I wear off my polo. I'm now just wearing sando. Even my shoes, I removed.
I kicked, punched, and sometimes dodge whenever I think the bag is going to hit me.
Hindi ko maiwasang isipin ngayon na ang bag na sinusuntok ko ay ang sitwasyon na pinagdadaanan ko. I hate what I'm going through right now. Sa dami ng pwedeng mawala, si Daddy pa. Ang tao pang napakabait. He showed how a father's love is. It wasn't hard for me to comprehend the love of a father because of him.
Mabilis at sunod sunod kong sinusuntok ngayon ang punching bag.
Galit, frustration, lungkot, hinanakit ang nararamdaman ko dahil sa nangyari. Gusto kong magwala at sumigaw para ilabas ang hinanakit ko.Ipinapangako ko na oras na mapatunayan na murder nga ang ikinamatay ni Dad, sisiguraduhin kong ibibigay ko sa may-sala ang nararapat na para sa kaniya.
And I punched the bag again!
I promise to make that person suffer. To make his life miserable. To make him rot in jail.
I keep giving the bag different kinds of punches.
Ramdam kong sumasakit na ang kamay ko pero kaya ko pa. Mas matindi pa rin ang sakit at sama ng loob na nararamdaman ko.
Hindi ko rin ininda ang aking pawis. I'm more focused on my thought and this bag.
Honestly, I can't think of any way to make myself feel better. Mas matindi pa 'to kesa sa heartache ko 2 years ago.
Dad's death is the most painful thing I've ever experienced next to my biological parents.
I gave the strongest punch I could to the bag and it's pushed so hard that it even fell.
Napaupo ako! Bigla akong nanghina sa lakas ng pagkakasuntok ko.
Tila hinahabol ko ang aking paghinga dahil sa pagod at pagpipigil sa mga luhang muli ay gustong kumawala.
Lumapit ang isa sa mga staff doon para kunin at ayusin ang bag habang takang-taka siya sa aking nagawa.
"Sir ok lang po ba kayo?" tanong ng staff.
I waved my hand.
"Wag mo akong alalahanin," I answered without looking at him.
" Grabe sir ibang klase ang lakas niyo."
Hindi ko siya pinansin.
Mayamaya pa ay nakita kong dumating na si Rob. Agad siyang lumapit sa 'kin at inabot ang tubig.
Pansin ko rin na nakatingin sa 'kin ang ilan sa mga naroon at gulat na gulat sa nagawa ko. Samantala, umagaw ng aking atensyon ang isang babaeng nagbo-boxing rin at kumindat sa 'kin. I made no reaction. Nag-kunwari akong hindi ko siya napansin at uminom lang ako ng tubig.
"Tinamaan ka ba?" tanong ni Rob sabay sulyap sa punching bag.
Kung alam lang niya kung bakit 'yon nahulog.
"Don't mind it! Bihis lang ako," sambit ko sabay kuha sa paper bag na hawak niya.
I took a quick shower at nagbihis.
Palabas na ako ng gym nang humarang sa 'kin ang babaeng kumindat kanina. Tila tapos na rin siyang mag-workout dahil wala na rin siyang suot na gloves.
"Hi!" pagsisimula niya in a seductive manner.
" Yes?" I answered innocently.
"I can sense you're a strong man and has a strong appeal," sambit niya na parang nang-aakit.
I just smirked! Okay, try nating sakyan konti.
" Really?"
Slowly, tinignan ko siya pataas at pababa then I smirked again.
BINABASA MO ANG
Justice Served
Misteri / ThrillerHighest Rank: #10 in Thriller. Naniniwala si Mareuz na murder ang kinamatay ng kinilala niyang ama bagama't iba ang sinasabi ng imbestigasyon. Upang mailabas ang katotohanan, mag-i-imbestiga siya nang patago dahil hindi ito isang ordinaryong kaso...