Chapter Three

51 2 0
                                    

Unang araw sa ikatlong baitang. Tulad ng dati todo effort sa para sa hunting, at syempre matagal na bakasyon, kaya nakakamiss na makita si Xander.

"Hay,makakuha naman sana ng magandang pagkakataon, mapansin naman sana ako ni Xander?"

Hindi na ako excited sa mga classmate ko, tulad ng dati sila na naman nakakaumay na talaga. May ilan na maliligaw, kasi late na kung magsipag-enroll.

Ibat-ibang boses ang naririnig ko sa lakas ng mga kwentuhang walang katapusan, sa payabangan sa kanikanilang bakasyon.

"Yonna, kamusta bakasyon?" Buwisit na bungad ni Denise!

"Okay naman, dito lang nagbilang ng langaw na dumadapo sa kalabaw namin." Sagot ko sa kanya

"Ha, eww!!! Sagot ni Denise

Nang makalayo si denise napatawa ako ng malakas, SAPOL-

Nagsipagtahimikan ang lahat

----------

Nakangiting pumasok si Sir Garcia,ang magiging adviser namin sa loob ng isang taon. Masayang-masaya kami, batikang Teacher ng Social Studies.

"Okay class, tumanggi na ako sa magulong section na ito, hindi sila pumayag. Kaya nandito na ako, magtitiis nalang wala akong choice" Pabirong bungad ni Sir

"WE LOVE YOU SIR" Sigaw naming lahat.

"Tama na ang bola, lets start."

May lalaking nag paumanhin,sa pinto ng aming kwarto.Hindi ko napansin, ang lalaking pumasok.

"Sorry Sir, I'm late."

"Oh,ikaw pala Xander, come in. Please sit down at magsisimula na ang klase." Sabi ni Sir

"Thank you Sir." Sagot ni Xander

Naghanap ng bakanteng upuan at doon siya naupo.

"Miss Yonna, is somebody sitting here?"

Ang tagal kong hindi nakasagot, sa tanong ni Xander. Hindi ako makapaniwala na si Xander, ang nasa tabi ko.

Bigla nalang siyang naupo sa tabi ko, at hindi na niya hinintay na sagutin ko pa ang tanong niya.

Ganon pa man sinagot ko nadin siya ng, "Walaaa~"

"Oh My God!!! Yonna ito nato! MY DREAMS ARE COMING TRUEEE~!"

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon