"Anak galingan mo sa first day mo huh?"Tumango ako kay mommy nang may ngiti sa labi,second grade ko ngayon at excited ako sa first day ko.
"My,papasok na po ako?"
"Okay sweetheart,galingan mo"
"Yes po..bye my!"
"Bye"
Nang makapasok sa loob ay tuwang tuwa ako dahil masaya akong magdadrawing na naman ako ngayon at magsusulat.
"Hoy babae!"
Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kung sino man ang nagsalita,nang makita ko ang apat na babae sa likod ko ay taka ko silang tinignan.
Mukhang mga brat ang mga batang ito.Kasing edad ko ata sila.
"Bakit?"tanong ko.
Lumapit sila at sa di inaasahan ay tinulak ako ng matangkad na babae at napaupo ako sa sahig.
Agad na lumandas ang mga luha ko.
"Bakit dito kapa nag-aral!?you look like a trash!"
"Oo nga!kunin natin ang mga gamit niya"
Isa isa nilang kinuha ang mga gamit ko pati na rin ang lunch box ko.
"A-kin na yan!"pilit kong naging matapang.Akmang tatayo na sana ako pero tinulak ako ng isa sa kanila kaya napaupo ulit ako.
"Ano!?lalaban ka!?girls dalhin natin sa stockroom!"utos ng mababang babae sa gitna.
Sumunod naman ang mga kasama niya at tatlong babae ang humila sa'kin kaya hindi ako makapalag.
"Ba-kit niyo ako sinasak-tan?wala naman akong ginagawang masaman ah!*sob* *sob*"
"Shut up!"
"Daliii...ilock niyo iyong pinto at patayin niyo ang ilaw"
Nang maipasok nila ako ay grabi ang takot na naramdam ko. Walang tigil ako sa pag-iyak lalo na nang pinatay nila ang ilaw at sobrang dilim sa loob.
Nakakaimagine ako ng mga nakakatakot na imahe sa utak ko.
Kaya mas lalo lang akong natakot.Parang bangungot ang nangyayari sa'kin.Bakit ba nila ako ginaganito?
Napaupo ako sa sahig at umiyak nalang.
Ilang oras raw akong naroroon sa stockroom.Ang tagal....ang tagal...
Kung ano-ano ang mga naririnig kung ingay na mas lalong nagpakaba sa'kin.MAS LALONG TUMINDI ANG TAKOT KO.
After kung magstay sa stockroom na iyon hindi ko na alam ang mga nangyari,basta ang sabi ng mommy ko nakita nalang daw nila ako sa stockroom na tulala at hindi manlang makapagsalita.
Ilang beses nila akong tinatanong pero hindi raw ako sumasagot.
Hanggang sa lumipas ang panahon, kapag natutulog raw ako, lagi akong sumisigaw sa takot kapag madilim ang paligid ko.
Pinagsabihan ang apat na babae at isa isa silang nagsorry sakin. I was so angry at them, but I accept there apologies.
Natrauma na ako kapag ako lang mag-isa, kaya ang tanging paraan para tumahimik ako ay kailangang may makatabi ako at may kayakap.
Kaya nga,mas lalo pa akong natakot nang maikwento pa ng mga classmate ko ang mga tungkol sa aswang at mga multo.Kaya nga gabi gabing hindi na ako nakakatulog.
Pero habang tumatagal sinanay ako nina mommy at daddy na wag matakot sa dilim pero,kahit anong gawin nila,it still affects me.
I'm afraid of the dark!
BINABASA MO ANG
So Much In Common (Completed)
Teen Fiction"Never thought that I could find you here"-Aimee "Nahanap na ko narin ang babaeng matagal ko nang hinahanap"-Dwight