V. Yonna & Xander

45 1 0
                                    

     Unang araw ng second year high school. Tulad ng dati umaasa pa din ako na mag-eenroll si Xander. Para nga akong stalker sa pag ii-spy ng buhay niya, o kaya naman isa akong police na hinahanap ang isang wanted criminal sa loob ng campus.

Tumunog ng malakas ang bell para sa flag ceremony.

Pumunta na kaming mga mag-aaral at pumila para sa pag sisimula ng pag awit ng Lupang Hinirang. Sa kalikutan ng mata ko, umagaw ng attention ko ang kabilang section na katabi lang ng pila namin.

Biglang nanlaki ang mata ko nang makita ko si Xander na nakapila sa kabilang linya ng second year.Kumabog ng kumabog ang puso ko sa hindi inaasahang pagkikita namin ni Xander. Napahinto ako sa pagkanta sabay ngiti kay Xander.

Tinignan lang niya ako at hindi manlang sinagot ang ngiti ko sa kanya, bagkus ay pabulong niyang sabi 'Makinig ka sa harapan.'

Toink!!!napahiya naman ako.

      Ganun pa man masaya ko sa pagbabalik ni Xander sa school namin. Madalas na kami nagkikita at may chance pa akong mapansin niya.

"Bakit kaya hindi siya nag-enroll last year?"

---------

      Araw ng Thursday, ang pinakagustong-gusto kong araw dahil sa araw na iyon, meron kasi ang P.E. subject namin. Nasa tapat ng playground ang school namin ang room nila. Lalo't nasa window siya malapit nakaupo.

   Madalas iniisip kong nakatingin sa akin si Xander kaya napapalingon naman ako. Ang weird ko talaga minsan. Iyon pa nga ang nagiging dahilan ng fail ko sa ginagawa ko. Siguro sa kaka-imagine ko na nakatingin siya sa akin kaya ganun, bumabagsak ako minsan.

     Malamang pagtalikod ko, pinagtatawanan din niya ko.Napaka-careless ko kasi tuwing nandun siya.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon