Pagpasok ko sa office, agad isinunod ni Jill ang mga papel na kailangan kong pirmahan!
Marahang inilapag ito ni Jill sa aking harapan.
"Urgent daw po kasi!"
"Yes! You already said that earlier," malamig kong sagot.
" S-sir gusto niyo po ng kape?" she offered.
"Yes, please!" I answered blankly.
Lumabas si Jill habang sinimulan kong asikasuhin ang mga papel sa harap ko.
Pinirmahan ko ang mga dapat pirmahan. Ni-reject ko ang mga dapat i-reject.
Napa-sandal ako sa'king upuan. Hindi ko maiwasang balikan ang aming pag-uusap kanina sa office ni Matt.
I think that was the most ridiculous part of this investigation.
Napa-haplos ako sa mukha na parang naghi-hilamos.
Isang napaka-laking tanong sa 'kin ngayon, kailangan ko pa nga bang ipagpatuloy ang imbestigasyon? Paaano kung tama si Tito Morris na wala naman pala talagang foul play? Masasayang lamang ang oras at pagod namin. 'Yu ang ayaw niyang mangyari.
Bigla kong naalala si Matt. He's so confident that there's really a foul play. Pero gustuhin ko mang ipagpatuloy ang imbestigasyon, hindi ko rin alam kung paano. Wala akong maisip na susunod na hakbang. I felt like I'm on a dead end and there's nowhere to go except u-turn.
I'm starting to forget myself now as an investigator.
Nakaka-inis!
Napa-hinga ako ng malalim saka ko minasahe ang aking sentido.
Pinipilit kong mag-relax!
Napa-suntok pa rin ako sa mesa at saktong nakita ko si Jill, halos mapa-talon at muntik niyang matapon ang hawak niyang kape dahil sa gulat.
"J-Jill! Kanina ka pa diyan?" Tanong ko nang may tonong pagsisisi.
Naka-tingin lang siya na parang hindi niya narinig ang aking tanong.
" O-opo! P-pap-pa-pasensy-pasensya na po kung pumasok agad ako!" kabadong niyang sagot.
"I...I didn't mean to scare you!"
Pinilit niyang ngumiti nang bahagya.
Lumapit siya upang ibigay ang kape.
Pansin ko ang panginginig ng kaniyang mga kamay habang ipinapatong ang kape sa mesa.
I gently held her hands.
"I'm sorry if I scared you," I said sincerely while looking in her eyes.
"N-nagulat lang po ako p-pero okay lang po ako," sagot niya na ngayon ay tila mas kalmado na siya.
I felt relieved with her statement.
"K-kayo po? Okay lang po ba kayo?"
Hindi ako naka-imik. I looked down at binitiwan ko ang kamay niya.
"Nalilito lang kasi ako sa mga nangyayari!" I blurted.
"Saan po? Kung sa mga paperworks--"
"No, no," pagputol ko sa sinasabi niya.
"It's not work-related!"
Sa ngayon, kailangan ko ng mapaglalabasan ng nararamdaman.
"Nakaka-gaan po ng pakiramdam ang paglalabas ng nararamdaman."
"M-may mga nangyari lang na napaka-hirap paniwalaan."
I looked at her intently.
"Naranasan mo na ba 'yun? 'Yung hindi mo alam kung ano'ng dapat mong gawin. 'Yung feeling mo, you're on a dead end and you have no choice but to go back after all the time and sacrifices you poured out!"
Ngumiti siya nang bahagya.
"Ang tanong, gusto niyo po bang bumalik? Do you wanna go back after all the time and sacrifices you did?"
Napa-tingin ako sa kaniya.
"Honestly," sambit ko habang nag-iisip.
"I don't want to. But I feel like I have to!"
"Hindi po ako naniniwala sa dead end!"
"Why?" Pagtataka ko.
"Dahil naniniwala akong we have an ability to build a door. There's no dead end to people who are unstoppable."
Hindi ako nakaimik sa kaniyang sinabi. Tila may kung anong tumama sa puso ko at tila napanatag ang loob ko.
Her words are soothing and comforting. Sounds simple but really encouraging.
Hindi ko napigilan ang aking sarili. Napatayo ako at lumapit sa kaniya.
Nginitian ko siya saka ko siya niyakap...nang mahigpit!
"Thank you so much, Jill!" sambit ko habang naka-yakap pa rin sa kaniya.
Nang kumawala ako, nakita ko siyang natulala.
"S-sorry!" Sambit ko nang mapansin ko ang pagka-bigla niya.
Hindi siya umimik ngunit pansin ko ang pamumula ng kaniyant mukha.
Napangiti na lang ako.
"As I can see, hindi ka sanay na niyayakap ng guy?" I asked.
Parang nahiya siya sa tanong ko. Hindi siya makatingin nang diretso. Base sa kaniyang kilos, tila alam ko na ang kaniyang sagot.
"So hindi ka nga sanay. Maybe because, wala pa'ng gumawa nu'n sa 'yo?" paglilinaw ko.
Tumango lang siya na nahihiya pa rin.
"Ano ka ba! I don't see anything wrong with that. Isa lang ang ibig sabihin niyan..."
"...ibig sabihin, karapat-dapat kang i-respeto. I mean siyempre those other girls also deserve respect pero ang mga tulad mo, ibang level na respeto ang dapat naming ibigay at ipakita sa 'yo!"
Pinagmasdan niya ako habang naka-ngiti.
"Alam mo sir, may naisip akong makakatulong sa 'yo para mabawasan ang stress mo!"
Napataas ako ng kilay sa kaniyang sinabi.
"Minsan, kailangan lang nating bumalik sa pagka-bata."
"What do you mean?"
"Basta! Pwede ka ba mamaya sir?"
" Hmmmmm...if you will promise that it's effective in making me feel better, I will make my time available."
"Promise!" sambit niya sabay taas pa ng kaniyang kanang kamay.
"Then I'll go with you!" I answered in a brighter tone this time.
BINABASA MO ANG
Justice Served
Misteri / ThrillerHighest Rank: #10 in Thriller. Naniniwala si Mareuz na murder ang kinamatay ng kinilala niyang ama bagama't iba ang sinasabi ng imbestigasyon. Upang mailabas ang katotohanan, mag-i-imbestiga siya nang patago dahil hindi ito isang ordinaryong kaso...