Chapter 19 - Rescue

680 30 10
                                    

Tila natigilan siya nang sabihin ko ito.

"Una sa lahat, mabuti na lang at hindi ka nagday off sa araw na 'yan."

"Ano'ng ibig mong sabihin sir?"

"Mas paghihinalaan ka 'pag hindi ka pumasok tapos gano'n ang nangyari kay Dad."

Napa-tingin lang siya sa 'kin at tila ina-aral ang aking sinasabi.

"You may always see me in a businessman's suit but believe me, what I'm saying is true!"

"N-napansin ko nga po parang alam na alam niyo."

"I'll take that as a positive remark," I answered, half-smiling.

"Secondly, tutal tungkol na rin naman sa nangyari kay Dad ang pinag-uusapan natin, allow me to ask questions regarding this," muli kong sambit.

Napa-tingin ako sa kaniyang mga mata at kitang-kita ko ang pag-aalinlangan niya.

"Nabasa ko 'yung report sa kaso ni Dad. Sinasabi do'n na pagkatapos niyang magpatimpla ng kape, mga ilang minuto lang, lumabas siya at nagpunta kay Mr. Ferrer. From then, may napansin ka bang kakaiba kay Dad?"

"Ano po'ng ibig niyong sabihin na kakaiba?"

"I mean something na hindi naman niya ikinikilos o ginagawa dati! Hindi ba siya mukhang a-atakihin sa puso?"

"H-hindi ko po kasi alam ang itsura ng a-atakihin sa puso sir pero base sa itsura niya, parang okay naman siya."

"Hindi siya namumutla o mukhang bothered?"

She shook her head.

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya at sinubukang i-internalize ang statements niya.

"You know what? I wonder why Dad needs to personally give a document to Mr. Ferrer eh andiyan ka naman!"

"Actually po sir..."

Natahimik siya saglit.

"...kapag po talaga mga papers for Mr. Ferrer, hindi po talaga niya dinadaan sa 'kin at ganoon din po si Mr. Ferrer."

Tumango-tango lang ako.

Why do they need to direct the papers to each other?

Does that mean I shall do the same?

I cleared my mind! Heto na naman ako. Kapag nasasagot ang isang tanong ko, sumusulpot naman ang mga bagong katanungan.

"Sir pwede po bang magtanong?"

"Ano 'yon?"

"Bakit po ninyo tinatanong ang mga 'to?"

"Hmmmm..."

Pinagmasdan ko siya.

"Consider it as my way of helping you!"

Nakita ko ang pagkunot-noo niya.

"Thank you for answering my questions. I think kailangan ka na sa labas," I told her politely to end the conversation.

"Sige po sir!"

Tumayo siya para umalis.

Nang bu-buksan na niya ang pinto muli siyang napalingon sa 'kin.

"Sir..." sambit niya.

Napa-tingin ako sa kaniya.

"Yes?" I asked.

I can see she's hesitating.

Pinilit niya'ng ngumiti saka siya nagsalita.

"W-wala po."

Tuluyan na siyang lumabas.

Justice ServedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon