VI. Yonna & Xander

51 3 0
                                    

     Nagkakagulo ang room namin, wala kaming pasok sa Science subject kasi absent si Teacher. Isa sa pinakamaingay sa lahat ay ako,nangingibabaw pa nga ang boses ko.

Mamaya-maya, may nangahas na pumasok sa room namin para wakasan ang kaingayang nagaganap.

Galit na galit na pumasok sa kwarto namin ang isang lalaki.Laking gulat ko ng humarap na ito sa amin, "SI XANDER" Pabulong ko.

Natahimik kaming lahat, biglang nawala ang nakakabinging boses namin. Natuon ang lahat kay Xander, habang papunta ito sa harapan ng desk ng Teacher namin.Galit na galit ang kanyang itsura.

Tumayo siya ng ilang minuto bago siya nagsalita. Hinampas niya ng malakas ang teachers' table at doon na siya nagsimula mag-salita.

"Pwede ba na huwag kayo maingay? Kung hindi ninyo pa alam, ipapaalam ko na. Nakaka-distract lang naman kayo sa tulad naming mga student na may klase sa oras na ito. Mas naririnig pa nga namin ang kaingayan ninyo kaysa sa lesson namin."

At dun, lumabas na si Xander. Pakiramdam ko napahiya ako.Aminado naman ako. Ang masama nga lang, si Xander pa ang nag-award sakin.

Ganun pa man, hinahangaan ko parin siya sa pagtahimik ng maingay na klase namin nung araw na iyon.

------------

       Sinalihan ko na yata ang lahat ng club at mga organization ng school. Pero kahit isa lang, wala akong nahanap na sinalihan ni Xander.

Sumama ako sa scouting, nag-bakasali na nandoon si Xander.Pagdating ko sa camp, hinanap ko agad siya. Pero tulad ng dati, wala parin siya. Lahat yata ng alam niyang sasalihan ko, hindi na niya sinasalihan.

Tsk. Ka-bad trip naman.

Anyway, sa scouting club na-meet ko si Lea at Raymond, mga third year student. Mga active leaders ng girl scouts at boy scouts. Mababait sila, kaya madalian ko silang nakasundo.  Ka-tent ko pa nga si Lea, habang katabing tent naman sila Raymond. Ayie~ Sinswerte naman din pala ako kahit unti lang.

"Yonna, first time mo palang ba mag-camp? Last year kasi hindi ka namin nakita." Tanong ni Raymond sakin isang beses.

"Ah oo, napasubo lang talaga ako ngayon-ngayon lang." Sagot ko sa kaniya.

"Ganon ba? Well, okay. Masaya naman dito eh; di ba Lea?"

"Sobra, Yonna ma-eenjoy mo talaga dito. Promise." Ngiti ni Lea habang ginulo niya ang buhok ko ng saglit.

Bigla akong na-excite. Ang galing naman nila mapa-excite ng tao.

Maaga kaming pinatulog ng makapagpahinga kami ng maayos at may task daw kami kinaumagahan. Magkatabi kami ni Lea at ng mga kagrupo namin.

"Ano meron sayo at ni Raymond?" Tanong ko kay Lea nung nakahiga na kami.

"Ah, childhood friends lang kami. At hanggang ngayon, friends parin."

"Nanligaw ba siya sayo?" Tanong ko muli sa kanya.

"Madaming nanliligaw, hindi siya napabilang doon."

Parang na-gets ko na ang punto ni Lea pero hindi ko nalang sinabi. Grabe bigla akong kinilig, relate na relate ako. Hindi ko akalain na may gusto pala siya kay Raymond! Ayiee~ Nakakakilig naman! Sooobraaa!

Sino nga ba ang hindi magkakagusto kay Lea? Mayaman na, down to earth pa. Hindi lang iyon, napakaganda pa niya. Tsk. Ang bulag naman pala ni Raymond.

Ganon din naman, bagay sila diba? Aruy! Ang sweet naman~

"Sana kami nalang din ni Xander.."

Mamaya-maya, naka-tulog na din ako sa wakas.

Blind LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon