XXIX.Yonna & Xander

26 2 0
                                    

------------

Mahaba ang naging bakasyon, dumaan ang pasko at bagong taon. Hindi ko inaasahan ang pagdating nila Raymond at Lea, galing sila ng Canada. Nakaka-touch naglaan sila ng araw para makasama ako, bago sila bumalik.

"Ikaw Yonna magkwento ka naman, ano na nangyari, sinagot ka na ba niya? nakapa-hard naman ni Xander, kong hindi ka pa niya sinagot!!!" Bulalas ni Raymond.

"Hay naku! wala parin, basted parin?" Sagot ko

"Haaaa!!!" Magkasabay na sabi nila.

Sa dami ng mga kwento nilang dalawa, mas nakikita kong masaya sila sa kong ano ang meron sila. Kaya dapat siguro maging masaya narin ako sa kong ano lang ang meron kami. Ayiiihh!!!

Naging maayos ang bonding naming tatlo, hindi nagtagal umalis narin sila.

Muntik pa kaming magkaiyakan ng ihatid ko sila sa airport pa puntang manila, bukas palipad na sila Canada.

Hindi magtatagal at dalawang malapit na naman sa akin ang ihahatid ko, nakakalungkot naman kapag naiisip kong darating ang sandaling ito sa amin ni Xander.

--------------

Back to school

Maaga akong pumasok, excited akong makita si Xander. Pagpasok ko sa room napakagulo, kanya-kanyang kwentuhan sa kani-kanilang bakasyon.

Sa loob ng limang taon, maraming magagandang nangyari sa buhay ko. Siguro kalahati ng karanasan ko bilang studyante, parte siya sa lahat. Nakakalungkot lang, lalo't hindi ko alam kong paano magtatapos.

Pasulpot na dating ni Michael"Tama na ang emote Yonna, natutuliglig na ang tenga ko eh?"

"HA!!! Laki talaga ng tenga mo nuh, pati pag-emote ko huli mo, nakakabasag ka ng moment!" Inis kong sagot sa kaniya.

Hindi ko inakala na magkakasundo kami ni Michael, kahit madalas nililipad na ako. Siraulo kaming dalawa kaya, magkasundo kami ganun siguro!

Hindi nagtagal lumabas ako ng room, at napansin kong nasa garden si Xander. Kumukuha ng litrato ng mga bulaklak doon minabuti ko sanang puntahan, pero bigla kong napansin ang patakbong paglapit ni Denise kay Xander. Kaya minabuti kong huwag ng tumuloy, at tinignan na lamang sila sa malayo.

Habang nakatingin ako sa kanila, kapansin-pansin ang animo'y pagtatalo nila. At tuma-takbong papalayo si Denise kay Xander, nasa itsura niya ang matinding galit kay Xander.

Simula noon, hindi ko na napansin na magkasama pa silang dalawa.

----------

Biglang nagbago ang ihip ng hangin, parang nakakain ng panis na tinapay si Xander. Naging makulit siya at walang ginawa kong hindi guluhin ako, nakakatuwa na nakakainis ang ugali niya.

Every time na may free hours na walang klase, nandito siya sa room namin. Kahit nga may klase kami tapos wala sila ginagawa dito parin punta niya, nagtataka talaga ako.

Bigla nalang akong nagulat sa pagdating niya, hinawakan niya ang kamay ko.

Siniko ko siya, wala manlang naging reaksyon ang ginawa ko sa kanya. Bagkos ay nakuha pa niyang gumite na tila ba may halong pang-aasar, tinalikuran ko siya.

Pinisil niya ang mukha ko, nang magmukha akong nguso ng baboy. sa inis ko kinurot ko siya sa tiyan niya, napahiyaw siya ng malakas.

Nagtawanan ang mga classmate ko sa paghiyaw niya, na parang babae sa lakas ng tili niya.

"Yooonnna! kapag ginawa mo ulit ito, hahalikan talaga kita!!!" Inis na inis ang itsura niya sa pagkakasabi niya.

Tinawanan ko lang siya, lumapit siya ng napakalapit, iyong kaba ko paulit-ulit at ayaw na yatang matapos.

"Buti nalang behave ako, kong hindi..." sabi niya at saka umalis na siya.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon