Chapter 8

53 4 1
                                    

Ryan Kier Point of View:

Why? Why i feel this guilt? Bakit ako nakokonsensiya sa mga pinagsasabi niya. Bakit ako masasaktan ng ganito? Bakit?

Nasaktan ako ng makita ko ang likidong tumulo galing sa kaniyang mga magandang mata. Bakit ba kase ang tanga mo Kier? Bakit ba kase mas tinuunan mo ng pansin ang isang babaeng di naman kayang suklian ang pagmamahal mo. Isa kang malaking gago Kier.

Kung sana na di ako nabulag edi sana hindi na aabot sa ganito. Napapangiti na lamang ako na para bang isang baliw rito sa bar habang binabalikan ko ang araw ng una naming pagkikita.

*Flashback*

"Hintay naman oh!" Isang tinig ng babae ang nakakuha ng aking pansin. Tumayo ako sa aking pagkakaupo sa damuhan at nakita ko ang isang babaeng may maamong mukha. "Guys! Ano ba?" Napakagandan ng kaniyang mga ngiti--pulidong pulido at hindi peke.

Nang na-elect ako as President laking pagsisisi ko sa posisyon ito dahil hindi ko kayang akuin ang responsibilidad as the President. Magisa kong inaayos ang aking mga gamit sa isang mesa na sa loob nitong faculty. Halos mahulog ako ng lumagabog ang pintuan ng faculty at pumasok ang isang mahinhing babae.

"Sorry po!" Nakayuko ito at laking gulat ko na lamang ng makita ko ang kabuuan ng kaniyang mukha. "Ako nga po pala si Penelope Martinez at akoy narito dahil ako ang iyong Vise Presidente." Nakakatuwang makita ang kaniyang ngiti.

Walang araw at oras na hindi ko siya sinusungitan. Pero hindi siya nagagalit sa halip nagagawa pa niyang ngumiti at tumawa. And with that moment I realize something---ibang iba siya sa kaniya.

Sa tuwing inuutusan ko siya natutuwa akong nakikinig sa kaniyang mga murmuring at reklamo . Lagi kong hinahanap hanap ang palayaw na binigay niya sa akin---PANGULO.

"Alam ko na ang itatawag ko sayo." Tinignan ko lang siya at nagkukunwaring hindi interasado. "Mula ngayon ikaw na si Pangulo,di ba ang ganda?" Gusto kong matawa dahil sa kaniyang pinagsasabi pero sa halip na marawa mas pinili kong sungitan siya.

There's a time na palagi siya ang laman ng isip ko at kaya lagi ko siyang tinatawagan at pinapagawa ng kung ano ano sa faculty kasama ako.. Pasulyap sulyap pa ako habang siya'y kunot na ang noo sa kababasa...

Mas gusto kong lagi ko siyang nakikita at nakakasama. Bakla man pakinggan pero yun ang tunay kong nararamdaman.. I'm deeply inlove with her.

End of Flashback.

Mukhang hindi ko na makikita pang muli ang pulido niyang ngiti dahil sa akin kaya siya nasasaktan.

Jemica Point of View:

Sa di malamang dahilan hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon--Hindi talaga ako mapakali lalo nang mahagip ng aking mga mata ang pwesto ni Josiah at Marco na nakamasid sa akin at tila ba nagtatalo ng tinginan.

"Tila'y bantay sarado ka sa mga manliligaw mo ah?" Bahagya akong nagulat ng biglang bumulong sa aking kanang tenga si Kim. "Wag mo nang tignan,papansin lang yang mga yan...yun ang tignan mo oh! Kanina pa yang titig na titig sa gawi natin." Turo ko sa gawi ni Lummiere. "Pakialam ko dyan?" Pagtatampo naman nito.

"Asus! Pakunwari pa eh halata namang gusto mo yung tao eh." Isang malakas na hampas ang nakuha kong sagot kay Kim. "Aray ko salamat sa hampas mo." Sarcastic kong wika.

"Sipain kaya kita dyan." Sigaw nito sa akin. Lumipat si Rachel kasama sina Katleen at Joara malapit sa pwesto namin. "Hay! Naku daming feelingera sa paligid no!" Pagpaparinig ni Rachel but to be honest hindi ako natatamaan. "Kaya nga eh! Tignan mo namang nagawa pa nilang lumipat ng pwesto para mapansin lang ng mga lalaking sa amin nakatingin." Halos umusok ang ilong nina Rachel habang nakatingin sa gawi ko. Well sorry nalang sira...mga asar talo.

"Ah kaya pala ang haba ng hair mo bruhildang feeling cinderella." Nakakuha ng atensyon si Rachel dahil sa kaniyang sinabi. Ito pala ang gusto niya ang may audience. "Atleast ako feeling cinderella di katulad mong feeling maganda eh wala namang ikakaganda." Anong akala niya pagpapatalo ako..Sorry siya fighter kaya ako.

"Tss! Your so papansin talaga..You attention seeker yuck di na nahiya ang kapal pa ng mukha." Maarteng wika ni Joara. "Mas makapal kaya yung sayo.. Mahadirang Octopus."

"How could you to call me that?" Di ko kapag handaan ng bigla akong sabunutan ni Joara. Mahapdi at masakit na para bang makakalbo ako sakit ng pagsasabunot ni Joara. At dahil ako ay Fighter syempre hindi ako magpapatalo gumanti rin ako ng sabunot sa kaniya.


"Ouch! A-aray ko d-don't t-touch my hair bitch." Maarteng sigaw na daing ni Joara. Nagpagulong gulo kami sa lupa. At dahil inis na inis na ako. Diniinan ko ng malakas ang pagkahawak ko sa buhok niya at pinaikot ko sang aking kamay para mas lalong masakit. "A-aray A-aray."

"Gusto kong ipakain sa iyo yang lupa dahil dyan sa kaartihan mo." Hindi na hawak ni Joara ang aking buhok dahil hawak na niya ngayon ang aking isang kamay na nakasabunot sa kaniyang buhok.. Tumayo ako at hinila siya habang nakasabunot ang aking kamay sa kaniyang buhok. "Let me go?" Palahaw ni Joara.

Mabilis lumipas ang araw naging sikat ako dahil sa pangyayaring yun gusto niyo bang malaman ang kalagayan ni Joara..well she's in the hospital of allmost 1week buti nalang hindi nagdemanda ang kaniyang mga magulang dahil nagamin naman daw si Joara na siya ang nauna.






Nagumpisa na namang umulan badtrip wala akong dalang payong. "Bakit ba sa kung kailan ako walang dalang payong.. saka ka naman bumuhos." I release a deeply sigh. Maghihintay na lang muna ako na tumila ang ulan.







Tumakbo ako sa kabilang building kung saan una kong nakausap ang isang Josiah Viernes.. "Kailan ka kaya titila?" Napatuloy na lamang ako sa paglalakad sa makipot na daanan nitong building--No choose eh ito lang ang paraan para hindi ako mabasa ng ulan.


This place was memorable. Dyan sa postenf bakod na yan! Dyan ko unang nakita ng malapitan ang isang masungit at cold na Josiah Viernes..but with that time nakita ko sa kaniya ang isang bahagi ng kaniyang pagkatao. Childish hindi dahil sa may subo siya ng lollipop kundi sa kabila ng lahat lahat ay nagagawa pa niyang tumawa--kamalasan nga lang at ako ang tanging taong dumanan sa lugar na ito that time.






Pagkadating ko sa bahay as usual si Yaya Melly ang unang sasalubong at babati sa akin. Minsan ko napapaisip ako ano ba ang papel ko sa pamamahay na ito. Inilibot ko ang aking mata sa loob nitong bahay.. Malaki at mapaghahalataang sagana ang aming pamilya sa pera at karangyaan pero para sakin this family I belong is choking me. Nakakasakal hindi dahil strikto sila, Nakakasakal kase wala silang time para sa akin..





Yan! Yang family portrait na nakasabit..Wala naman yang kwenta. "Tss! Useless reunion." Bukangbibig ko dahil sa nakikita kong mga pekeng ngiti sa bawat isang nasa litrato.."Ano ho! Ang gusto niyong ihanda ko Iha." Magiliw na gayak ni Yaya Melly. "Manang ilang beses ko na ho bang sinasabi sa inyo na kausapin niyo bilang kapamilya mo at hindi bilang amo."




"Hay naku! Ikaw talagang bata ka." Niyakap ako ni Manang Melly.. Isang pulido at puno ng pagmamahal ang naramdaman ko sa simpleng yakap na kaniyang ginawa. Hindi katulad ng yakap na natatanggap ko sa aking mga magulang. "Anong balita sa kanila?" Tanong ko kay Manang Melly. "Sa kanila? A-ah hindi daw po sila muna makakauwi hindi pa daw kase tapos ang inaasikaso nila." Umupo ako kaharap si Yaya Melly at sabay na kaming kumain.





Trabaho--yan ang tunay na kapamilya ng mga magulang ko,payaman sila ng payaman eh kung may award lang nga sa Most Workaholic person in the world baka sa kanila pa maibigay.. Mas naging close ko pa nga si Manang Melly na hindi ko kadugo kesa sa kanila.




Ilang taon na ba nila ako iniwan. Hmmm, 7? 13? No! Kung hindi ako nagkakamali it's exactly 15 years..Hmmm..tama 15yrs na nila akong pinagpalit sa pinakamamahal nilang trabaho hindi ko na nga tanda kong ano ang mukha nila. Kung kulubot na ba ang mukha dahil sa stress o kung ano ano pa.







Kahit na ganito ako hindi ko parin maiwasang magalala sa kanila. Eventhough they abondoned me because of there job..Pero hindi ko parin maiwasang makapagisip! Naiisip rin ba nila ako? Nagaalala rin ba sila sa kalagayan ko?...O baka tuluyan na nila akong iniwan..

I Love FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon