II. Yonna & Xander

68 3 0
                                    

      Habang naglalaro kami ng volleyball nang mga classmate ko,  dumaan ang grupo nila Xander. Natuon ang attention namin sa kanila, kagwagwapo lang talaga nila!

Mamaya-maya, napahiyaw ako bigla at may tumama saking ulo na bola, "Aray!"

Nabuwal ako bago naglapitan ang lahat.

"Oy! Okay ka lang ba?" Gulat at parang nag-aalala na tanong ni Xander. Aruy! Worried siyaa~

"Okay lang ako." Ngiti ko naman sa kanya ng malaki.

Nagsimula na ulit kami sa paglalaro pagkatapos kong magpahinga ng sandali.

-----

    Malayo na nga siya, abot padin ang lingon ni Xander sa amin. Hindi ko talaga maintindihan si Xander; Minsan may araw na parang invisible ako, minsan naman nakikita niya ko. Ang gulo-gulo naman ng utak niyang bilog.

Pero ngayong araw, nag uumapaw ang saya ko nung nakita ko siya ng malapitan. Nakakalusaw ang mga mata niya grabe!

Tamaan nalang sana ako lagi ng bola, kahit gaano pa kadami, okay lang. Kung pagmulat ko naman, mukha ni Xander makikita, oks na oks lang!

"Sige bola, lapit lang! Tamaan nyo ko! I command you!" Tawa ko sa aking sarili.

Mamaya-maya, napansin kong nakatingin sa akin ang aking mga classmates na parang ako ay nababaliw...

Bakit kaya?

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon