Chapter 47 - At the Jail

600 22 8
                                    

Kinuha ko ang phone sa'king bulsa at tinawagan si Rob. This is to inform him that the culprit is already caught so he needs to go to the precinct.

No'ng tanungin  niya kung sino ang culprit, I did not answer.

I just dropped the call.

Akala ko, 'pag nakamit na ni Dad ang hustisya, magiging okay na ang lahat. Pero pakiramdam ko'y mas nilagay ko ang aking sarili sa mas komplikado at mas mapait na sitwasyon.

Natigilan ako nang mapansin ko ang mga window cleaners saka ako napa-lingon sa may comfort room.

Curiosity suddenly struck me.

This is the chance to check if my deductions are right.

Nagpunta ako sa comfort room at agad kong na-pansin ang mga ginamit ng culprit para maka-pasok. There's this safety gears on the CR, the same safety gears window cleaners use. Mayroon din akong nakitang bag. It's Allison's bag I guess.

These are the things Allison used to get inside?

I took a picture of these things.

May napansin din akong hook sa may bintana with same rope I got before.

Lastly, nakita ko ang Bosun chair. It's the same bosun chair the window cleaners use.

Kung ganoon, tama ang deduction ko! Kaya walang naka-pansin sa culprit dahil gumamit siya ng bosun chair. This also explains why the crime happened in the morning para maka-sabay siya sa mga window cleaners at makapag-disguise siya as one of them.
I took a picture of these as a strong evidence.

After this, kinalkal ko ang aking bag to get my journal. I will be presenting this to the police.

Kapansin-pansin ang pagka-lito at pag-aalala ng mga empleyado. Sino ba naman ang hindi maa-alarma kung ang isa sa mga boss nila, biglang dakpin ng mga pulis.

Nakita ko rin si Jill na gulat na gulat. I can sense she wants to talk to me, but I don't have time for it.

Pagpasok ko ng kotse, nag-ring ang phone.

Matt is calling.

"Bro I heard what happened. I'm now rushing to the police station. How are you?" tanong niya the moment I picked up the phone.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Who will be okay kung ang taong gusto mo, killer pala ng Daddy mo.

"Mabuti at pa-punta ka na dun. May kukunin lang akong ebidensya sa bahay," sambit ko.

"Sige bro, kita na lang tayo du'n," sambit niya at agad niyang ibinaba ang phone.

Hindi na ako nagtagal pa. Mabilis kong kinuha ang lahat nang mga ebidensya saka agad tumungo sa presinto.

Pagdating ko sa labas ng precinct, ang pagmamadali ko'y napalitan ng maliliit na hakbang.

Here I am again...another fresh cut in my heart is starting to open.

Nadatnan ko sina Rob at Matt na naka-tayo habang si Allison, inihahanda para sa mugshot.

Matt immediately tapped my shoulder with pure sincerity. Tila nakiki-dalamhati siya sa 'king nararamdaman. Same as Rob.

Imbes na hayaan kong mag-drama kami do'n, nilapitan ko na lang si Juanito.

"These are all the evidence that will support the case against Ms. Gabriel," sambit ko.

Kasali rin doon 'yung mga pictures na nakuha ko earlier. I also told them to search for the office once again for fresher evidence. Sinang-ayunan agad ito ni Juanito at agad siyang nag-utos ng mga kasama para mag-conduct ng final search of evidence sa opisina.

Kapansin-pansin ang tuwa ni Juanito. Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa? Sa kaniya ang credit.

Mayamaya pa'y pumasok ang isang taong expectedly, talagang darating. He's in the state of panic right now. Siya si Mr. Ismael Gabriel, ang stepfather ni Alli, kasama ang isang lalaking naka-salamin at payat. He's wearing a suit and an attachè case which makes me think, he's their lawyer. Kasama rin nila ang driver na sa pagkaka-tanda ko ay nagngangalang Waldes.

"Ano'ng kalokohan 'to?" pagtataka ni Mr. Gabriel sabay lingon sa 'kin.

"Hindi ako ang dapat magpa-liwanag niyan. Ang anak niyo ang tanungin niyo," sagot ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin at nagpa-linga-linga lamang siya na tila may hinahanap.

"Asan si Alli? I need to talk to my daughter."

"Ser we will allow you to see your daughter, maghintay lang po kayo!" sambit ni Juanito.

Mayamaya pa'y lumabas si Alli kasama ang dalawang escort na pulis. Naka-suot siya ng dilaw na shirt ngayon.

Agad siyang niyakap ni Mr. Ismael at doon ko nakita ang muling pagbagsak ng mga luha ni Allison.

Samantala, biglang nagsalita si Matt na akmang susugod kay Allison.

"Pinagkatiwalaan ka ni Dad!" punong-puno ng galit niyang sambit kay Allison.

Hinarangan siya ni Mr. Ismael samantala'y umawat naman si Rob.

"Hey, hindi pa convicted si Alli, kaya mag-ingat ka sa sinasabi mo dahil pwede kitang sampahan ng kaso!" banta ni Mr. Ismael.

Kumalma si Matt sa sinabi ni Mr. Ismael.

Samantala, nagtama ang aming mata ni Allison. Tila nangungusap siyang naka-tingin sa 'kin.

I looked away!

"I'll get you out of this mess. I believe in your innocence anak. Pinalaki kita nang maayos," sabay tingin niya sa 'min na tila pinaparinggan kami.

Napa-hikbi na lang si Allison nang marinig niya ang mga tinuran ng kaniyang ama.

I hate this! Bakit nasasaktan pa rin ako na nakikita siyang umiiyak? Dapat galit at sama ng loob lang ang nararamdaman ko para sa kaniya.

I tapped Rob's shoulder to get his attention.

"Ikaw na'ng bahala dito," paalam ko at tuluyan na akong umalis.

Pinunas ko ang aking luha at tuluyan akong lumabas ng prisinto.

Napa-sipa ako sa gulong ng sasakyan! Bakit kasi kailangang mangyari 'to?

Bakit kasi siya pa? Sana ibang tao na lang ang gumawa 'wag lang siya.

Napa-kuyom ako ng kamay na tila handa na akong manuntok.

Nakakainis!

I wanna curse my heart now. Hindi ba talaga pwedeng tumigil na lang 'to sa pagtibok para kay Alli. Hindi ba pwedeng maka-limot na lang bigla?

Alam ko nang siya ang culprit. Alam kong siya ang killer. Malinaw sa mga ebidensya. Pero bakit parang gusto ko pa rin siyang tulungan? Sa kabila ng katotohanang isa siyang killer, gusto kong maging abugado niya. Gusto ko pa rin siyang depensahan.

"Bro!"

Napa-lingon ako sa nagsalita. It's Matt!

"Bro, gusto kong mapag-isa!" mariin kong sambit.

"She's about to explain the reason why she did it--" sambit ni Matt

"Eh di mag-explain siya. Wala akong pakialam!" Bulyaw ko sa kaniya saka ako pumasok ng kotse.

-----------
Don't forget to vote!!!

Justice ServedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon