"Ah that one!" turan ni Matt na tila nakalimutan na niya.
Nagtinginan ulit sila ni Tito Morris and I hate it.
"We mentioned earlier that we believe, the murderer is smart!" pagsisimula ni Tito.
Napaisip ako sa sinabi niya.
I think I'm getting the point!
"So through this, you want to outsmart the murderer?" hinuha ko.
"Exactly!" sabay nilang sagot.
I started to analyse it!
"We assume that the murderer is from inside. I mean from the company," turan ni Matt.
"Because he died in his office?" I asked.
"And because it's done so fast," dagdag ni Matt.
"Pwede! But it's not always the case! Why do you think the culprit would do it by the way?"
"Well, all we have is an assumption. We think it has something to do with the company. Probably gusto nila siyang pabagsakin or ginawa ito dahil sa inggit," sagot ni Tito.
"The problem is...walang kaaway si Dad," pagsalungat ko.
" Sa initial investigation, lahat ng mga nasa company, gustong-gusto ang pamamahala ni Dad. They love how he cares for the employees," paliwanag ni Matt bilang pagsang-ayon sa aking tinuran.
"Hindi lang naituloy kasi 'yong investigation eh!" dismayado niyang sambit.
" If that's the case, it is also possible that the culprit is from the outside. So I don't think making me the next CEO is the solution for this," paliwanag ko.
My mind is already fixed that Matt will be the next CEO. I never anticipated to be in that position kaya hindi ko matatanggap 'to.
"Oo! May punto ka. But bro may mga rivals ang company. Our business has been number one in Asia for four straight years. Kailangan pa rin nating siguraduhin na protektado ang kompanyang pinaghirapan ni Dad. Kapag ikaw ang magti-take over, mas mapapanatag kami. Why? because you have all the skills and abilities needed. You took up business course, law, investigation. So kapag may nagtangka to ruin the company, you can easily discern it, and possibly stop it from happening," paliwanag ni Matt.
Nakita kong tumango-tango si Tito bilang pagsang-ayon.
Napaisip ako. Well here's the summary of their point. They believe that the culprit is smart so I'm gonna have to take over the position as a cover up! Kung hindi namin alam kung sino ang kalaban, dapat hindi rin malaman ng culprit kung sino ang kaniyang dapat iwasan. And through this, mata-trap namin siya...hopefully! It's almost similar with playing hide and seek. Paunahan na lang ng diskarte at plano.
"This plan...devised by you?" Tanong ko kay Matt.
" Well...." sagot niya sabay ngisi.
"..... nabuo ito no'ng naglalaro kami ni Tito ng chess the last time we were discussing about Dad."
Tinignan ko sila habang napapaisip.
"I guess kailangan kong sumang-ayon sa plano ng one and only strategist I know!" I decided.
Matt is a chess player. It's his sport and minsan may obsession siya sa sport na 'to to the point na dito niya dini-derive ang ilan sa mga desisyon niya sa buhay maging ilan sa mga plano niya.
"...pero Matt you can't just let me do it all alone!" pagpapatuloy ko.
He gestured a wide smile.
"Of course! You will sit in the office pero ako ang tatapos sa mga paperworks!" paniniguro niya.
"This case is really complicated. So I think matagal 'to bago ma-solve."
"Still, let's close the deal," sambit ni Tito.
And we all agreed to the plan.
So I will be the next CEO while catching who the culprit is. Iniisip ko pa lang talagang komplikado na pero gagawin namin 'to para mabigyan ng hustisya si Dad.
Hindi ko pa rin naman isinasara ang posibilidad na heart attack nga ang ikinamatay niya. Sino ba naman ako para i-reject basta basta ang mga investigators na marami nang experience sa ganiyan. I'm just a newbie and only had six months training abroad. Hindi ko kinu-kuwestiyon ang husay nila sa pag-iimbestiga. Nakaka-duda lang na napakadali nilang isara ang kaso kay Dad. Ang importante sa 'kin ngayon, mabigyang linaw kung ano ba talaga'ng nangyari.
------------
Dalawang oras lamang ang tulog ko. Kulang na kulang to re-gain my energy.I woke up in misery knowing that today is the burial of our Dad!
I'm wearing a white half-sleeve polo and a denim pants.
Fast forward, we're now at the cemetery.
Napa-yuko ako at hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha ko nang ibababa na ang coffin sa hukay.
Hindi ko kayang tignan!
Hindi ko kayang makita ang taong nagmahal sa'kin nang buo na
tatabunan na ng lupa.His memories are currently playing on my mind which makes me harder to let him go!
Bago pa man siya tuluyang mailibing, tumalikod ako sabay punas ng aking mga luha. Naglakad pa-alis habang ramdam kong naka-sunod sa 'kin si Rob.
Hindi ko kasi talaga kayang makita na wala na talaga siya. Kailanman hindi ko ito matatanggap.
Pinunas ko ang luha ko na nagpapalabo sa aking paningin!
Rob and I both hopped in the car and leave.
Nag-desisyon akong magpunta sa lugar kung saan alam kong mailalabas ko ang sama ng loob ko maging ang bigat na nararamdaman ko sa pagkawala ni Dad.
Whenever I'm stressed, hurting, or sad, mas gusto kong may ginagawa ako at nagpapaka-busy dahil para sa 'kin mas nakakatulong ito para bumuti ang pakiramdam ko kesa manatili at magmukmok lang sa bahay.
I parked my car in front of the building.
"Boxing gym?" pagtataka ni Rob nang mabasa niya ang nakasulat sa harap.
"As if you don't know why!" I answered seriously.
"Pero Mareuz, wala kang dalang spare shirts or even training clothes."
"That's actually why you're here."
Inabot ko ang susi sa kaniya at wala siyang nagawa kundi kunin ito.
"Ano'ng drinks ang gusto mo by the way? Flavored water or what?"
"Plain water," sagot ko at sabay kaming lumabas ng sasakyan.
Nagtungo si Rob sa driver's seat at dumiretso naman ako sa loob.
The guard greeted me politely but I just nodded.
Konti lang ang tao roon na busy sa training. Some are girls wearing their training clothes.
After I register, I was supposed to go and start the workout nang tawagin ako ng isang staff.
"Sir, uhmmm you forgot your training gloves," sambit niya.
" I'm not using it!"
"But sir kelangan po kasi baka---"
"OK FINE!!!" Hindi ko mapigilang taasan ang tono ng boses ko.
Mas gusto ko sanang 'wag magsuot ng gloves lalo na 'pag ganitong hindi ako okay emotionally because I seek to feel the physical hurt than emotional hurt kaso mapilit eh!
Sa huli, pinagbigyan ko sila sa gusto nila bago pa man ako tuluyang mawalan ng pasensiya.
---------
Your votes, comments, and reaction to this story will be very much appreciated. Thanks 😘
BINABASA MO ANG
Justice Served
Misteri / ThrillerHighest Rank: #10 in Thriller. Naniniwala si Mareuz na murder ang kinamatay ng kinilala niyang ama bagama't iba ang sinasabi ng imbestigasyon. Upang mailabas ang katotohanan, mag-i-imbestiga siya nang patago dahil hindi ito isang ordinaryong kaso...