Nagtungo ako kay Jill para kausapin siya!
"Jill!" sambit ko pagdating na pagdating ko sa desk niya.
Agad niyang pinunas ang kaniyang luha at hindi niya ako pinansin. Itinutok lang niya ang kaniyang atensyon sa mga dokumento sa kaniyang harapan.
"Jill!" pag-uulit ko.
"Can we talk?" I asked.
Napatingin siya sa 'kin the moment I said it. Kapansin-pansin ang pamumula ng kaniyang mga mata dahil sa pagluha.
"Can I have your time for a moment?" malumanay kong sagot.
I gathered all my patience to wait for her response.
Mayamaya pa'y tumango siya.
Nagpa-linga-linga ako upang maghanap ng lugar kung saan kami pwedeng mag-usap privately.
Siguro do'n na lang sa conference room. I think walang tao roon.
I opened the door for her saka ko isinara nang maka-pasok kami.
Wala siyang imik. Samantala, hindi rin ako nakapagsalita agad dahil pinag-iisipan ko pang mabuti kung ano'ng dapat kong sabihin at kung pa 'no ko sisimulan.
Nakatingin siya sa malayo. Kapansin-pansin na nasaktan siya sa kaniyang nakita. Actually, I'm not gonna explain myself. I just want to speak with her for some sort of clarification.
"Jill!" Pagsisimula ko.
"P-po?" Mahina niyang sambit, halos hindi ko marinig.
"Gusto kitang makausap...dahil..."
Hirap kong simulan dahil sinusubukan kong ingatan ang mga salitang sasabihin ko para hindi ko siya masaktan.
"Dahil...gusto kong...linawin--"
"A-alam ko naman pong wala akong karapatang magtampo o magselos sir...pero sorry hindi ko mapigilan."
"S-sinasabi mo ba na--"
"Opo! Kasi naman eh!"
Sinasabi ko na nga ba.
Biglang umagos ang kaniyang mga luha na agad niyang pinunas.
"H-hindi ko mapigilan k-kasi...kasi ang bait mo. T-tapos napaka-disente mo. Basta nakaka-attract ka kasi sir."
Eto ang sinasabi kong kailangan kong i-clarify.
"Jill--"
"Shhhh!" Pigil niya sa 'kin sabay taas ng kaniyang kamay.
"A-ako muna! K-kailangan kong masabi 'to dahil baka mawalan na ako ng pagkakataon. Kailangan 'to p-para gumaan ang pakiramdam ko."
Hindi na ako nakaimik.
"Oo! Oo sir! Hindi ko napigilan ang sarili kong magka-gusto sa 'yo. Kaya ako nasasaktan ngayon. A-akala ko kasi okay lang. Akala ko sasaluhin mo ako so I let myself fall for you. Hindi ka naman sweet pero feeling ko kasi, ang sarap mong kasama. Hindi ka gaya ng ibang mga lalaki na kailangang maging badboy o gangster o mafia boss para maging ma-appeal. I feel so safe sa simpleng presensya mo lang. Napaka-gentleman mo. You're full of respect with girls. And that night...that night nung inaya kitang lumabas, do'n do'n ako na-fall. Do'n ako tuluyang bumagsak dahil sa mga ginawa mong simple lang naman pero bakit ang lakas ng dating."
I looked away.
"Hindi ko sinasadya." 'Yan na lang ang lumabas sa mga bibig ko.
Ano nga ba ang dapat marinig ng isang babaeng nasa harap ko ngayon, umiiyak at nagpapaka-totoo sa kaniyang nararamdaman.
"Jill..."
Tinignan ko siya and tried to look sincerely in her eyes.
"I'm always grateful na no'ng panahong gulong-gulo ako, ikaw ang nandiyan para tulungan akong maging masaya at kahit paano'y gumaan ang pakiramdam ko. In fact, ikaw ang pinaka-mabait na babaeng nakilala ko."
"In other words, I'm that boring type of girl."
"It's not that!"
She looked away.
"I want to be fair the way you are honest with me. Believe me, nasasaktan ako habang nakikita kang ganyan ngayon," pagpapatuloy ko.
Ipinako ko ang aking mga tingin sa kaniya.
"For me, you're more than a friend."
Napa-tingin siya sa 'kin nang marinig ang aking tinuran.
"I consider you as my younger sister," sambit ko.
Nakita ko ang pagkagat niya ng kaniyang labi habang sinusubukang pigilin ang kaniyang luha.
"And I'm sorry. I-I'm sorry if you fell for me. I thought we can be close friends without falling for each other."
Ayoko siyang saktan sa pagpapakatotoo ko pero wala nang ibang paraan.
"Believe me...my heart is not yet ready for things like love. At 'yung nakita mo kanina...that was I don't know...i-it just happened!"
Tinignan niya ako na tila pinag-aaralan kung dapat ba siyang maniwala sa 'kin.
"Jill...gusto kong maging totoo sa 'yo as early as now, para hindi na kita masyadong masaktan."
Hindi pa rin siya umiimik.
"I'm sorry, pero hindi kita masasalo!"
Muling umagos ang kaniyang luha.
It hurts me na hindi ko masusuklian 'yung feelings niya para sa 'kin. Ngunit mas mabuti na'ng maging totoo ako ngayon kesa i-take siya for granted.
Nagkaroon ng katahimikan.
Ilang minuto rin ang nakaraan, nakita kong hinakbang niya ang kaniyang mga paa na halos nanginginig pa.
Bigla niya akong niyakap nang mahigpit.
"S-sir!"
I just payed attention.
"Salamat!" sabay hikbi niya.
"Salamat dahil nagpaka-totoo ka nang ganito kaaga. Ang sakit-sakit. Lalo na nung sinabi mong hindi mo ako masasalo. Pero...pinipili kong intindihan ka. Pipilitin kong intindihin ka dahil ayokong mahirapan ka nang dahil sa 'kin."
I put my hands on her back.
Binitawan niya ako at agad siyang tumalikod. Nagsimula siyang maglakad palabas.
"Jill," habol ko sa kaniya.
"I'm really sorry."
Hindi siya umimik at tuluyan na siyang lumabas.
Naiwan ako dito mag-isa. Hinawak ko ang aking mga kamay sa mesa at napa-sandal na lamang.
Akala ng karamihan, masakit ang ma-fall nang walang sumasalo sa 'yo. I can't question them. Masakit nga naman kasi talaga. Pero mas mahirap 'yung may na-fall sa 'yo pero kailangan mong saktan dahil naniniwala kang deserve niya ang mamuhay ng totoo at hindi tini-take for granted. Mahirap because guilt usually takes over. But we have to do this dahil naniniwala kami na mas deserve nilang masuklian ang kanilang nararamdaman ng totoo at buong pusong pagmamahal ng ibang tao. And we don't think kami 'yun!
----------------
Pagpasensyahan niyo na si Author At naisipang maglagay ng ganyang eksena 😄
BINABASA MO ANG
Justice Served
Misteri / ThrillerHighest Rank: #10 in Thriller. Naniniwala si Mareuz na murder ang kinamatay ng kinilala niyang ama bagama't iba ang sinasabi ng imbestigasyon. Upang mailabas ang katotohanan, mag-i-imbestiga siya nang patago dahil hindi ito isang ordinaryong kaso...