Pagdating ko roon, agad kong hinanap ang investigator-on-case sa kaso ni Dad.
Bitbit ko pa rin ang aking suit kung saan naroon ang syringe. Marami'ng napapatingin at sigurado akong curious sila sa hawak ko.
Kung hindi ako nagkakamali, isang Juanito Santiago ang humawak sa kaso ni Dad. Kailangan ko siyang maka-usap.
"Wala po siya!" sambit ng isang pulis na noon ay abala sa pagsusulat.
The way I see it, bago lang siya sa trabaho. Halata sa kilos niya na hindi pa siya sanay. Medyo mabagal pa siya at parang nalilito kung nasaan ang mga gamit na kailangan niya. He's a guy, kulot ang buhok at pahaba ang mukha.
"Where is he? I need to speak with him!"
"Pabalik na po siguro si Sir. Paki-hintay na lang siya."
Napa-tingin ako sa 'king paligid at naghanap ng mauupuan. Mayamaya pa'y may nakita akong bangko roon kaya do'n ako umupo.
Mayroong konting tao rito at napapa-tingin pa rin sila kung ano ba ang hawak ko.
Mayamaya pa'y may pumasok na naka-uniporme ng pulis.
Sana siya na si Juanito Santiago.
Napa-tingin sa 'kin ang pinagtanungan ko saka siya tumayo at sinalubong ang dumating.
Pinanood ko ang pag-uusap nila.
Nakita kong tumango-tango ang dumating na pulis. Napa-tingin pa siya sa 'kin saka siya pumasok sa loob.
Sinenyasan naman ako nu'ng baguhang pulis kaya agad akong lumapit."Usap daw po kayo sa kaniyang opisina," sambit niya at dinala niya ako roon.
Pagdating namin sa may pinto, kumatok siya at binuksan ito. Sumunod ako pagpasok niya.
Nagpaalam ang naghatid sa 'kin at naiwan ako roon.
"Maupo ka," sambit niya sabay tingin sa 'king suit.
Naupo ako at magka-harap kami ngayon.
Base sa obserbasyon ko, hindi kami nagkaka-layo ng edad. Sa tingin ko mas matanda lang siya ng ilang taon.
Siya'y may saktong pangangatawan, naka-tali paitaas ang medyo mahaba niyang buhok. Mayro'n siyang bigote at ang kaniyang mata ay bilugin.
Tingin pa lang, parang nang-i-interrogate na.
"You are?" pagsisimula niya.
Dinukot ko ang aking wallet saka ko pinakita ang aking lisensya.
"So investigator ka pala," sambit niya.
Base sa kaniyang tingin, halatang kinikilatis niya akong mabuti.
Mayamaya'y bigla siyang napakunot-noo.
"Your surname seems familiar. Parang na-encounter ko na 'yan."
Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa kaniyang baba at napa-isip.
"Nandito ako para sa kaso ng aking ama."
"Iyong ama?"
Mayamaya pa'y tumango-tango siya na tila naaalala na niya.
"You mean your Father is Mr. Barry Welch?" He asked looking amused.
"Ako nga!"
"What brings you here? Tapos na'ng kaso tungkol sa ama mo, diba?"
"Gusto ko sanang humingi ng pabor."
"Pabor?"
"Gusto kong mabuksan ulit ang kaso."
Napakunot-noo siya.
"Tapos na ang kasong 'yun. Bakit mo bu-buksan ulit?" kontra niya.
"Naniniwala akong may foul play sa pagkamatay ng aking ama," kalmado kong sagot.
"Naniniwala? Paumanhin ngunit hindi natin 'yan maaaring gawing basehan para buksan basta-basta ang kaso."
"Hindi ako sigurado pero gusto kong ipa-suri 'to."
Inabot ko sa kaniya ang syringe sa 'king suit. May kinuha siyang gloves sa kaniyang drawer. Isinuot niya ito saka niya pinulot ang syringe.
Pinagmasdan niya itong mabuti.
"Sa'n mo nakuha 'to?" Pagbalik niya ng kaniyang atensyon sa 'kin.
"Sa likod ng opisina ng biktima."
Bigla siyang natawa na parang nag-i-insulto.
"Ito ang basehan mo kung bakit gusto mong buksan ulit ang kaso?"
"Oo!"
"Mr. Welch, hindi natin masasabing ebidensya na 'to agad dahil hindi natin nasisiguro ang credibility ng bagay na 'to!" Pag-kontra niya.
"Kaya ko nga gustong ipa-suri para masiguro natin!"
"Hindi naman tayo nakaka-siguro kung crime accessory 'to. Dahil pwede rin namang nailagay lang doon."
"Nailagay? Isipin mo nga, bakit ilalagay du'n?"
Ramdamo ko ang pamumuo ng tensyon sa pagitan namin.
Pinagmasdan niya akong mabuti at tila inaaral niya ang bawat ekspresyon ng mukha ko.
"Oh sige, sabihin na nating importante nga ito pero pa'no kung set up lang 'yon para lituhin tayo? Para iligaw tayo."
Napa-ngisi ako sa 'king narinig.
"Ano'ng nginingisi mo?" pagsita niya sa 'kin.
"Hindi mo ba naisip? Whether set up 'to o hindi, diba mas kailangan nating buksan ang kaso? Kung set up 'to ibig sabihin, mayroon pang misteryo sa kaso na kailangang maisara ng maayos."
Hindi siya agad naka-sagot. Tila hindi niya akalaing maiisip ko ang bagay na 'to.
Napabuntong-hininga ako.
"Pero sige, mukhang hindi kita maku-kumbinsi sa pamamagitan ng salita lang. Hayaan mong suriin ng forensics team niyo ang syringe na 'to. Pagka-labas ng resulta, do'n mo pag-isipang mabuti ang proposition ko na buksan muli ang kaso."
Pinagmasdan niya ang syringe nang matagal.
"Hindi ko ina-underestimate ang kakayahan mo bilang isang detective. Ngunit gusto ko lang ng mas malinaw na resulta ng kaso base sa mga bagay na hindi natin nakita noon," sambit ko habang hinihintay ang kaniyang desisyon.
Ibinaling niya sa 'kin ang kaniyang tingin.
"One more thing detective, ako mismo ang huhuli sa gumawa no'n sa aking ama. Kaya't ako mismo ang mangangalap ng ebidensya sa kasong ito," paniniguro ko sa kaniya.
Tila nagbago ang ihip ng hangin dahil mabilis siyang nakapag-desisyon nang marinig niya ang aking sinabi.
"Kung gayon sige! Ipapasuri natin ito at bubuksan natin agad ang kaso."
Natuwa ako sa kaniyang sinabi ngunit hindi ko rin maiwasan ang magtaka!
Base sa bilis ng kaniyang desisyon no'ng masabi ko ang huli kong kataga, tila alam ko na kung bakit ayaw niyang ipa-bukas ang kaso earlier.
Ganoon pala ah! Ire-report ko sila sa head nila para magtino sila.
"Maraming salamat!"
Tumango lamang siya.
" Kailan lalabas ang resulta?"
"I will request for immediate result. Tatawagan ko ang office niyo once lumabas ito."
Tumango ako.
"Maraming salamat ulit Detective."
" Wala 'yon!"
BINABASA MO ANG
Justice Served
Mystery / ThrillerHighest Rank: #10 in Thriller. Naniniwala si Mareuz na murder ang kinamatay ng kinilala niyang ama bagama't iba ang sinasabi ng imbestigasyon. Upang mailabas ang katotohanan, mag-i-imbestiga siya nang patago dahil hindi ito isang ordinaryong kaso...