XVI.Yonna & Xander

36 2 0
                                    

Wala kami ginawa kong hindi tumalon dito talon doon, habulan dito habol doon. Para kaming mga batang nagsisimula palang maglaro, kumain kami ng tanghalian sa iisang dahon ng saging. Lahat ng official at cadet ay parang aso't pusang nag-aagawan, kanya-kanyang diskarte para mabusog ang babagal-bagal mauubusan.

Matapos ang nakakabusog na tanghalian, tuloy na naman ang harutan ng lahat.

Habang nasa tuktok kami ng napakalaking bato, hindi sinasadyang maitulak ako ni COLT 7(rockey) sa malalim na parte ng talon. Marunong ako maglangoy kaya lamang naipit ang paa ko, sa pagitan ng dalawang bato sa ilalim. Nahirapan ako makaalis, na naging sanhi ng hindi ko paglutang.

Natakot silang lahat ng mapansin nilang hindi ako lumutang, Naghiyawan sila "Si Yonna patay na yata" Biglang tumalon si rockey at tinulungan akong maialis ang paa ko. Pagdilat ng mata ko siya din ang una kong nakita, na nasa tabi ko. Siguro sa takot na din niya ng mga oras na iyon, napaka-gentleman naman niya. Malamang guilty lang siya sa nangyari, lumapit si Sir Raymond at niyakap ako.

"Natakot ako Yonna sorry hindi kita napansin agad okay ka na ba?" Sabi niya sa akin.

"Okay na ako Sir hindi na ako makahinga,tinitignan na nila tayo Sir" Sabi ko sa kanya.

Agad niyang tinanggal ang pagkakayap niya, nang mapansin niyang papalapit si Xander. Bigla nalang akong hinila ni Xander, sa harapan nilang lahat. Para akong batang nagpahila na lamang, galit na galit siya sa akin, hindi ko alam kong bakit? Samantalang sa kanya nga dapat ako magalit, nalunod na lahat-lahat ako, nandoon siya't nakikipagharutan sa bruhang Denise na iyon.

"Ano ba Xander bitawan mo nga ang braso ko, nasasaktan na ako eh" Sigaw ko sa kanya.

Binitawan niya ito at tinalikuran ako habang nagsasalita,"Gustong-gusto mo namang kayakap si Sir at sa harap ko pa talaga."

Hindi na lamang ako nagsalita napuno ng katahimikan ang paligid, sa wakas at humarap narin si Xander, nakakapagtaka at nakangite na ito sa akin.

"Best okay ka na?" Tanong niya sa akin.

"Okay na ako" Sagot ko sa kanya

Madalas hindi ko maintindihan ang mood niya, kahit matagal na kaming magkaibigan. Pakiramdam ko nag-alala lamang din siya sa akin, sapat na para mapukaw niya ang puso ko.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon