"You!" rinig kong sambit ng isang pa-galit na boses pagka-baba ko ng sasakyan.
Andito ako ngayon sa parking area ng kompanya.
It's one hot sunny morning and literal na may hot dahil galit.
Isinara ko ang pinto ng sasakyan at naglakad ako patungo sa kompanya. I acted like I didn't notice her.
"Hey, I'm talking to you!" Pagsunod niya sa 'kin.
Napabuntong-hininga ako saka ko siya hinarap.
"Ano na naman ba'ng kailangan mo Ms. Gabriel? If this is about last night, you're welcome," I answered trying to act cool.
"Bakit mo iniwan basta-basta 'yung sasakyan ko sa may resto-bar?" Pag-kwestiyon niya.
"Kesa naman ikaw ang iwan ko do'n diba!" Inosente kong sagot.
She rolled her eyes!
"Pwede ba, 'wag kang pilosopo!"
"Ms. Gabriel, just so you know, hindi kita pinipilosopo!" I answered in a good mood.
Bigla siyang napa-tigil na parang meron siyang na-realise.
"Sandali," pagtataka niya.
"Your reaction is very unusual!"
Napa-cross arm siya.
"May ginawa ka ba sa'kin kagabi?" duda niya.
Bigla kong naalala nu'ng mawalan siya ng malay.
"Bakit ka naka-ngiti?" Muli niyang tanong.
Agad akong natigilan nang mapansin kong naka-ngiti nga ako.
Bigla na lang dumapo ang kaniyang palad sa aking pisngi.
"Aray! Ba't mo ako sinampal?" sabay hawak ko sa aking pisngi.
"Para 'yan sa ginawa mo sa 'kin kagabi!"
Napakunot-noo ako.
"Isang sampal ang kapalit sa pagtulong ko sa 'yo kagabi?"
Hindi siya umimik.
"Kakaiba ka talaga Ms. Gabriel 'no? Ikaw na nga ang tinulungan, bigla ka pang mananakit. Pasalamat ka nga kahit ganyan ka, concern pa rin ako sa 'yo. Kung hindi, sigurado nasa ospital ka na ngayon dahil sa kalasingan!"
"M-malay ko ba kung...p-pinagsamantalahan mo ako dahil...lasing ako!"
"Ganyan ka na ba talaga kawalan ng tiwala sa mga lalaki that even guys with good intention pinagdududahan mo?" I defended.
I smirked!
"Isa pa, you were drunk. I didn't like your smell" I said sarcastically.
Nakita kong namula siya sa sinabi ko.
Napatingin ako sa aking relo saka ako naglakad patungo sa building.
"W-wait!" sambit niya.
Hindi ko siya pinansin. Ayokong makipagtalo sa kaniya.
"Mr. Welch, sandali!"
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"I said wait!"
Nag-kunwari akong wala akong naririnig.
"Sorry and thank you!" Mabilis niyang sambit.
Napatigil ako sa kaniyang sinambit. I didn't expect her say it.
"Come again?" Pagharap ko sa kaniya.
"H-hindi mo ba talaga narinig?" Mahinahon niyang tanong.
"It was too fast. Hindi ko ramdam!"
She cleared her throat to prepare herself.
"Sorry kung nasampal kita," pagsisimula niya.
"At s-salamat sa paghatid mo sa'kin kagabi," dagdag niya.
Nagtama ang aming paningin. Hindi ko maiwasang mapa-ngiti.
"You're welcome!" I answered politely.
We suddenly caught ourselves smiling at each other. It was such a new and wonderful feeling.
"S-sige! Mauna na ako," sambit niya at agad siyang naglakad paalis.
Tumango lamang ako at patuloy ko siyang pinagmasdan sa paglalakad pa-layo.
Umupo ako sa aking working chair pagpasok ko sa aking opisina.
Suddenly, naalala ko ang mga naganap kagabi, nang ihatid ko si Allison sa kanilang tirahan at doon ko nakilala ang kaniyang stepfather.
[Flashback]
In-offer ng stepfather ni Allison ang kaniyang kamay upang makipag-handshake saka niya pormal na ipinakilala ang kaniyang sarili.
"Gaya ng nabanggit ko kanina, stepfather ako ni Alli. Ako si Ismael Gabriel."
Gabriel?? Siguro mula pagkabata, siya na ang kumupkop kay Allison kaya pareho sila ng apelyido.
Nakipag-handshake ako sa kaniya.
"Ikinagagalak ko po kayong makilala," sambit ko.
Mayamaya pa ay may bumaba mula sa kanilang sasakyan. Bilugin ang kaniyang mukha at katawan, kayumanggi ang kaniyang balat.
Sorry about my description, but his appearance reminds me of kinder days. He reminds me of the song we used to sing. The I'm a little teapot...because he's short and stout!
Kidding aside,sa tingin ko'y mas matanda lang siya ng ilang taon sa'kin.
Siya'y tumayo sa likuran ni Mr. Gabriel saka niya ako pinagmasdan. Tila kinikilatis niyang mabuti kung mapagkakatiwalaan ba ako o hindi.
Ibinaling ko na lang muli ang aking atensyon kay Mr. Gabriel.
"As I can see, you're a doctor!"
"Ah yes! I'm a doctor. Isa akong anesthesiologist," pagmamalaki niyang sagot.
Bago pa man ako makasagot, narinig kong bumukas ang pinto ng aking sasakyan kaya't nabaling dito ang aming atensyon.
Nakita namin si Ms. Gabriel na lumabas ng sasakyan at tila naninibago sa kaniyang kinaroroonan.
Napakunot-noo siya nang makita ako ngunit bigla siyang naging tila maamong tupa nang mapatingin siya sa kaniyang stepfather.
"Dad!" sambit niya.
Sinimangutan siya ni Mr. Gabriel kaya't napansin kong napayuko si Allison.
"Alli, hindi ko gusto ang ginawa mo! Nasabi sa 'kin ni Mr. Welch na muntik ka nang magmanehong lasing. Paano kung napahamak ka? Mabuti na lang at nag-magandang loob ang boss mo!" pangangaral niya.
Napatingin sa 'kin si Allison at pa-simple niya akong inirapan.
Hinarap ako ni Mr. Gabriel.
"Mr. Welch, maraming salamat sa paghatid mo kay Alli. You know, s
"Walang anuman po!"
Napatingin ako sa aking relo.
"Mauuna na rin po ako dahil gabi na rin!" paalam ko.
[End of Flashback]
Napatigil ako sa pag-alala sa mga nangyari kagabi nang marinig ko ang aking cellphone.
I reached it and saw a message from Rob!
Bro, check your e-mail! I sent there all the evidence I had regarding my research to the dispatcher.
The moment I read it, I immediately checked my e-mail using my phone. And there I saw the compiled documents of his investigation to the dispatcher.
I replied to Rob through e-mail.
Got it! Thanks, man
--------------------
'Wag kayong bibitiw! Sabay-sabay nating aalamin sa mga susunod na kabanata kung ano nga ba ang totoong ikinamatay ng Daddy ni Mareuz. Soon!
BINABASA MO ANG
Justice Served
Mystery / ThrillerHighest Rank: #10 in Thriller. Naniniwala si Mareuz na murder ang kinamatay ng kinilala niyang ama bagama't iba ang sinasabi ng imbestigasyon. Upang mailabas ang katotohanan, mag-i-imbestiga siya nang patago dahil hindi ito isang ordinaryong kaso...