Chapter Five

30 1 0
                                    

Unang araw sa 4th year, hindi na nakakapanibago same classmate again and again. Elementary palang kasama ko na sila, nakakaumay na talaga. Tsk tsk tsk

Eto na naman sila kani-kanilang, kwentuhan sa kani-kanilang bakasyon. At para sa mga tulad kong naburo na dito sa probinsya, aminado naman akong nakakainggit talaga.

"Hi Yonna" Bungad ng bruhang Denise na iyon.

"Hi din, sige pasok na ako sa room ha" Inis kong sagot sa kaniya

Hindi ko alam kong bakit hindi kami nagkakasundo, magkaribal yata talaga ang tingin namin sa isa't isa.

Halos nagsipasukan na ang lahat sa kanya-kanya naming room, may isang naliligaw si Michael. Ang transfer galing ng private school, nangingibabaw kasi ang boses niya. Kabago-bago lumilipad na kami sa kahanginan niya, kaya itong mga girlalu parang sinisilihan kilising-kilisi.

Teka asan nga ba si Xander? malamang sa kabilang section siya ngayon, matapos ang klase nagpunta ako sa canteen.

Habang kumakain ako ng lomi, may tumabi sa akin.

"pwede pa-share ng table" bungad ng isang lalaking pamilyar ang boses.

Naintriga tuloy akong lingunin, tumpak walang kaduda-duda si Xander nga.

Nabitawan ko ang kutsarang hawak-hawak ko, habang nakatingin lamang ako sa kaniya.

Iginalaw-galaw niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko, natauhan tuloy ako TOINK!!!

"Oooooh iiikaw ppppala Xxxander!" Dahan-dahan kong nasabi sa kaniya.

Medyo na-iilang na ako sa kaniya, matapos ang nangyari last year.

Bigla na lamang niya ako hinila, hawak niya ang kamay kong lumabas ng canteen. Nakita kami ni Denise, galit ang kaniyang itsura.

Nagpunta kaming dalawa sa likod ng school, ipinakita niya ang magandang lugar na nadiskubre niya.

Napakaganda hindi ko akalain sa likod ng masukal na lugar na ito, may nakatagong tulad nito. Isang napakalaki at napakalapad na bato, na punong-puno ng iba't ibang halamang gala. Na tanging sa kabundukan lamang matatagpuan, napakasarap ng simoy ng hangin, habang sumasabay sa galaw ng mga puno.

Walang tigil ang bibig ko sa kakasalita, Kahit na ano lang ang masabi ko sa kaniya. Huwag lang kami matahimik, baka kasi hindi na ako makapagsalita kapag dumaan na ang katahimikan.

Si Xander, masayang nakatingin sa malayo. Nilapitan ko siya at kinulit-kulit, tawa siya ng tawa sa kagagahan ko.

Hindi nagtagal mas minabuti na naming bumalik sa school, magsisimula na muli ang klase.

Matagal na kaming magkakilala ni Xander, hanggang ngayon hindi ko parin madalas maintindihan ang ugali niya.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon