XX.Yonna & Xander

29 1 0
                                    

Napakahabang oras na ang dumaan, ala parin sila tigil sa harutan. Nag-walk out na ako ng hindi manlang nila napansin, magdadahilan nalang ako sa lunes kong magkita kami sa school.

Sa tabing-dagat ako dumaan para makapagpahangin narin, hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking luha. Iyong sakit kanina parang pabalik-balik na dumudurog ng puso ko.

Ang tagal ko ng wala hindi manlang napansin ni Xander, nakakainis talaga sarap sakalin!!!

-----------

Hindi nagtagal napansin kong parang may humahabol sa akin, parang isang palito ng posporo ang tumatakbo sa subrang layo.

Nang medyo malapit na nakilala ko na " Ssssssi Xxxxxander" biglang nagliwanag ang mukha ko, ang totoo masaya kasi naalala niya ako.

Umupo ako habang hinihintay ko siya, pagdating niya hindi ko napigilan ang mabilis niyang pagyakap.

Nanlaki lang ang mata ko at parang poste akong nakatayo,napakatagal ng pagkakayakap niya rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso.

Hindi ako makapagsalita naputulan na ata ako ng dila, nawala lahat ng galit ko sa kanya ng mga sandaling ito.

"Soorrry Yonna, nakalimutan kong kasama kita" Sabi niya.

Hindi na ako makasagot kahit gustong-gusto kong magsalita, tumulo muli ang luha ko magang-maga na ang mata ko sa pag-iyak.

Hinawakan niya ang mukha ko, at pinunasan niya ang luha ko ng kaniyang mga kamay.

Si Xander ang madalas manakit ng puso ko, siya rin naman ang pain reliever ko. Hindi ko alam pakiramdam ko tinutulak niya akong ipaglaban pa, ang nararamdaman ko sa kanya.

Masaya kaming naglakad pauwi, ang isiping iniwan niya si Denise para sa akin ay sapat na.

Para kaming mga batang nagtatampisaw, sa hampas ng mga alon sa pangpang.

Sana lagi nalang kaming ganito, masaya lang at walang problema.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon