XV.Yonna & Xander

34 2 0
                                    

Ngayon lahat ginagawa ko para kahit papaano, hindi ako mawala sa tabi niya.

Kinaumagahan

Nakita ko si Xander na bahagyang mamula-mula ang kanyang mata, pakiramdam ko nadurog ang puso ko. Alalang-alala ako sa kanya mukhang may pinagtalunan sila ni Lea, alam kong kahit pilitin ko ngayon na tanungin si Xander,  hindi niya ako sasagutin.

Simula noong matapos silang mag-usap, hindi ko na sila nakikitang magkasama.

-----------------

Araw ng saturday para sa gaganaping pagtatanggal, hahatulan na naman kami. Kinakabahan kaming lahat, nang marinig ko ang salitang "safe" Nakahinga ako ng maluwag.

Nabawasan na naman kami ng dalawang cadet, sila ang may pinakamababang life na natitira.

Noong sumali kami sa C.A.T. binigyan kami ng tig-100 life ang bawat isa sa amin, kailangan naming i-maintain iyon sa pagbibigay ng merit ng aming official. Sa bawat task na napapanalo namin, mas madami ang points na pwede namin makuha sa kanila.

Magkakaroon ng pagtitipon ang C.A.T. sa susunod na sabado, doon din gaganapin ang huling task namin.  At sa lunes gaganapin ang pagpili ng magiging ganap na official sa susunod na taon.

--------------

Araw ng saturday pumunta kami sa talon, malapit sa school namin. Lahat gustong manalo at maging official kaya ready to win ang lahat, todo effort ang lahat at walang gustong magpatalo. Hinati kami sa tatlong grupo, badtrip ilang beses akong lumipat ng kinatatayuan para magkasama kami ni Xander. Kainis si Sir Raymond, ginawang pabalik ang pagbilang namin.

Kung nasama sana ako sa grupo nila Xander, malamang hindi ako mapapabilang sa maalis. Kawawa naman ako talo kami kaya, sigurado nasa amin ang maaalis sa lunes. Gagawin ko nalang mag-enjoy ngayon, hindi ko nalang iisipin ang mangyayari sa monday.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon