"You first," I told him.
"May nahanap na akong witness sa rope!" Pagsisimula niya.
"Good!"
Hindi ko maiwasang mapa-ngiti sa magandang balita.
Napatayo ako at kinuha ang aking journal para isulat ang mga mahalagang detalyeng sasabihin niya.
Pagkakuha ko, I asked him to tell me everything about the investigation!
"Isa siyang dispatcher ng mga jeep," pagsisimula niya.
His story goes like this.
Ang pangalan daw ng nakakita ay si Mang Danny, isang dispatcher. Meron kasing terminal ng jeep malapit sa company. It's located to where that window is facing. Ang sinabi ni Rob na paglalarawan ni Mang Danny sa rope na nakita niya ay tugma sa kung paano ito inilarawan ni Rita.
"Bakit hindi mo siya naka-usap agad nu'ng unang beses kang nagpunta roon?"
"Wala siya no'n eh!"
"You think we can trust him? Have you researched his profile bukod sa pagiging dispatcher niya?"
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Nagma-match ang description niya sa description ni Rita tungkol sa rope. But we need to make sure that there's no conspiracy going on between them so we need to find out if they know each other or if they're connected."
"Ah okay okay so kailangan ko ulit mag-research ng tungkol sa kaniya!"
"Exactly! Dahil hindi sapat na statement lang ang basehan natin. We need a stronger evidence."
"Copy that!" Sagot niya.
"Siya nga pala, niri-record mo ba ang mga sinasabi nila?"
"Of course! 'Yun nga lang na-retain sa 'kin eh sa lahat ng mga napag-aralan natin," pagmamalaki niya.
"Buti may naiwan. Congrats!" Biro ko sa kaniya.
"Ano nga pala'ng ipapagawa mo sa'kin?" tanong niya.
"Nakuha ko na 'yung medical record."
"Talaga?"
I can feel the excitement in his voice.
" Negative!"
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Clear ang medical record niya. Wala siyang kahit anong heart problem. His vital signs are okay."
Sinabi ko sa kaniya ang mga sinabi ni Abbie.
"Ibig mong sabihin, walang dahilan para atakihin ang Daddy mo sa puso!" paglilinaw niya.
"Yes! Kaya sobrang nahihiwagaan ako. How was it possible!'
"Bro, kung may foul play nga rito, sobrang talino ng gumawa!"
"Kaya kailangan mas galingan natin," determinado kong sagot.
"Hindi kaya, may anomalya sa forensic report? Or baka naman ang mismong medical record ang na-compromise?" tanong ni Rob.
"What's the point of the culprit in compromising the medical record? Kung hindi totoo ang nakasulat do'n mas magki-create ng duda na may foul play nga which is already happening to us. It might get back to the culprit dahil mahahalungkat ang kaso. Pero kung forensic report ang na-compromise, mas makakatulong 'yon sa culprit dahil gaya ng nangyari, mabilis naisara ang kaso," I explained.
"But it's still too early to consider that!" Bawi ko.
"So ano'ng balak mong gawin?"
"I want you to get the vial from the forensics."
BINABASA MO ANG
Justice Served
Tajemnica / ThrillerHighest Rank: #10 in Thriller. Naniniwala si Mareuz na murder ang kinamatay ng kinilala niyang ama bagama't iba ang sinasabi ng imbestigasyon. Upang mailabas ang katotohanan, mag-i-imbestiga siya nang patago dahil hindi ito isang ordinaryong kaso...