XI.Yonna & Xander

43 2 0
                                    

Noong minsan gagawa dapat kami ng project sa computer, kaya maaga kong tinapos ang ginagawa ko sa tanglaw club.

"Xander tara na sa computer room, kasi mamaya madami na ang gagamit. Mainam na mauna na tayo para maaga tayo matapos." Ang sabi ko

"Mamaya na best maaga pa naman" Sagot ni Xander sa akin.

Gustong-gusto kong mainis sa inasal niyang sagot. Ano pa nga ba ang magagawa ko.

Hapon na at tapos na ang klase, hindi ko padin makita si Xander.Kaya ng makita ko siya sa gym,  naglalaro. Habang namumuti ang mata ko sa pag hihintay sa kanya.

Lumapit si Xander sa akin,  nakabungad ang isang napakalaking smile sa mga labi niya. Tumanggal ng lahat ng pag kainis ko sa ginawa niya.

"Best,please ikaw nalang gumawa ng project natin, may lakad kasi kami ng mga barkada ko." Maamong tupa niyang sagot.

"Oo na,basta bukas agahan mo pumasok." Habol ko sa kanya habang papalayo na ito.

"Love you best, mag-ingat ka sa pag-uwi mamaya." Hiyaw ni Xander

Inabot ako ng gabi sa school para matapos lang ang irereport, namin ni xander. Sa dami ng gumamit nahirapan akong matapos ng maaga.

Naglalakad akong papauwi sa bahay, nagbalik tanaw ako sa sinabi ni Xander

"iloveyoubest" Wow bago sa pandinig ko, nakakatanggal ng pagod.

------------

Mahirap para sa iba ang kahibangan ko, para sa kanila malamang kalokohan lang,na umikot ang mundo mo sa isang tao. Ang kaligayahang iyon ay hindi mapapantayan ng kahit na sino.

Maaga akong pumasok para ibalita kay Xander, ang ginawa kong project namin. "Mission accomplished and ready to submit!"

Kaya lang nauna siyang pumasok malayo palang ako, tanaw na tanaw ko na ang abot gilagid na ngiti niya.

"best,magkita tayo mamaya after class may ipagtatapat ako." sabi ni Xander habang papalayo sa akin.

"Ghad! Grabeh magtatapat na siya sakin! MY GOODDD!"

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon