"Dito?" sambit ko nang makarating kami sa sinasabi niyang lugar.
Andito kami ngayon sa harap ng isang simpleng theme park. Kung alam niyo 'yung tinatawag nilang perya? Ganoon! May rides, perya, at pagkain.
Napalingon sa 'kin si Jill ." Bakit sir? Ayaw niyo ba?"
Napangiti ako!
"Hindi naman sa ayaw. Hindi ko lang naisip na dito pala ang tinutukoy mo!" sagot ko habang pinag-ma-masdan ang lugar.
"First time mong makapunta dito, sir?" tanong niya.
Nang marinig ko ang kaniyang tanong, bigla kong naalala ang aking pagka-bata.
"Hindi naman. I've been here when I was a kid. Bago pa ako pumunta'ng America para mag-aral."
"Kung ganoon, magiging effective 'to para kahit papa'no, mabawasan 'yang stress mo!" she told me.
"Eh di tara. Take the lead!" sambit ko saka ko siya sinenyasan na mauna na siya.
Nginitian niya ako saka siya naglakad. Sinundan ko siya habang nagpapalinga-linga.
Habang naglalakad kami papasok, pa-unti-unti kong naramdaman ang nostalgia.
I suddenly miss my childhood days. Like a child, I suddenly felt the excitement for rides. Dati, madalas kong sinasakyan 'yung mga carousel na may mukha ni jollibee, at maging 'yung korteng kabayo. 'Yun ang unang-unang pinupuntahan namin dati rito.
Habang naglalakad ako, napa-tanaw ako sa carousel at bigla kong na-imagine ang sarili ko bilang bata at masayang naka-sakay roon. Napa-ngiti na lamang ako.
Napaka-gandang mga ala-ala.
Napa-buntong hininga ako! If only I can turn back time.
"Sir, ano'ng tinitignan niyo?"
Napa-lingon ako kay Jill. Naka-tingin rin siya sa direksyong tinitignan ko.
" W-wala! May naalala lang ako!" sagot ko.
"Ah okay po! Gusto niyo po bang pumunta roon? Sa carousel po ba?"
"Hindi! 'Wag na. Wala rin naman tayong gagawin dun," sambit ko.
" Ah okay po! So sir, do'n tayo sa favorite ride ko?" sambit niya at humakbang siya palayo ngunit agad kong hinigit ang kamay niya.
"P-po?"sabay sulyap niya sa pagkakahawak ko sa kaniyang kamay.
"Before we go, let me tell you my rule for tonight!"
Namula ang pisngi niya sa sinabi ko. Napaka-sensitive ng cheeks niya. Ang bilis namumula. But that makes Jill, her!
"Gusto kong alisin mo muna'ng pagtawag mo sa 'kin ng sir at lalong-lalo na ang pag-po at opo mo sa 'kin. Nagmumukha akong matanda. Wala naman tayo sa opisina. Tonight, you're not my secretary and I'm not your boss," I ordered.
"S-sige po sir!" pagsang-ayon niya.
Napataas ako ng kilay sa narinig.
"I mean, sige!"
"Hoy kayong dalawa, FYI lang...in case hindi niyo alam, daanan 'to. Kung gusto niyong mag-usap, magpagilid kayo!!!"
Napalingon kami sa nagsalita. Isang babaeng kulot ang buhok, matangkad at mataba. I think nasa early 40's siya. Naka-simangot siya na sa tindig niya ay parang handa na siyang lumaban ng sumo wrestling kapag ko-kontrahin namin siya.
Nagtinginan kami ni Jill at nakita kong namula na naman siya.
"S-sorry po!" Sambit niya saka niya ako hinila paalis.
BINABASA MO ANG
Justice Served
Mystery / ThrillerHighest Rank: #10 in Thriller. Naniniwala si Mareuz na murder ang kinamatay ng kinilala niyang ama bagama't iba ang sinasabi ng imbestigasyon. Upang mailabas ang katotohanan, mag-i-imbestiga siya nang patago dahil hindi ito isang ordinaryong kaso...