XXXII.Yonna & Xander

29 1 0
                                    

-------

Kinaumagahan

Gumising sa akin ang maagang pagdating ng sasakyan sa harapan ng aming bahay, dali-dali akong bumaba ng maalala kong pupunta nga pala si Xander.

Nang nasa baba na ako, tanging si nanay na lang ang naabutan ko sa labas.

"Ka-aalis lang niya anak" Salubong ni nanay sa pinto.

Nakita kong naka-andar na ang sinasakyan niya, ngunit hinabol ko pa iyon sa kalsada pero hindi manlang ito huminto.

Alam ko naman na nakita niya akong humahabol, at pilit ko siyang pina-pahinto.

"BAKIT HINDI MANLANG SIYA HUMINTO?" Sabi ko sabay pahid sa aking mata.

Nakayuko akong bumabalik sa bahay, daig pa ang nasakluban ng langit at lupa sa kalungkutan.

Ini-abot ni nanay ang maliit na box, gaya ng ipinangako niya noong gabi ng ball. Kinuha ko ito at mas minabuti nasa loob ng aking kwarto buksan, pagbukas ko, bumulaga sa akin ang napakaraming litrato na puro kuha ko.

Hindi ko inisip na ito ang laman nito, labis ko itong ikinagulat!!!

Ang mga larawan na naririto ngayon sa harapan ko, ay suma-salamin sa loob na anim na taon na nag-aral ako. Simula sa grade school at hanggang natapos ang aking high school, halos hindi ko na matandaan ang ilang kuha ko sa tagal ng nangyari. Ito ang mga larawan na masasabi kong kabuuan ng buhay istudyante ko, ang bawat tawa, ngite, at lungkot ng aking kamusmusan ay naririto.

Hindi ko na tuluyang napilan pa ang pagtulo ng aking luha, sa hinaba-haba ng panahon hindi ko inisip na makikita at mapapansin niya ang lahat ng mga ito. Hanggang sa kahuli-hulihang magkasama kami ay naririto, kaya pala ayaw pa niyang buksan ko .

Sa pinaka-ilalim ng mga litrato naipit ang isang sulat, agad ko itong binuksan at binasa.

To my dearest Yonna

    Noong una, sigurado akong hindi kita magugustuhan? Dahil ayaw ko ng mga babaeng nanliligaw sa gusto nilang lalaki. Inis na inis ako sa mga papansin na tulad mo? Tapos bigla nalang nangyari na, gusto ko na pala ang lahat ng ginagawa mo.

Tama, nakakawindang kasi ang ugali mo, na gumugulo sa akin sa araw-araw.

Ibang-iba ka sa kanila, bukod sa lahat ng nagpapa-cute, ikaw ang di marunong magsuklay. Hindi mo alam magtali ng buhok, at ikaw lang ang babaeng walang suklay sa bag.

Pero kahit ganun, kinuha mo ang lahat sa akin, pati puso ko ninakaw mo ng hindi ko manlang nalaman. Salamat kasi nakilala kita, nakasama kita sa maraming araw sa buhay estudyante ko.

Ang totoo sinadya kong huminto, kahit alam kong hahanapin mo ako. Syempre hindi ko naman hahayaang,  hindi mabantayan ang nagnakaw ng puso ko.

Alam ko namang gusto mo ako, halatang-halata naman sayo. Hindi ko lang naisip na aabot ka na mahalin, ang masamang ugaling tulad ko.

Tanga ako mag-isip pagdating sa ganito, mas inisip ko ang sasabihin mo kaysa sa nararamdaman ko. Gusto mo ako, kaya kapag sinabi kong gusto na kita, ang panget ng dating diba!!!

Childhood crush ko si Lea, noong panahon na hindi mo pa ako ginugulo. Hindi ko alam kong bakit kailangan ko pa itong ipaliwanag, siguro ito ang naging way ko para pagselosin ka. Parang ganoon iyon eh, naghahanap kasi ng attention mo, gaya ng ginagawa mo dati sa akin.

Alam kong nasaktan kita sa ginawa kong iyon, gustong-gusto kitang lapitan para punasan ang luha mo. Naiinis lang ako kasi laging andiyan sa tabi mo si Raymond na iyon, kaya mas nangingibabaw iyong galit ko.

Kong hindi mo ako nilayuan hindi ako magkakaganito, naging makitid ang isip ko noong tinamaan ako ng kupido mo.

Noong sinabi mong mahal mo na ako, sana pinanindigan muna.Sana rin hinintay mo ang isasagot ko, dapat hindi mo ako iniwan ng mag-isa. Hindi mo ba naisip na baka mahal narin kita, pagkatapos mong sabihin na mahal mo ako, ganun nalang ba iyon.

Oo mahal kita, hindi lang basta mahal, mahal na mahal pa yata. Natatakot lang ako na baka masaktan kita uli, pakiramdam ko kasi simula ng dumating ako sa buhay mo, hindi na nawala ang luha mo,para tuloy ang sama-sama ko.Sinubukan kitang iwasan, hindi effective dahil mas minahal pa kita.

Si Denise, alam kong nagalit ka sa akin sa ginawa ko. Hindi mo manlang naramdaman na hindi totoo ang mga iyon, pinu-protektahan lang kita. Kapag tumanggi ako, ikaw hindi ka niya titigilan. Alam kong sobra ng sakit ng ginawa ko kaya, kaya ayaw ko ng dagdagan pa iyon.

Masama ang loob mo ngayon kasi hindi ako nagpaalam sayo, hindi ko kayang gawin magpaalam ng kaharap ka. Baka kapag ginawa ko iyon, hindi na ako makaalis pa.Dahil hindi kita kayang iwan Yonna, dahil gusto kita makasama habangbuhay.

Ang akala ko madali na ang lahat, para masabi ko ang lahat. Nakakahiya na isipin mo, talagang hindi ganoon kalakas ang loob ko. Tapos biglang dumating pa si Michael, alam ko naman na hindi ikaw ang mga tipo niyang babae. Masyado siyang cool at di bulag na tulad ko, sorry!!! Love naman kita. Himala nga at nagkasundo kayong dalawa, mas malala pa iyon kay Raymond, inilayo ka ba naman sakin ng ganun lang kadali.

Sa imagination mo napaka-perfect kong tao, ang totoo hindi Yonna. Hindi ako isang ideal man na dream girl ng lahat, nasasaktan at minsan nakakasakit din ako ng damdamin ng iba. May mga mali din akong nagagawa, tulad ng hayaan kong iwan mo ako?  Kahit pwede naman kita pigilan ng mga sandaling iyon. Binitiwan ko ang kamay mo, kahit abot kamay ko na ito. Pinagsisihan ko iyon Yonna, kong naging kasing tapang ang tulad mo, baka hindi tayo dito nagtapos.

Mahal kita at hindi iyon magbabago, kahit ano mangyari at ilan taon pa ang lumipas. Wala ako sa tabi mo ngayon, pero sa susunod hindi na tayo magkakahiwalay pa. Iiwan ko ang puso ko, para may dahilan akong makabalik sayo.

Pag nagkita tayo saka mo na ako singilin, sa pag-alis ko ng di manlang nagpaalam. Sakalin mo ako o kaya sampalin, suntukin kahit na ano. Isa lang ang hindi mo pwede gawin, ang umiyak sa araw na magkita tayo. Wala na kasing sasakit pa , kung makikita kitang umiiyak sa araw na iyon.

Kung medyo natagalan ang pagbalik ko, ibig sabihin naging madilim ang dinaanan ko para makarating sayo. Pero hindi ibig sabihin, dapat ka ng mapagod sa paghintay sa akin.

Alam ko rin na kanina pa walang tigil ang pagluha ng mga mata mo, huwag ka ng umiyak babalik naman ako. kaya di ka dapat malungkot, future wife pa naman kita. Oyyy! tuwa naman siya, nakakahawa ang pagiging kornekk mo. Naimpluwesyahan tuloy ako ng drama ever mo, mag- iingat ka sana MRS: Zhou

                         LOVE,

                            MR:Zhou

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon