Mareuz!" sambit ni Tito Morris.

Nakita ko si Matt, may kinalkal sa kaniyang drawer at isang short-sized brown envelope ang inabot niya sa 'kin.

" What's this?" pagtataka ko.

"See for yourself!" sagot ni Matt.

I opened the envelope with curiosity in me and it contained an A4 size photos.

"Dad's death!" I concluded.

The photo is the scene of Dad's death.

"Ok...", pagsisimula ko.

Justice ServedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon