Chapter 24

33 5 0
                                    

Nasa iisang kwarto lang kaming mga girls malaki naman ito at may tatlong kama..Since tatlo lang ang kama eh magkakatabi tabi kami.. Pinagdikit dikit namin ang tatlong kama to make it bigger at para magkasya kami. "I will miss this." Wika ni Gwen. Kahit ako mamimiss din ang araw na ito.. Ang araw na kasama ko sila ang araw na wala ang presensya ni Josiah.

"Kainan na." Sabay sabay naming sigaw sa dining area ng Ingrata Hotels.."Para kang baboy kung kumain no!" Sita ni Claire kay Gerald na akala mo wala nang bukas kung kumain."Gutom ako eh! Pakialam mo ba."

Hinayaan ko lang silang nagtatalo. Napatingin naman ako sa Silent Couple. Mula kahapon hindi kopa naririnig magsalita si Lemuel pero infairness ang sweet nilang dalawa yun nga lang walang bosesan na nagaganap. "Take this." Agad kong inabot ang ibinigay ni Marco. "Eh pagkain mo to.. " Ipinagpalit kase niya ang pagkain ko sa kaniya.. Naka-slice na ang beef ng ibigay niya sa akin.. Minsan talaga napapahanga na ako dito kay Marco noong isang araw ko lang siyang sinagot akalain mo yung hindi niya na ako iniiwan.

"Geste ke yen eh." Pabebe mood goes to Kim.."Pepper wag kang magsalita ng ganyan nagmumukha kang Maine Mendoza." Napasimangot si Kim pero ngumanga siya ng subuan ni Ramil.. May future rin naman ang dalawang to.

"Wag mo munang galawin?" Utos ni Pen kay Kier.. Sweet naman sila katunayan nga kung ano ang gusto ni Pen agad na ibinibigay ni Kier.. Talagang itong si Pen lang ang walang tiwala kay Kier alam ko namang hindi niya ipagpapalit si Pen kay Isabela..

"Pan subuan mo ako.." Parang batang pakiusap ni Gwen kay Aljon.. "Ikaw pa ba Cake."

"Your smiling?" Nabaling naman ang atensyon ko kay Marco.. "Thank you.. Thank you for making me happy." Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil masaya na ako.. Dahil kahit papano nalilimutan ko na ang mga sakit na dinanas ko.. Kahit paano nalilimot ko na rin siya--Si Josiah. "Bakit ka umiiyak?" Tanong sa akin ni Marco.."Umiiyak ako dahil masaya ako.." Niyakap niya ako ng mahigpit.."Kahit na umiyak ka nandito ako upang pahirin ang mga luhang iyan." Napangiti ako ng hinaplos niya ang aking pisngi..


Sana hindi na matapos ang araw na ito. Sana ganito na lang kaming palagi. Muli napatingin na naman ako sa aking mga kasama.. Ibang ngiti ang nakapinta sa kani kanilang labi. Isang ngiting tagumpay! Isang ngiting pulido at hindi peke.. Binuhat ng mga kalalakihan si Marco at ako naman iginayak nina Claire sa dagat. Inihagis nila si Marco sa tubig at ako mas piniling lumusong nalang dahil ayokong matulad kay Gwen na inihagis ni Aljon kahapon.


Ang sarap magtampisaw sa dagat lalo na't kasama mo ang iyong pinakamamahal na kaibigan at ang espesyal na tao para sayo. Marahil sa ganito namin maipapakita na we care for each other.. We just love.


"O-okay ka lang ba?" Umalalay sa akin si Sam ng mabitawan ko ang baso ng tubig. Bigla akong kinabahan dahil sa biglang pagkabasag nito.. "K-kinakabahan ako Sam." Nakahawak parin siya sa akin at nagtatanong ang mga mata."Kinakabahan ako sa biglang pagkabasag ng baso.. " nakatitig lang ako sa bubog na nasa sahig. Pinaupo ako ni Sam at winalis niya ang mga bubog sa sahig.


"Jem! Si Manang Yelly nasa kabilang linya." Patakbo kong tinungo ang telepono ng sabihin iyon ni Pen.. "H-hello p-po Manang." Kinakabahan ako.. "P-po! Pa-panong ho--" Napaupo ako sa sahig at bumugsak ang aking mga luha sa mata. Lumapit sila Gwen at Kim sa akin at nagtanong kong anong nangyare..



"W-wala na siya! Na-aksidente ang sinasakyan niyang sasakyan." Tila nabingi ako sa sobrang ingay.. May sinasabi sila ngunit hindi ko marinig.. Tanging pintig lang ng aking puso ang naririnig kong ingay. Bakit nangyare ang bagay na ito? B-bakit kailangan niya pang mawala.


Bakit kailangan niya pang mamatay.. Iyon na ba ang huli naming pagkikita.. Ang pagpapalam namin sa isa't isa.. Nahihirapan akong huminga napakahirap tanggapin na wala na siya.. Wala na siya! Napahagulgol na lamang ako ng dumating si Marco.. Pag-iyak ang kaya kong gawin ngayon.. Pinapatahan ako ni Marco pero kahit anong gawin ko walang humpay sa pagtulo ang aking mga luha.. "M-Marco *hik* ako ang may kasalanan..*hik* Marco patay na siya.. Namatay siyang hindi kami nagka-ayos *hik* Marco anong gagawin ko." Hinarap niya ako.."Hindi mo kasalanan ang nangyare Brienne.. Hindi mo kasalanan walang may kasalanan.. Aksidente ang lahat."



"Alam mo nasasaktan din ako Brienne.. Nasasaktan ako kapag nakikita kang ganyan." Malumanay ang pagkakasabi ni Marco pero hindi ko yun pinansin.. Nakatitig lang ako sa puntod niya. Kanina pa ako dito. Matapos kase ang ng seremonya para sa libing hindi na ako umalis rito. Lumapit si Kim niyakap niya ako at umiyak naman ako. Nagpaalam siya na aalis na sila tanging tango lang ang  ibinigay ko.



Hanggang ngayon masakit parin sa akin ang pagkawala niya.. It's been a years din niya akong inabandona.. I was too happy ng sabihin niyang uuwi siya pero hindi ko inaasahang ganito ang mangyayare.. Galit ako sa kaniya dahil inabandona niya ako pero naroon parin sa part ko ang guilt dahil namatay siya na hindi man lang naaayos ang kung ano ang meron kami.





"Ganyan din ang naramdaman ko ng iwan kami ng tatay ko." Tiningnan ko si Marco.. Walang humpay sa pagtulo ang aking mga luha.. At sa tuwing may tutulo lagi itong pinupunasan ni Marco. "B-bakit nangyayare ang lahat ng ito?.. B-bakit kinuha agad siya? Marco hindi man lang kami nag-kaayos." Humagulgol na naman ako kaya niyakap ako ni Marco. "Nandito lang ako.. Nandito lang ang yakap ko para pagaanin ang pakiramdam mo." Gumanti ako ng yakap sa kaniya.. Mapalad ako dahil nandito siya hindi niya ako iniwan sa sementeryo. Kahit na pinagtatabuyan ko siya kanina hindi parim siya umalis dahil ayaw niya akong iwan na ganito.





Lumipas ang ilang oras kusa na akong gumayak umuwi.. Narealize ko kaseng kahit  lumuha pa ako ng dugo at maghapong umiyak alam kong hindi niya siya mabubuhay hindi na muling maibabalik ang kaniyang buhay.. Muli kong tinignan ang puntod niya.. "Sana masaya kana sa kung nasaan kaman ngayon.. Thank you Pa.. Maraming salamat sa lahat." Iginayak na ako ni Marco papunta sa kaniyang sasakyan.







Pinahid ko ang huling luha sa aking pisngi. Bukas na bukas kakalimutan ko ang nangyare ito. Dahil alam kong may mga kaibigan din akong nagaalala sa kalagayan ko. Masakit para sa akin ang mawalan ng ama pero hindi ko rin pala alam na may tao rin nasasaktan  dahil sa pinaggagawa ko. Napatingin ako kay Marco. "Salamat dahil hindi mo ako pinabayaan." Ngumiti ako ng totoo and with that dumilim na ang aking paligid.. Bumagsak na ang aking mga makakapal na talukap at tuluyan na akong inlamon ng kaantukan..



*******
Just leave a comment if my tanong kayo.
Paki-vote narin. Thank you😍😘
@DearPIBiloveyou

I Love FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon