Chapter 48 - Decision

561 21 4
                                    

Inilagay ni Matt ang tasa ng kape sa harapan ko.

"Salamat!" 'yan ang aking sinagot.

Andito ako ngayon sa kusina. Naka-upo ako habang sinusubukang mag-isip nang maayos. It's been a day since we found out the truth.

Umupo siya sa tapat ko habang sinimulan ko namang ihalo ang creamer sa kape.

Buti pa 'tong kape hindi nagbabago.

"Bro, ba't di ka kaya mag-bakasyon?"

Napa-tingin ako sa kaniya.

"Nakikita ko kasi, masyado ka nang stressed! Maybe you should take a break," he suggested.

Kung hindi ko lang makita ang sincerity ng mukha niya, iisipin kong pinapalayas na niya ako.

"Siguro nga I need vacation. Kailangan ko munang magpaka-layo-layo para makapag-isip," pag-sang-ayon ko.

"You want me to book a flight for you? Gusto mong bumalik ng US?"

With a poker face, I nodded!

Tumango lang din siya na tila pinapalakas ang loob ko.

"Just like before, isama mo si Rob para hindi ka mahirapan do'n," dagdag pa niya.

"If possible, book the flight as early as now. Gusto kong umalis the soonest! If I can go tomorrow or the day after tomorrow, the better. Ayoko na rito. Pakiramdam ko, para akong sinumpa tuwing nandito ako!"

Nakita kong napa-yuko siya ngunit agad din niyang inangat ang kaniyang tingin.

"Bro, I know you're stressed but I hope you change that perspective of yours. Nagkataon lang siguro ang mga 'to! For me, I'm always proud na naging kapatid kita. And it's a blessing for me whenever you're here."

Hindi ako umimik. Tinignan ko lang siya.

Mayamaya pa, inutusan ni Matt ang isang maid para kunin ang kaniyang laptop sa kaniyang office.

Ilang minuto pa'y bumalik ang maid dala ang laptop.

Matt immediately opened it. Itinutok niya ang kaniyang atensyon sa laptop, then he typed something.

"Bro, the soonest flight will be tomorrow, 6 pm! You want me to book it?"

"Oo!" sagot ko.

Tumango siya at muli niyang itinutok ang kaniyang mata sa laptop.

"Done booking your flight. Bukas ang alis mo!" sambit niya matapos ang ilang minuto.

"Then I guess kailangan ko nang mag-impake. Dadaan na lang ako saglit sa office para magpa-alam and then diretso nang airport."

Tumango si Matt at tuluyan akong nagtungo sa kwarto.

-----------------------

Nang i-book ni Matt ang flight ko, 'yun ang talagang gusto kong mangyari. Gusto kong umalis para makalimot.

Ngunit ngayong nandito ako sa kwarto at nag-aayos ng mga gamit, tila nag-iba ang ihip ng hangin. Tila hindi ito ang gusto kong mangyari ngayon.

Pero ano ba kasi talaga ang gusto kong mangyari?

Napa-tigil ako at kinalma ang aking sarili. Sinubukan kong mag-meditate.

"Okay Mareuz, ano nga ba talaga ang gusto mo?" bulong ko sa 'king sarili.

Magpaka-layo ka para kalimutan ang lahat ng nangyari. Move out to move on! , bulong ng aking isip.

Napa-pikit na lamang ako na sinabayan ko ng malalim na paghinga!

Mayamaya pa'y muli kong itinuloy ang pag-aayos ng mga gamit.

Oras na para pagbigyan ko naman ang ibinubulong ng isip ko.

So I made my decision. Buo na ang loob ko. Itutuloy ko ang pagpunta ko ng US.

-------------------------

"Magandang umaga sir!" bati ni Jill nang maka-tapat ako sa kaniyang table.

" Magandang umaga!" matamlay kong sagot.

Nagka-tinginan lang kami. Iniisip ko kung may sasabihin pa ba siya and at the same time, gusto kong mag-open up sa kaniya.

Siya, tila hinihintay rin niya kung may sasabihin ako.

I cleared my mind!

'Wag na lang.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok sa office nang bigla siyang magsalita.

"Okay lang po ba kayo?" sambit niya at pansin kong tila ramdam niya ang bigat na aking nararamdaman.

Napa-lingon ako sa kaniya.

"Okay na ba rito? how was the inspection?" tanong ko na ang tinutukoy ko ay ang pagpunta ng mga pulis kahapon.

"Ayos na po! Nalinis na rin ang office!"

Tumango lang ako.

"Kindly inform the board of directors for an emergency meeting at 12:00 noon!" Sambit ko sabay tingin sa 'king relo.

Naisip kong magpa-alam sa kanila formally.

Muli akong tumalikod para umalis!

"Sir, I hope you'll be fine! Andito lang po ako bilang kaibigan."

Ngumiti ako dahil kahit papaano'y, napa-gaan niya ang loob ko.

"Salamat!" 'yan ang aking nasambit at tuluyan akong pumasok ng office.

Inabala ko ang aking sarili sa mga ilan pang natitirang papers na kailangan kong asikasuhin. Susubukan kong aprubahan ang lahat ng ito bago ako tuluyang umalis sa kompanya.

Mayamaya pa'y napa-lingon ako sa sofa. Ang sofa kung saan kami nag-collaborate ni Alli at naging saksi ng aming pagkaka-mabutihan.

I distract my feelings at muli kong ibinaling ang aking atensyon sa mga papel.

Mayamaya pa'y pumasok sa 'king office si Rob na may hawak na folder.

Tumayo siya sa tapat ko.

"Bro, this is so unexpected. Babalik pala tayo'ng US?"

"Yes!" I answered straightly.

"Until when?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"How's the case?" tanong ko sa kaniya.

"Tuluyan nang na-turn over sa investigator-on-case ang kaso. Sabi nila wala naman nang problema so they can handle it their own. Malakas daw at matibay ang mga ebidensya," sagot ni Rob.

"Great!" I answered plainly.

After that, he dropped that subject.

"Bro naalala mo pa ba 'yong pina-research mo sa 'kin?"

"'Yong tungkol sa dalawang suspek na sinabi ko sa 'yo?" tanong ko.

"Oo!" sagot niya.

Itinaas niya ang hawak niyang folder.

"Baka gusto mong i-check ang resulta?"

I looked away!

"Para sa'n? Nahuli na ang culprit!"

Hindi siya umimik.

"Matibay na ebidensya ang pag-amin ni Ms. Gabriel na siya nga ang culprit. So I don't see any valid reason to check that!"

Napa-suri si Rob sa hawak niyang folder.

"Hmmmm...sabagay!"

Itinutok ko ang aking paningin sa mga hawak kong paperworks.

"Pero bro, iwan ko na lang dito ah! Sakaling ma-curious ka," sambit niya.

Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang na ipatong niya ang folder na 'yun sa'king mesa.

------------------------
Sa nalalapit na wakas ng kwento, 'wag palampasin ang natitirang kaganapan 😉

Justice ServedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon