"Guys! Bilis tignan natin ang bagong ranking this year." Excited na wika ni Claire at bahagya pang hinihila kaming lima. "Wait lang kase Claire, sasama naman kami kaya wag kang manila. Okay" Sabat naman ni Gwen habang inaayos ang parte ng kaniyang damit na nagusot.
Maingay,mainit at naghahalo-halong amoy ang sumalubong sa amin ng sapitin namin ang bulletin board kung saan naroon ang listahan ng ranking. "Excuse me! Makikiraan."Magiliw na wika ni Pen. Nagsitabihan naman ang ilan kaya nakapunta kami sa unahang bahagi.
"Totoo ba ito! Si Ryan parin ang nangunguna.. OMO wait! PEN IKAW ANG IKALAWA." Hyper na hyper na sigaw ni Sam. "CONGRATS SA ATIN." Sigaw ni Kim. At ngayon ko lang napansing nakasama pala kami.
The Ranking
1. Ryan Kier Gleabo
2. Penelope Martinez
3. Gerald Mohr
4. Samantha Perez
5. Josiah Viernes
6. Jemica Brienne Samonte
7. Marco Rosales
8. Claire Dela Garza
9. Kimberly Daine Buenavista
10. Gwendolyn Sandoval
11. Ramil Lummiere
12. Serafina Catabuena
13. Rachel Cruz
14. Joara Tan
15. Lemuel Azares"Grabe I can't believe that Ryan remain 1st mukhang walang balak ang Ranking na baguhin ito. " hindi makapaniwalang wika ni Claire. "Wag na kayong kumuntra Ryan deserves that impact he's a good leader at all." Pagtatanggol naman ni Pen. "Pinagtatanggol mo lang eh." Panunukso naman ni Kim sa ngayong pulang pula nang si Penelope.
Tama naman talaga si Pen, Ryan deserves to be a top 1 nakita ko lahat ng sakripisyo niya para makuha ang titulo pinapangarap ng lahat. "Tahimik ang isa oh! Hindi mo ba matanggap na nalamangan ka ni Josiah sa Ranking." Wika ni Claire. "Luh di ah.. Mas better nga yun eh atleast magkasunod kami diba."
"Brienne!" Lahat kami natahimik ng patakbong lumapit sa pwesto namin si Marco. "Congrats nga pala for being top 6." Nakangiti nitong bati. "S-sayo rin c-congrats,top 7." Naiilang kong tugon. "Pati rin pala sa inyo Pen,Sam,Claire,Gwen and Kim." Tugon naman nito kara Sam..
"Salamat/thank you/Kamsamhida/Sayo rin" sabay sabay naman nitong wika. At nagsitawanan pa ang mga loko.
Nagyaya si Marco ng isang dinner kaya lang tumanggi si Gwen dahil maglakad daw sila ni Aljon,Si Sam at Claire naman kailangan pa daw nilang umuwi ng maaga kaya hindi makakasama,Si Kim at Pen naman may kailangan raw puntahan kaya ang resulta kami ni Marco ang magkasama.
Dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant. "Choose what do you want to eat." Nakangiti nitong wika na nakaupo sa katapat kong upuan. "Eh Marco,ang mahal ng lahat nang narito pwede naman kahit toro toro lang." Tila naiilang ko wika.
"Haha! It's just a piece of paper for my pocket,Brienne! And besides ayaw kong tipirin ka." Ako lang ba o ako lang,para kasing may ibang meaning ang sinabi niya.
"Sabi mo yan ha! I want this,this,this and this." Isinantabi ko na lamang ang mga bagay na bumabagabag sa aking isipan.
Agad kong nilantakan ang mga pagkaing nakahain sa aking harapan dahil sa sobrang gutom na naramdaman ko kanina ng maamoy ko ang aroma ng mga pagkaing ito. Amoy palang halatang masarap na😊
Natapos ang dinner namin ni Marco around 9pm and he decided na ihatid ako pauwi tutal siya rin naman daw ang may dahilan kung bakit ako ginabi.
"Thanks for the night,Marco! Nabusog mo ako ng sobra sobra." Wika ko ng makababa na ako sa kaniyang sasakyan. "Ikaw nga dapat ang pasalamatan ko eh! Kasi hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya sa gabing ito." Ayan na naman po siya.. "So pano! Pasok na ako,babye ingat sa pagmamaneho ha." Pagiiba ko ng topic😂.
"Ohh sure! Basta ikaw..goodnight Brienne😉". Hinintay ko munang makaalis si Marco bago ako pumasok ng tuluyan sa aking tahanan.. Bakit kaya ganun na lamang ang epekto ng mga sinasabi sa akin ni Marco para kaseng may pinaghuhugutan siya.
At ako namang si tanga na nag-aasume na para sakin ang mga sinabi niya.. Malay mo diba di naman pala para sa akin yun malay mo he's referring to some other girl.
Pinipilit kong pumikit ngunit di ko magawa..Mukha ni Marco at Josiah ang tanging nakikita ko sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata. I have to choose between Marco and Josiah but it's hard to choose..Urgh I hate this damn feeling.
Sa di malamang dahilan ako'y nakatulog na pala. Nagising ako dahil sa ingay mula sa ibaba. "Iha,hinahanap ka ng mga kaibigan mo nasa ibaba sila." Rinig kong wika ni Yaya Melly.. Ginawa ko na ang dapat kong gawin to make me fresh.. I walked to my closet and choose approprite cloth who make me feel comportable. Isang simpleng Jeans at Shirt lang ang pinili ko. Itinali ko ang aking buhok at saka ako humarap sa malaking salamin sa loob nitong aking silid..
"Ang ganda mo talaga Jemica." Para akong timang na kinakausap ang sarili sa salamin. Nasa hagdan pa lang ako naririnig ko na ang mga bungisngisan nina Claire na nasa Hardin..."Manang Melly pakidalhan naman po kami ng maiinom at desert sa hardin." Magalang kong wika kay Manang Melly.
"Sige Iha!." Sagot naman nito. Habang naglalakad ako papuntang hardin inihahanda ko na rin ang aking sarili para salabungin ang mga halo-halo nilang tanong. "Hi Guys👋!" Panimula ko.
Penelope Point of vIew:
*toot,toot,toot* (tunog kunwari ng phone)
Nagvibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking jeans. Isang mensahe ang aking natanggap mula kay Kier.To: Mr Sungit na Cold na si Kier
Pwede bang ikaw na muna ang magasikaso ng mga papel na nasa ibabaw ng table ko. Masakit kasi ang ulo ko ngayon.
At dahil ako si Pen na mabait agad ko namang sinunod ang utos nang magaling kong Pangulo. Minsan napapaisip ako para kaseng nagiging isa akong alila sa mga pinaggagawa niya di porket may pagtingin ako sa kaniya ay ganyan na siya kung umasta..aba aba di naman patas yun!.
Heto ako maingat na naglalakad pababa ng hagdan nitong BNHS. Kagagaling ko lang sa Faculty para kunin ang mga papeles na sinasabi ni Pangulo. Ayaw ko namang trabahuin ito sa Faculty at tiyak na gagabihin ako.. Takot kaya ako sa multo!
"PEN!" nilingon ko ang taong sumigaw sa napaka-amo kong pangalan. "Oh! Ikaw pala Gwen." Gayak ko naman rito. "Ano ang mga yan?,bagong pinapagawa ni PANGULO."
"Oo eh! May sakit daw kase siya." Wika ko naman. "Alam mo sumama ka nalang sa amin pupunta tayo sa bahay nina Jem. At tayo'y makiki-chika." Ngiting tila isang baliw ang namutawi sa mga labi ni Gwen. "Eh! Paano tung mga papel?"
Kasalukuyan akong lulan ng paboritong sasakyan ni Kim. "Isa ka na bang office alalay Pen! Dinaig mo pa ang isang full time worker ah sa dami niyang papel na dala mo?" Sinungitan ko lamang si Claire sa sinabi niya. "Wag mo nga yang inaano si Pen,Claire! Kita mo ngang namomoblema narin yung tao." Sabat naman ni Sam na siyang ikinatahimik ni Claire.
Narating namin ang bahay ni Jem. Sinalubong kami ni Yaya Melly na may galak sa mukha. Kilalang kilala na kami rito dahil lagi kaming napapagawi rito kapag walang masyadong ginagawa. "Tulungan na kita?".
"Thank you." Pasalamat ko kay Kim. "Bakit nga pala nasa iyo ang mga ito? Nasaan ba si Kier?" Tanong nito habang binabaybay namin ang daan patungong hardin. "Ayun may sakit raw siya kaya kay Pen niya pinaako ang responsibilidad niya." Pagbabara ni Gwen. "GWEN ano kaba?" Suway naman sa kaniya ni Sam."Libreng maging tanga Pen pero wag mo lang gawing araw araw." Pagaaalo sakin ni Kim.
Tinulungan ako nina Jem sa pagaayos ng mga papeles na kailangan ni Pangulo at pagkatapos nito saka si Jem nagkwento about sa nangyari sa kanilang lakad ni Marco.
I'm happy enough to see the curve smile in there face. Kahit yun lang masaya na ako pero sasaya pa sana ako kung mapapasakin siya..Ang pangulo ng aking buhay.
BINABASA MO ANG
I Love Friday
HumorI'm beautiful I have lot of friends Pero may kulang parin na patuloy kong pinupunan. Iyon ay ang pagmamahal mula sa taong matagal ko nang hinahangaan. Siya si Josiah Viernes. Lalaking may angking kagwapuhan ngunit suplado. Hindi niya napapansin ang...