Chapter 53 - Details

664 26 5
                                    

"Sa mga tinuran mo, mas lalo mo lang pinatunayan na ginamit mo lang din si Allison para takpan ang iyong sarili. Tinuring ka pa man din niyang tunay na ama dahil akala niya, totoong mahal mo siya bilang anak! Ginagamit mo lang pala siya, Mr. Ismael Gabriel", mahinahon ngunit mapanutya kong sagot sabay diin ko sa kaniyang pangalan.

Hindi siya umimik. Binigyan lamang niya ako ng matalim na tingin.

"Nang arestuhin si Alli, akala mo nagtagumpay ka na. Akala mo, naka-lusot ka! Pero mas matalino si Allison sa 'yo kaya ka niya naisahan. At 'yan eksakto ang dahilan kung bakit ka nandito," dagdag ko.

Nakita ko ang pagkunot-noo ni Mr. Gabriel na dala ng kaniyang pagta-taka.

"Mabuti ang puso ni Allison. Kahit isang kriminal na kagaya mo ang nagpa-laki sa kaniya, mas nangibabaw pa rin ang kabutihan sa puso niya kaya't pinilit niya'ng gumawa ng paraan upang linlangin ka."

Mayamaya pa'y binuksan ko ang kahon at kinuha ang isang piraso ng papel, isang prescription paper.

Malinaw na ang prescription paper ay pag-aari ni Mr. Gabriel dahil sa naka-sulat na impormasyon dito. Ang pangalan ng ospital kung saan siya nagta-trabaho, maging ang kaniyang mismong pangalan.

Dito niya isinulat ang kaniyang mensahe para kay Allison kung saan isinasaad niya dito na kailangan niyang isuko ang kaniyang sarili bilang isang culprit sa paraang maku-kumbinsi kaming lahat. Kapag hindi niya ginawa, ako ang isusunod ni Mr. Gabriel sa parehong paraan kung paano niya pinatay si Dad.

Siguro dahil sa takot at naisip niya na kayang-kaya ulit gawin ito ng stepfather niya kaya wala siyang nagawa kundi sumunod na lamang.

Samantala, inabot ko ang kahon at ipinakita ang mga ebidensya.

"Ang kahon na 'to!", sambit ko kay Inspector Alvarez.

"...natanggap ko ito kahapon. Ipinadala ni Ms. Allison Gabriel bago siya sumuko at nagpakilalang culprit. Naglalaman ito ng mga ebidensya. Mga ebidensyang ginamit niya...", sabay turo ko sa stepfather ni Allison.

".....sa pagpatay sa biktima."

Itutuloy ko pa dapat ang aking sasabihin nang magsalita si Inspector

"Mr. Welch, sinabi mong ebidensya ang mga 'yan! Gusto kong ipaalala sa 'yo na madali lang maglagay ng mga kagamitan sa isang kahon at sabihing ebidensya ito!"

Napa-smirk si Mr. Gabriel sa tinuran ni Inspector.

"Alam ko po 'yan inspector that's why Rob, my assistant, did the verification. Isa pa, it matches with the initial details gathered by the investigator-on-case," paliwanag ko.

Nakita ko ang pagtango ni Juanito na tila proud na proud.

Pinagmasdan ako ni Inspector.

"Oh siya! Ipagpatuloy mo," utos niya.

"Inside this box is a contract!" Pagsisimula ko sabay kuha ito upang ipakita sa kanila.

"This is the written agreement of the culprit's debt which is the root cause of the murder. Pinakitaan siya ng mabuti, pinagkatiwalaan, pero nilamon siya ng inggit at kasakiman kaya niya nagawa ang krimen!"

Kinuha ito ni inspector at sinuring mabuti.

"Hmmmm....base sa obserbasyon ko, ito ay ang orihinal na kopya dahil mayroon itong dry seal, ang pirma ay halatang matagal na, at ang bondpaper na ginamit ay nani-nilaw na rin dahil sa kalumaan nito. We will consider this as an evidence," sambit ni Inspector.

Napansin ko ang pagpigil hininga ng kaniyang driver na si Waldes, isa sa suspek. Halatang kinakabahan siya.

Narito rin ang lab test ng mga fingerprints ng mga kagamitan. And it matches with their fingerprints.

Justice ServedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon