Chapter 12 - CEO's Office

808 33 13
                                    

Next day na akong naka-balik sa office.

"Good morning, sir!" bati sa 'kin ni Jill.

"Good morning!"

Napansin kong may mga ina-ayos siyang mga documents sa kaniyang mesa.

"Sir, heto po pala 'yung mga submitted reports kahapon. They need your immediate approval daw po sa mga papers na 'to."

"Ganyan agad kakapal ang kailangan kong i-review?"

"CEO po kayo eh!" she answered nicely.

Ang tindi talaga ng ginagawa ni Dad sa company.

"Okay then! Isunod mo na lang sa office."

Naglakad ako patungo sa office.

Nagpalinga-linga ako pagpasok ko rito. Naninibago pa ako though I've seen this before at wala namang masyadong nabago.

Same set up since the last time I came here.

Pagbukas sa pinto, bu-bungad agad ang living room set malapit sa wall. The work desk of Dad is located at the right part of the room if you're from the door and it's facing the living room set. Behind the work desk is a plain wall. There's I think 3 meter distance between the sofa and the work desk. In this distance is a mini-shelf na nakadikit sa wall. This shelf contains important books and other compiled documents. The comfort room is located beside the shelf near the work desk. Sa tapat nito ay ang wall made of glass.

Lumapit ako sa may desk. Nag-flashback sa 'kin ang photo na pinakita sa 'kin nina Tito Morris at Matt. Dito mismo sa tabi ng desk at upuan na 'to natagpuang walang malay si Dad. And he's facing the wall which I find questionnable.

Why would he be facing the wall if the assumption is nasa may mesa siya? Dapat nakaharap din siya sa mesa kahit no'ng matumba siya due to heart attack.

Napa-upo ako.

Mayamaya pa ay biglang may kumatok at bumukas ang pinto.

"Sir, eto na po 'yung mga documents," sambit ni Jill at ipinatong niya ito sa desk.

"Salamat!"

Tumango siya at agad ring nagpaalam.

I checked the files in front of me.

Mga approval sheet, memorandum, at reports.

Napasandal ako sa inu-upuan ko. Honestly, tinatamad akong gawin 'tong mga report na 'to. Mas ginaganahan ako sa kaso ni Dad.

I reached my phone and called Matt up.

"Man, I need you here!" agad kong sambit nang sagutin niya ang tawag.

"Huh? Bakit?"

"Andaming paperworks dito. You promised to do these," I reminded him.

"Now na as in now na!?"

Napa-ngiti ako nang bahagya sa reaksyon niya.

"Yes! Deadline will be tomorrow. Sa dami nito, baka magahol ka sa oras kung hindi mo gagawin ngayon."

Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Pwede bang mamaya konti? Naka-bihis na ako ng pang-gym eh!"

"Saka ka na mag-gym. Bro remember, pangalan ko ang mapapahiya dito 'pag pumalpak tayo sa mga paperworks na 'to. I'm trying to concentrate myself on Dad's case kaya hindi ko mahaharap 'tong mga 'to!"

"Okay, okay fine! I'm coming. Bihis lang ako."

"Good!" sagot ko at ibinaba ko ang phone.

Tumayo ako habang pinagmamasdan ang paligid ng office, baka sakaling may makita akong clue or lead.

Justice ServedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon