XXVII.Yonna & Xander

31 1 0
                                    

---------

Pagpasok ko sa room namin usapan ang christmas party, kahit kailan hindi uma-attend si Xander sa mga ganun. Kaya ano pa nga ba aasahan ko sa kaniya? last year hindi ako sumali wala kasi si Xander, last naman na ito sa high school kaya sasali na ako sayang naman.

"Oo nga naman Yonna, kung hindi ka makiki-join sa party manghihinayang ka?" Epal ni Michael.

"Paano mo naman nalaman iniisip ko Michael?" Tanong ko sa kaniya, sabay batok.

"Iba ka kasi mag-isip MALAKAS abot hanggang sa isip ko" Sagot niya muli

Napakamot nalang ako ng ulo at natawa sa katangahan, ganunnn toinks!!!

Mahirap intindihin na close na talaga kami ni Michael, kahit ako din hindi makapaniwala. Siguro may mga topic lang talaga na nagkakasundo kami, minsan nga nililipad narin ako sa kahanginan niya. Ang totoo mabait at masayahing katulad ko si Michael, hindi ko alam! Basta close na kami.

Bigla ko tuloy naisip kaya siguro si Denise, iritang-irita sa kaniya. Sa dami ng mga girlalo na lokong-loko sa ugali niyang iyon, nagsusumiksik parin siya kay Denise. Ganoon nga siguro talaga walang pinipili ang puso, kong sino at ano ang gugustuhin niya.

Sabi nga ni Lea, ang pag-ibig daw katulad ng pagsasalamin sa araw-araw. Kahit ilang beses kang tumingin, mukha mo parin ang makikita mo, sa pag-ibig kahit ilang beses mong subukan na kalimutan, siya parin ang tinitibok ng puso mo.

Ano ba yan bakit nga ba napunta ako dun!!!

-----------

Apat na buwan nalang ang natitira at magbabakasyon na, next year at sa mga susunod na taon hindi ko na makikita si Xander. Maibabalik ko pa kaya ang dating samahan namin sa apat na buwang ito? Siguro kong hindi ko sinabi na gusto ko siya! Baka hanggang ngayon okay pa kami, Kaya lang hindi ko na mababawi pa ang sinabi ko. Ang nkakainis lang nito, nawala na nga ang mahal ko, pati friendship namin nadamay sa katangahan ko!!!

Ito lang kinahinatnan ng lahat ng pagsusumiksik kong mapalapit sa kaniya dati, at bunga ng lahat  sa mga kalokohan ko. Kakapalan ko na muli ang mukha ko, maibalik ko lang lahat ng samahan naming dalawa. Kahit ano pa isipin niya, wala na ako pakialam pa! Mahalaga susubok uli ako.

Madalas pinagsama-sama ang lahat ng 4th year sa klase, after lunch kasi nag-prapraktis  kami sa graduation. Nakakailang minsan na magkasama kaming apat, kong magpapatalo ako kay Denise hindi ko maibabalik ang nawala samin ni Xander.

"Oopss teka, ano nga pala nawala?" natawa kong isip sa sarili ko.

----------

CHRISTMAS  PARTY  DAY

Pagpasok ko sa room nagtataka ako, kung bakit  nawala ang hati sa pagitan ng room namin at sa room nila Xander. Ibig sabihin ba nito magkakasama magpa-party ang lahat ng 4th year,parang gusto ko ang mangyayari.

"Oh My God!!! nakaka-excite naman"ang sabi ko sa sarili ko.

Unti-unti na silang lahat nagdaratingan, napansin ko din ang pagdating ni Xander at Denise na magkasabay.Maaga pinatunog ni Michael ang Music, sa dala niyang CD player. Dala narin ng mga adviser namin ang mga food na kakainin namin mamaya,

Nagsayaw kami ni Michael para sa opening namin, parehas naming hilig ang pagsasayaw. Pina-play na ang "OVER YOU" At nagsimula na kami magsayaw, ito ang kauna-unahang napanuod ako ni Xander na sumayaw. Ang mga classmate namin walang tigil sa hiyawan, nakakabinge grabe!!!

"Sana'y nagustuhan niya" Bulong ko.

Nang matapos kami, nagkainan na kami, halos maubos ang dala nila ma'am sa katakawan naming lahat.

Si Xander walang tigil sa pagpi-picture sa aming lahat, hilig niya talaga ang kumuha ng picture.

Nagpa-game sila ma'am, hinila ko si Xander at hindi ko pa alam ang lalaruin namin. Gulat at inis ang itsura niya, alam kong walang hilig sa ganito si Xander.

"Yoonna, dinawit mo pa talaga ako sa kalokohan mo!" Galit niyang sabi.

"Okay lang iyon Xander"Sagot sa kaniya.

Nilakihan lang niya ako ng mata,"mag-usok kaman sa puwit wala kang choice " Bulong ko.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon