VIII.Yonna & Xander

44 2 0
                                    

Nakakahiya ang itsura ko,uling na nga naluto pa lalo

Isip-isip Yonna

       Aha,alam ko na tatakpan ko nalang ng mga books ko ang mukha ko,Nang hindi na niya mapansin.

     Dahan-dahan akong lumakad, para dumaan sa room nila Xander.Sa kakamadali ko, hindi ko nakita ang isang papalabas sa room nila.Nang bigla akong mabundol sa lumabas, at nawalan ako ng control, na out balance ako.

"OH MY GOD,ang face ko!!!"

Agad-agad akong nag sorry, sa lalaking nakabundulan ko.

"Okay ka lang, pasensya na." at itinayo ako

     Paglingon ko sa lalaki, ala na akong nagawa para itago, ang chaka doll na looks ko, ang saklap

Hindi ko malaman ang expression niya kanina. Parang mas nagulat pa siya sa akin, nakakainis.

" Sa dinami-dami ng pwede ko makabundulan, si Xander pa.Bakit ngayon pa?"

Nakakahiya man sa kamalasan,  pinanindigan ko na lang. Agad na akong nag-walk out at dumiretso na sa room namin, na parang walang nangyari.

---------------

Nalalapit na ang bakasyon, hindi na kami magkikita ni Xander nakakahinayang naman.

Paulit-ulit na kamalasan, dapat maka-achieve naman ako ngayon ng maganda.

Maagang nag pa-audition ang mga "Tanglaw club". Kailangan makapasok ako, nang mapanood naman ako ni Xander, bago matapos ang taon na ito.

   Ang tanglaw sa isang private school ito yung mag nag-peperform sa theater sa school,parang choir narin. Syempre lahat naman nagdadaan sa audition, dapat galingan ko.

Ms. Yonna Zoe, bibigyan kita ng situation makakasama mo si Ms.Denise Wi sa pag-aact.

Nakakainis kahit saan ako pumunta at sumali, lagi akong sinusundan ng bruhildang Denise na ito. Di mo alam kong sinasadya niya talaga.

"Makinig kayong dalawa, ito ang situation pag aawayan ninyo. Ang lapis na hawak ko ngayon, bahala kayong dalawa kung paano ang gagawin ninyo." Sabi ng president ng club.

Iisipin ko na lang na si Xander ang lapis na ito,at diko hahayaang mapunta nalang ng ganon-ganon lang, sa bruhang Denise na ito.

ACTION

"hoy!!! Denise,bakit lahat nalang ng nasa akin pilit mong kinukuha. Pati itong lapis ko, kinuha mo pa talaga. Kahit alam mo naman na hindi sa iyo." Galit kong pahayag kay Denise.

"Kapal talaga ng mukha mo Yonna,talaga sayo ito, bakit hindi ko ba kayang bumili ng lapis. Kung pagdudahan mo ako, parang napaka-poor ko naman. Kahit ilang lapis kaya kong bilhin noh.Nakakatawa ka naman." Sagot ni Denise

Nagpintig ang mga tenga ko, agad akong lumapit kay Denise. Ibig-ibig ko na siyang sakalin, nang biglang lumapat ang malakas na sampal sa mukha ko.

Gulat na gulat ang lahat ng tao sa loob ng room.

Wala sa plano ang pagsampal, maging ako nagulat, ang totoo nasaktan ako sa pagkakasampal na iyon.

Natahimik ang lahat, walang gustong magsalita sa nangyari.

Hinawakan ko ang tie niya sa balikat, at itnulak ko siya sa blackboard.

Sabay bitaw, nang nagbabagang salita.

"Denise,hindi lahat ng bagay na mapupunta sayo, sayo na! tandaan mo yan.Dahil depende sa lapis, kong saan mas nakikita niyang  may halaga siya. Kahit gaano ka pa kapera, walang halaga iyon kong ayaw sa iyo. " Sabay talikod kay Denise.

Namula si Denise sa takot.

"CUT, okay na masyado ninyong sineryoso, qualified na kayo. welcome sa tanglaw club.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon