Chapter Four

28 1 0
                                    

Dati isa ako sa mga nakapila sa C.A.T. ngayon pinanunood ko na lamang sila, kitang-kita ko ang kanilang mga pagod sa training dahil sa tagaktak nilang mga pawis.

Tama lang iyon kay Denise, sige Raymond pahirapan mo siya nag-eenjoy tuloy akong makita. Teka bakit pati si Xander ko, teka teka kainis talaga! sabi ko si Denise lang eh tsk tsk tsk...

Ang gwapo parin ni Xander, kahit puro pawis na siya at pagod na pagod. Ayyih

Medyo matagal narin wala sila ni Lea, palagay ko okay na siya ngayon. Pero bakit ganoon hindi parin niya ako nakikita, o sadyang malabo lang talaga mata niya sa malapitan. At puro malalayo lang ang madalas niya natatanaw, nandito kaya ako Xander!!!

-----------------

Sunday morning

Nakakagising ang kaingayan sa labas may dumating kasi sa bahay, kaya si mother dear nangingibabaw ang boses.

Sumilip ako sa bintana ng kwarto, pamulat-mulat palang ang mata ko. At hindi ko pa nahaharap ang magsuklay, kinuskos ko ang aking mata.

"Sssssi Xxxxxander?"

Ano ba itsura ko nakakahiya talaga!!!

Dali-dali akong nagsuklay, at nagkakandarapa sa pagbaba.

"Best bakit nagawi ka yata dito, ano meron?" Tanong ko sa kanya.

"Samahan mo ako sa bahay nila Denise, gusto niya na pumunta ako sa kanila please" Maamo niyang pagkakasabi sa akin.

Dahil lamang sa bruhildang Denise na iyon, sinadya pa niya talaga ako nakaka-badtrip na umaga.

"May choice ba ako, hay! hintayin mo ako maliligo lang ako" nakasimangot kong sagot sa kaniya.

Hindi namin akalain na ganoon na lamang kalayo ang bahay ng Denise na iyon, napaka-kuripot pa naman ni Xander hindi manlang kami nag-tricycle. Malapit lang daw kaya pala tulo at tagaktak na ang pawis namin,kaliligo ko lang kaya para bunuin ang napakahabang daang ito.

Pagdating namin sa bahay, grabe ang ganda at ang laki ng bahay ng bruha. Tanaw na tanaw na naming dalawa si Denise, habang nakangite ito at kumakaway saming dalawa. Daig pa nakakita ng anghel na bumaba sa lupa, ganda ng smile kay Xander wagas parang wala ng bukas.

"Malaglag sana" Pabulong ko.

Nang makapasok na kami sa loob, hindi na lumayo pa si Denise kay Xander. Para akong tangang naghihintay na mapansin nilang dalawa, ala na invisible na talaga ako.

Bakit ganun parang kumikirot ang puso ko, pakiramdam ko sinasaksak ako ng paulit-ulit. Hindi ko na kinakaya selos na selos na talaga ako, at galit na galit sa kanila isinama ako para lamang masaktan. Sinasadya talaga ng bruhang Denise na ito, ginigisa ako sa sarili kong mantika tsk tsk tsk.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon