Chapter 51 - New Plan

602 24 4
                                    

"Alam mo nakaka-gulo ka na eh! Hindi basta-basta 'yang sinasabi mo," kontra sa 'kin ni Juanito habang abala sa pangangalkal sa kaniyang drawer.

"Alam kong hindi basta-basta pero naniniwala akong magagawan mo ng paraan kung gugustuhin mo lang," pagpu-pumilit ko habang naka-upo sa may desk niya.

Andito ako ngayon sa kaniyang office at kinukulit siya upang pagbigyan ako sa isang pabor na hinihiling ko sa kaniya.

Pagkatapos kasi naming mabuksan ang kahon, naging malinaw na sa 'kin ang lahat. Naiintindihan ko na rin ang nais iparating ng nagpadala ng kahon. Ngayon, kailangan kong kumilos agad.

"Ano ba kasi'ng nakain mo't biglang nagbago ang isip mo? Sumuko ang culprit, nilatag mo ang ebidensya, tinanggap namin. Tapos ngayon nandito ka para i-urong ang kaso?" naguguluhang tanong ni Juanito.

"Everything was just a mistake. That's why I need you to issue an arrest warrant to catch the real culprit!" Mariin kong sagot.

"Pwede ba Mr. Welch, 'wag kang mag-marunong! Hindi ka boss dito o Presidente ng Pilipinas para sundin namin ang demands mo!"

"Hindi ako nagma-marunong. Nagsa-sabi lang ako ng totoo!"

Hindi siya umimik at nagsimula lang siyang magsulat.

"Okay fine! I've expected this anyway," pagsuko ko.

Pinagmasdan ko siya habang nagsusulat.

"...that's why I took a research of someone who might help me and I came across an inspector just nearby town!" Sambit ko dahilan upang mapa-lingon siya.

Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"I learned, siya ang pinagkakatiwalaan nitong kilalang young detective na nagnga-ngalang Spencer Quijano. I believe may maaasahan ako dun!"

Umasta akong ta-tayo para puntahan sila.

"Sandali, sandali!" Pigil niya sa 'kin at agad akong napa-lingon.

"Pa'no ka naman nakaka-siguro na tutulungan ka nila?"

Ngumiti lang ako at muli ko siyang tinalikuran. Aalis na dapat ako nang may ipahabol ako sa kaniyang mga salita.

"Akala mo hindi ko alam na ang team mo mga tamad. That's exactly the reason why you weren't able to extract and inspect all the details well when you did the initial investigation on my Dad's case. Actually balak ko nga kayong i-report sa nakaka-taas sa inyo."

Hindi siya naka-imik. Napa-nganga na lamang siya nang mapakinggan ang aking sinabi. Napansin ko rin ang pamumula niya at hindi siya maka-tingin sa 'kin nang diretso.

Tumalikod ako ngunit muli niya akong pinigilan.

"S-sandali!" sambit niya.

"...kelan mo ba kelangan 'yang warrant na 'yan?"

Pa-lihim akong napa-ngiti.

"As early as now!"

Hinarap ko siya at kahit napipilitan, nakita kong agad niyang inabot ang telepono upang tawagan ang assistant niya.

Narinig kong tinatanong niya ang availability ng judge na mag-i-isyu ng warrant.

"Okay, salamat!" sambit niya sa telepono.

Agad niyang ibinaba ang tawag saka niya muling ibinaling ang kaniyang tingin sa 'kin!

"Oh ayan ipo-proseso na!" sambit niya na tila nabuhusan ng malamig na tubig.

"Salamat!" Sambit ko sa kaniya.

Mayamaya pa'y hindi ko mapigilang magtanong sa kaniya.

Napa-lunok ako habang bumi-bwelo.

Justice ServedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon