I unfold the piece of paper Tito Morris has given me. As I can observe, the paper is already old even the ink used. Ibig sabihin, hindi ito isinulat kanina o kahapon. Kung eto lang ang magiging basehan ko, masasabi kong, hindi ito isang alibi.
Sinimulan kong basahin ang sulat.
Roses are red
Violets are blue
I'm sure what you'll do
Is your friend to rescueStrangers is you and I
'Bout this letter let me tell you why
If you help him survive
You too is going to die-- Legit_STABBER
Napakunot-noo ako sa 'king nabasa.
"Legit Stabber!"
Nagma-match ang construction ng poem sa e-mail na natanggap ni Dad.
Pareho ang intro. Both message started with the same famous lines. Pareho rin ang pagkakasulat ng pangalan ng nagpadala. Both were having underscore between the two words at parehong capslock on ang salitang STABBER.
So it is possible...
Nope, pagpipigil ko sa'king isip. It's still too early to conclude!
"Sino 'tong Legit_STABBER na 'to!?" pag-kwestiyon ko kay Tito Morris.
Umiling siya habang kitang-kita ang takot sa kaniyang mga mata.
"H-hindi ko k-kilala."
"Hindi mo kilala o pinagtatakpan mo lang siya?" Bulyaw ko sa kaniya.
"H-hindi ko talaga alam Mareuz. M-maniwala ka sa 'kin!" pagmamakaawa niya.
"Hindi mo alam? Paano mo nakuha 'tong sulat na 'to?"
"N-nakita ko na lang sa may pinto s-sa 'king apartment. N-nakadikit do'n"
"Eto ang masasabi ko sa 'yo! Hindi ko alam kung nagsasabi ka ng totoo. Ngunit nagsasabi ka man ng totoo o hindi, kailanma'y hindi mo na ulit makukuha ang tiwala namin. From now on, you're no longer welcome in this house. Maging sa buhay namin," matigas kong sambit.
Nakatingin laman siya sa 'kin na mukhang nagpapa-awa.
"Kulang na kulang pa 'yan bilang kapalit sa nagawa mo. Pasalamat ka't abogado ako. Nahasa ang tiwala ko sa batas. Dahil kung hindi, baka hindi ka na ngayon humihinga."
Pagkatapos ng aking mga sinambit, tinalikuran ko siya.
"Rob, ikaw na'ng bahala sa kaniya!"
Lumapit siya sa 'kin at bumulong.
"Ano'ng gagawin ko?"
"D-dalhin niyo na ako sa prisinto. S-sasabihin ko sa kanila na may foul play sa pagkamatay ni Barry."
"And you think it's a wise decision to do?" bulyaw ko sa kaniya.
"Keep your mouth shut and stay away from us! That's the best and most helpful thing you could do if you really wanna help and if you're really innocent."
Mayamaya pa'y biglang nagsalita si Rob.
"Tsaka kung talagang inosente ka at talagang concern ka kay tito Barry, bakit kahapon, pilit mong ipinapatigil ang pag-i-imbestiga namin, eh ikaw pala ang mas nakaka-alam sa 'min na meron ngang foul play."
"N-natakot ako! The fact na n-nililito niya tayo sa medicolegal ni Barry, n-naisip ko na h-hindi nga siya basta-basta. B-baka k-kung ano na naman ang gawin niya!"
Lumapit ako sa kaniya ngunit agad akong pinigilan ni Rob.
"Alam mo sa mga sinabi mo, mas lalo mo lang pinapatunayan na wala kang ibang pinapa-iral sa buhay mo kundi 'yang pagiging duwag mo!" Duro ko sa kaniya.
"Kung wala kang tapang para gawin ang tama, then you really don't deserve to be part of this family. At 'wag mo kaming idadamay sa pagiging duwag mo!"
Iwinaksi ko ang pagkakahawak ni Rob sa 'kin saka ako tumungo kay Matt.
In the midst of my anger, I did my best to subside it. Kailangan kong i-check si Matt. He's not as strong as I am. Mas sensitive siya kesa sa 'kin. Mas madali siyang masaktan lalo't never na'ng naging iba ang tingin ni Matt kay Tito Morris.
I knocked three times then I opened the door.
"Bro!" pagsisimula ko nang makita ko siyang nakaupo sa kaniyang kama at nakatulala.
Inihaplos niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mukha upang punasin ang kaniyang luha.
"I'm sorry kung nabigla kita," sambit ko at ipinatong ko ang aking kamay sa kaniyang balikat upang ipakita na concern ako sa kaniya.
"Bro, I can't believe this is happening!"
Sa unang linya niyang 'yan, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Para siyang nawalan ulit ng isang ama.
"S-sana panaginip na lang 'to. I'm sorry p-pero sana...sana mali na lang ang deduction mo."
"Naiintindihan kita."
"Bakit siya pa? Sa dinami-dami ng pwedeng maglaglag sa 'tin at kay Dad, bakit siya pa na...na pinagkakatiwalaan natin. Hindi ba niya naisip na sobrang masasaktan tayo kapag ginawa niya 'yun?"
Muli'y umagos ang kaniyang mga luha. Mistula siyang bata ngayon na nagsusumbong sa kaniyang kuya.
"Ako man deep inside, nasasaktan din ako. Totoo nga'ng sinasabi nila na.... mas masakit 'pag ang taong malapit sa 'yo ang makakasira sa tiwala mo."
Hindi siya umimik.
"Pero alam mo Matt. Nangyari na eh! Wala na rin tayong magagawa para baguhin 'to. And it's him who made this decision. Masakit man pero at least nalaman natin ang totoo."
"Kasi Bro. Ang babaw ng dahilan niya. After how many decades of their friendship, sa isang sindak magagawa niyang i-betray si Dad. Diba dapat magkaibigan sila? Kahit anong mangyari, mananatili siya sa side ni Dad!"
Napabuntong-hininga ako at sinubukang sagutin ang kaniyang mga tinuran.
"Ako rin, I find the reason so shallow. Pero siguro nga may mga ganoong klaseng tao. Mga taong maka-sarili at walang ibang iniisip kundi ang sarili nilang kapakanan."
Hindi siya sumagot.
"It would be hard. But the best thing we should do is move on and try our best to live without him!"
"Hindi pa man ako nakaka-move on kay Dad, heto na naman!" sambit niya.
"Bro, kailangan nating tibayan ang loob natin. We're not yet done with the case. Posibleng may mga lumitaw pang mga pangalan na hindi natin a-akalaing gagawa no'n kay Dad.'
Napatingin si Matt sa 'king sinabi!
"Thank you for being a strong and brave brother," sambit niya at ngumiti siya ng bahagya.
"Kakayanin natin 'to to serve the justice that Dad deserves," I comforted.
Tumango siya at pinilit ngumiti though the sadness and hurt in his eyes is still so obvious.
--------------
So what do you think of Morris???? May conspiracy man o wala, does he deserves second chance from Welch?
BINABASA MO ANG
Justice Served
Mystery / ThrillerHighest Rank: #10 in Thriller. Naniniwala si Mareuz na murder ang kinamatay ng kinilala niyang ama bagama't iba ang sinasabi ng imbestigasyon. Upang mailabas ang katotohanan, mag-i-imbestiga siya nang patago dahil hindi ito isang ordinaryong kaso...