Chapter 52 - Revealed

647 27 5
                                    

Narito ako ngayon sa prisinto. Naka-upo sa may circulation desk habang hinihintay na dumating ang mga umaresto sa mga totoong suspek.

Dala ko na rin ang kahon maging ang na-research ni Rob.

Napa-tingin ako sa aking relo. Mag-i-isang oras na akong naghi-hintay. Medyo natatagalan na rin ang operasyon nila. Nagsisimula na akong mainip at mapa-isip kung nag-tagumpay ba sila o hindi?

I shook off the negative thoughts in my head!

Pa'no kung hindi sila nag-tagumpay? , pag-aalala ko.

I gave in to the benefit of the doubt. Kung kinaya niya kaming paikutin nang ganito katagal, it is really possible na pumalpak ang operasyon.

I started to devise a plan on how to catch the culprit in case hindi sila mahuli ngayon.

Napa-lunok ako at napa-lingon sa may pinto nang ma-pansin kong may pumasok.

"Bro!" nagmamadaling sambit ni Rob.

Agad kong napansin ang dala niyang case. Malamang nandiyan 'yung verification ng lahat ng ebidensya.

"Si Matt?" Tanong ko.

"Kausap ko siya kanina. On the way na raw siya!" Sagot niya.

Pagkatapos ay wala nang umimik sa aming dalawa. Naghintay na lang kami pareho sa pagdating ng team ni Juanito.

Mayamaya pa'y may narinig kaming tunog ng siren! Malamang sila na 'yan!

Inihanda ko ang aking sarili sa kanilang pagpasok.

Ramdam kong parating na sila. Pa-lapit na sila sa may pinto.

Unang pumasok ang dalawang pulis na kasama nila sa pag-aresto.

Pagkatapos ay isang pulis ang muling pumasok.

Pinagmasdan kong mabuti ang pinto upang makita ng maayos ang totoong culprit.

Mayamaya pa'y tuluyan nang pumasok ang aming hinihintay. May escort sila. Apat na pulis.

Naka-posas sila at agad nila akong napansin pagpasok nila. Oo, Nila dahil dalawa sila!

Pareho nila akong binigyan ng nanlilisik na tingin while I gave them a smirk para inisin sila.

It's payback time!

Agad lumapit sa 'kin si Juanito and he prompted me to show the evidence I got.

Sakto ring dumating ang inspector na siyang kikilatis sa kaso ngayon. Siya ang inspector na tinutukoy ko kahapon.

Naka-leave daw pala 'yung inspector ng department na 'to kaya si Inspector Alvarez ang nandito ngayon.

Balita ko, si Inspector Alvarez ay tapat sa tungkulin. Strikto siya and hardworking. Ibang-iba sa team ni Juanito. Maaaring ito ang dahilan kung bakit ayaw idaan ni Juanito kay inspector ang pag-request ko ng warrant dahil siguradong maku-kwenstiyon ang performance niya bilang isang detective.

Pinagmasdan ako ni Inspector Alvarez at tila kinikilatis akong mabuti kung dapat ba akong pagka-tiwalaan o hindi.

I relaxed myself by taking a deep breath!

"Magandang umaga po!" Bati ko at nakipag-kamay ako sa kaniya na agad naman niyang inabot.

"Magandang umaga! Balita ko, masyado nang maraming pinagdaanan ang kasong ito. Sana'y tuluyan na'ng mahuli ang totoong may-sala!" Mapanghamon niyang sambit.

"'Yan po ang nais ko ngayong araw na 'to inspector! Ikinararangal ko po kayong makilala," sambit ko sabay yuko bilang pag-respeto.

Tumango lamang siya saka niya hinarap ang mga suspek!

Ibinuka ni inspector ang kaniyang bibig upang magsalita dapat nang umagaw sa aming atensyon ang pumasok sa pinto, nanginginig sa galit, at pasugod sa suspek.

"WALANG HIYA KA DEMONYO KA!!!!!!"

Tatapunan dapat niya ang suspek ng suntok nang awatin siya ng mga pulis.

"Matt!" paglapit ni Rob sa kaniya para kalmahin siya.

"Kalmahin mo ang sarili mo! Mapaparusahan na siya!" Paniniguro ni Rob habang pilit siyang inilalayo sa mga suspek.

"Talagang mabubulok 'yan sa kulungan!" Mariing sagot ni Matt.

Ako man, kanina ko pa gustong upakan 'yang mga hayop na 'yan ngunit kailangan kong magpigil sa sarili. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos ngayon dahil maling galaw ko lang, maaaring masira ang credibility ng ebidensya.

"Huli kayo ngayon!" Mapang-asar kong sambit sa mga suspek.

Tuluyan namang napa-kalma si Matt nang mailapit nila siya sa 'kin!

Isang masamang tingin ang ibinaling nilang dalawa sa 'kin.

Oo dalawa sila. Ang isa ay ang nag-plano at ang isa naman ay ang nagsagawa sa plano!

"Marahil akala mo, habambuhay mong maitatago ang katotohanan!" mapang-asar kong sambit.

"Wala akong sasabihin! May karapatan akong manahimik hangga't wala ang aking abugado!" Mariin niyang sambit.

Sinubukan kong magpigil sa sarili kahit sa loob-loob ko, gustong-gusto kong basagin ang kaniyang bungo.

Wala man lang pagsisisi sa mukha niya. Hindi ko man lang siya makitaan ng kaba o takot. Parang ikinatuwa pa niyang nahuli siya ngayon. Baliw yata!

Siguro nga'y ganoon talaga ang mga taong halang ang bituka.

"I don't need your opinion by the way! You don't wanna speak? Your choice. I'll just let the evidence speak the truth for me!" I answered as if I am saying a threat.

Nakita kong napa-lunok sila ng kasama niya.

" 'Wag nang magpa-ligoy-ligoy pa Mr. Welch. Ngayon, isalaysay mo ang iyong imbestigasyon base sa napulot mong mga ebidensya," singit ni Inspector Alvarez.

"As you wish Inspector."

"Wala!!!! Wala kang mapa-patunayan na ako nga ang pumatay sa Daddy niyo..." sambit ng suspek.

"...si Allison, umamin na nga siya diba? Bakit kailangan niyo pa akong isali dito? Si Allison na nga ang killer. Sumuko siya sa office mo. Kumpleto ang mga detalye kung paano niya isinagawa ang murder. Dapat pa bang pag-dudahan 'yon?"

Mas lalo akong napa-ngisi sa sinabi niya.

"Kahapon, pinagtatanggol mo lang siya at pinipilit mong wala siyang kasalanan. Pero ngayon dinidiin mo na siya!"

Napa-ngisi ako saka nagpatuloy.

"Sa mga tinuran mo, mas lalo mo lang pinatunayan na ginamit mo lang din si Allison para takpan ang iyong sarili. Tinuring ka pa man din niyang tunay na ama dahil akala niya, totoong mahal mo siya bilang anak! Ginagamit mo lang pala siya, Mr. Ismael Gabriel," mahinahon ngunit mapanuntya kong sagot sabay diin ko sa kaniyang pangalan.

-------------------
Next chapter, malalaman na ang lahat!!!

Vote po muna please :)

Justice ServedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon