VII.Yonna & Xander

45 2 0
                                    

Kina-umagahan, nag laban-laban ang magkaka-team para sa mga task. Nakaka-pagod pero sulit naman, lalo na panalo kami sa una!

Maganda ang naging mga napili nilang mga pakulo. Kaya sobrang na-eenjoy naming mga baguhan.

Nagpagulong-gulong sa putikan,inakyat-akyat ang napakatataas na bulubundukin sa likod ng school, naglakad sa nakakadiring mga kanal, nagpa-ikot ikot ng limang beses bago tumawid sa fishpond.

Sa wakas, natapos din ang mga task. Hindi man kami nagwagi sa ilang tasks, at least hindi kami naging kulelat. Nakakapagod talaga! Infairness, napa-hingal ako.

Kulang nalang talaga maging itim ang mga kutis namin para mag mukha kaming naglalakad na mga putik. Kaya saktong-sakto natapos na, dumeretso ang team namin sa batis na malapit sa school para doon makaligo.

-------

     Nung gabi, ginanap ang Ms.Girl Scout and Mr. Boy Scout. Syempre, may kanya-kanyang mga pambato ang mga tao.

Maaga akong nakatulog nung araw na yun kaya iniwan ako ng team ko sa loob ng tent, humihilik at nakabulagta sa higaan. Bad trip din kasi na andun pala si Denise kaya tinamad ako pumunta.

-------

      Linggo ng umaga ang araw ng uwian. Isang news ang narinig ko pagka-gising gising ko. Ang bruhilda, AKA si Denise, ang nanalo ng Ms. Girl Scout. Ang masaklap nga lang daw para sa kanya ay yung Mr. Boy Scout na nanalo, ewan. Madami daw ang mga may itsura sa mga lumaban.Pogi naman din daw, pero yun nga lang, mas madami lang ang pogi sa kanya. Karami nga daw ng mga siraulong mga nanuod ang naghiyawan at hindi daw nila matanggap ang pagkatalo ng mga pambato nila.

Oo, napakasarap naman talaga mag-camping pero, maitim na ko dati pa, at dahil sumali ako dumoble eto ngayon.

Lunes ng umaga

       Maaga akong pumasok, para makaiwas sa dami ng makakapansin sa akin.Mahirap para maiwasan ang room nila Xander, bago ako makarating sa room namin.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon