XXVI.Yonna & Xander

28 1 0
                                    

Lunes ng umaga

Na-late ako ng pasok sa school, pagdating ko sa main gate nagsisimula na ang flag raising. Ang nakaka-badtrip pa nito C.A.T. official ang bantay, at ng matapos na pinapasok narin kami sa wakas.

Kailangan naming mamulot ng basura sa oval, kapalit sa pagkaka-late namin sa gitna ng kasikatan ng araw sa umagang ito.

Mukha namang masisiyahan si Denise, na makita akong nasa ganoong sitwasyon. Mamumulot ng basura habang bitbit ang balde, nakakabanas ang mapabuwisit niyang pagkakangite.

"Bruhang Denise nag-eenjoy talaga!!!" Pabulong-bulong ko habang nagsisimula na akong mamulot.

At ang isa pang nakakainis, hindi manlang ako sinalo ng Xander na iyon. Grrrrrr

Buti pa si Michael anytime kapag kailangan mo, parang kabote bigla-bigla nalang sumusulpot.

Nilapitan agad ako, nalibang tuloy ako at nakalimutang mainis.

Nang mapansin ni Xander na kasama ko si Michael, nilapitan niya kami. At sinabing huminto na ako sa pagpulot ng basura,

"Okay, lahat ng baldeng dala ninyo ibigay ninyo kay Yonna, Siya ang gusto kong magtapon niyan sa basurahan?" Ang sabi ni Xander

Gulat na gulat ako"Teka lang bakit ako, hindi naman tama?" Inis kong sagot kay Xander.

"Ikaw ang gusto ko magtapon! May magagawa ka Ms. Yonna?" Sabi muli niya.

"Wala Sir, may sinabi kaya ako!!! Eto na nga eh, kinukuha na nga diba Sirrrr" Sabay talikod sa kaniya.

Umepal si Michael"Dont worry Yonna, tutulungan kita magtapon niyan."

"Kung gusto mo na gawin iyan, simple magpa-late ka sa pagpasok, siya lang ang magtatapon niyan!!!" Mayabang na sagot ni Xander kay Michael.

"Okay na Michael, dalhin mo nalang itong bag ko sa room natin saglit lang ito?" Sabi ko kay Michael

Nag-aapoy ako sa pagkainis kay Xander, ang hirap-hirap niyang kausap minsan. Okay na hindi, hindi na okay hay! Mauubusan yata ako ng dugo sa ugali niya. Nagmamaktol akong naglakad papuntang basurahan, Ganun kabaho pero itinapon ko parin ang dala ko.

Pumunta ako sa gripo para hugasan ang mga baldeng dala ko, at makapaghugas narin.

Nandoon si Xander naghuhugas, hindi ko alam kong tutuloy pa ba ako. Ang tagal kong nakatayo at hindi nagtagal napansin na niya ako, unti-unti siyang lumalapit sa akin. Tumalikod ako at nagpanggap na hindi siya nakita, bigla na lamang niyang kinuha ang mga balde. Hinugasan niya iyon at saka itinaob, napatulala ako sa pagbago na naman niya ng ugali.

"Hoy! Yonna ano pang tinu-tulala mo diyan, bakit hindi ka pa maghugas magsisimula na ang first period" Sabi niya.

"Aaaaah! Oo nga pala pasensya naman" Napahiya kong sagot.

Nang matapos kong maghugas, kinuha niya ang kaniyang panyo. Ipinunas niya iyon ng dahan-dahan sa mukha ko, napatitig lamang ako sa kaniya.

Bigla akong namula at tila ba kinilig sa nangyari, aruyyyyy

Nakakaumay ka talaga, tubig-tubig Yonna.Tog!!!

Habang naglalakad ako papunta sa room, matagal ko ng napapansin ang camera niya. Madalas kasi itong nakasabit sa leeg niya, natatandaan ko kahit noong elementarya palang siya dala-dala na niya iyon. Hindi ko manlang iyon nahawakan kahit minsan, kahit mag-close pa kami. Hindi ko rin nakita na nahawakan iyon ni Lea o kahit ni Denise.

Napaka-personal na gamit iyon ni Xander, kaya tanging siya lamang ang nakakahawak niyon. Ano kaya ang meron sa camera niya? Bakit ngayon lang ako nagka-enterest na malaman ang laman niyon? Malabo na makita ko pa laman noon, hindi na kami close mahirap na.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon