XIII.Yonna & Xander

41 2 0
                                    

Noong malaman kong sasali si Xander sa C.A.T. training,nabuhayan ako ng loob. Sapagkat alam kong Hindi sasali si Lea sa ganon. Masisira ang beauty niya,sakin wala naman masisira. Wala na pala talaga masisira, kaya walang dahilan para hindi sunggaban ang magandang pagkakataong ito.

Pinapila ang lahat ng gustong sumali sa C.A.T.

Matapos ang pila , nakita ako ni Xander at nanlaki ang mga mata niya sa akin.

"Yonna" Hiyaw ni Xander ng malakas.

Lumingon ako sa kanya

"Bakit sumali ka, hindi mo ba alam na hindi mo kakayanin ang training, nasisiraan ka na talaga."Galit na sabi ni Xander ng malakas

"Okay lang, mas masakit pa doon ang nangyayari ngayon, kung hindi ako sasali dito." Ang sagot ko

"Baliw ka talaga" Sabay kuskus ng aking buhok.

-----------

Dahil sa C.A.T. maaga kaming gumigising, andoon na kami sa school nang 4:30 am. para sa training. Lahat ng pahirap natikman namin, ang pinakamasakit yung unti-unti na kaming nababawasan. Nakakaiyak lalo't naging malapit na kami sa isa't-isa, maliban lang sa bruhang Denise na iyon.

Nawalan na halos ng time si Xander kay Lea, madalang na silang magkasama. Sa dami ng mission  at training sa C.A.T. napakahirap, para hatiin pa ni Xander ang oras nya.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon