Chapter 26

24 3 0
                                    

Malabo ang una kong nakikita hanggang sa luminaw ito.. Madilim at tahimik  na tila inabandonang bodega ang bumungad sa aking harapan ng ilibot ko ang aking paningin.. Ginalaw galaw ko ang aking kamay na nakatali pala sa kinauupuan kong silya pati rin pala ang aking mga paa.. Tila napaghandaan ng kung sino ang bagay na ito.

"Uh!." Daing ko ng maramdaman ko ang higpit ng pagkakatali. Naagaw ang atensyon ko ng may marinig akong yapak. Tanging tunog ng matulis niyang sapatos ang naririnig sa buong bodega. "Long time no see..My Cara." Singtalim pa sa kutsilyo ng tinitigan ko ang taong lumabas sa dilim. "Whay do you want from me?"

"Oh my gosh! Ano nga ba? Actually wala..gusto ko lang makipaglaro sayo." Tila isang leon itong takam na takam sa laman. "Ano namang laro?"

"Pak Ganern.. Hindi ang saya saya noon." Humahakbang siya paunahan papunta sa aking kinalalagyan.. "Diba madaya naman kung---" Napadaing ako sa sakit ng sampalin niya ako. "PAK GANERN. Nakakatuwa ka talaga Jemica.."

Dinuruan ko siya na siyang ikinagalit niya ng lubos. "PAK PAK PAK PAK PAK PAK PAK PAK GANERN." Tila nabali ang aking leeg dahil sa magkakasunod niyang sampal.. Nakalasa ako ng tila lasang bakal mula sa aking labi.. "I like your blush on na with instant lipstick pa." Wika nito habang ginagaya ang sinabi ko sa kaniya noong nakipag-banggaan ako sa kaniya sa parking lot. Alam kong sa sarili ko na sa mga oras na ito wala na akong laban sa kaniya.

"Ano sa pakiramdam ang masampal,Jemica?." Tanong nito. Hinawakan niya ako sa panga at tila piniga ito.. "Ano bang meron ka na wala ako at hanggang ngayon patay na patay parin siya sayo." Kinisian ko lamang siya.."Pure kasi ako.. At maganda." Sa muli sinampal niya na naman ako.

Natumba ang aking kinauupuan kasabay ako.. Pinagtatadyakan niya ako at tila bumabaon sa aking katawan ang talim ng kaniyang sapatos. Wala akong ibang nagawa kundi ang lumuha at taimtim na nanalangin.. "Handa ka na bang harapin ang iyong katapusan." Muling wika nito at lumuhod sa aking harapan. "Hindi ako natatakot sa kamatayan." Dahil sa sinabi ko muli siyang kumilos...

Hinawakan niya ng napakahigpit ang aking buhok at iginayak ako sa isang drum.. Kaya pala may drum rito dahil kailangan niya sa props.. "Ipaparanas ko sayo ang buhay ng isang isda." Dali dali niyang inilublob ang aking mukha sa drum na puno ng tubig. Gusto kong manlaban pero hindi ko magawa nakatali ako at hawak niya ang ulo ko.. Hindi ako makahinga... Mauubusan na ako ng hangin ng bigla niya akong inangat.

"Kamusta ang buhay ng isang isda." Patawa tawa siya habang ako hanap hanap ang sariling hininga.. Panay rin ang pagubo ko. Buong lakas niya akong tinadyakan. Natumba ako at tumama sa kung saan ang aking likod.."A-ah." Daing ko ng may maramdaman akong tumusok sa aking likuran.

"Sayang at hindi ka niya makikitang mamamatay." M-marco,J-Josiah tulungan niyo ako..May nakita akong may kinuha siya at mula sa liwanag ng ilaw kumislap ito.. Umupo siya sa paanan ko at dahan dahang hiniwa ang aking legs.."Ahhhhhhhhhh." Palahaw kong sigaw
.

Isa siyang baliw.. "BWUAAAHHH. Ano na Jemica suko kana ba." Hindi ako makatingin sa kaniyang mga mata. Kinuha niya naman ang isang bakal na tubo.. Isinudsud niya ito sa pader na gumawa ng nakakarinding tunog.. "Ngayon naman ipaparanas ko sayo ang malumpo." Paghingi ng tawad at pakikiusap ang siyang tanging palahaw ko sa tuwing humahagupit sa aking katawan ang bakal na tubo.. Nahihirapan na ako.. Gusto ko nang mamatay.

"Bakit hindi ka lumalaban." Gusto ko sanang sagutin siya ng TANGA KABA KITA MUNANG NAKATALI AKO. Kaya lang hindi ko na itinuloy at baka ano pa ang gawin niya sa akin.

*Blag* Nasa posisyon ng sasaksakin niya ako nang biglang bumukas ang kahoy na pintuan. "Oh the knight and shining armor are here to save their poor little princess." Sabat nito sa mga taong dumating. "Let her go! Carolina." Sigaw ni Marco.. Napaiyak na naman ako ng makita sila.."Pwedeng pagusapan ito Carolina." Sabi naman ni Josiah..Pareho silang pawisan at madungis sigurado akong malaki ang kanilang pinagdaan para makarating sa lugar na ito..



"Walang usapang magaganap.. Dahil sa babaeng ito kaya ako nagkakaganito." Ngayon umiiyak na si Carolina ng makaharap si Josiah.. "Mabuti pang mamatay siya para walang makinabang sa inyo." Ipinikit ko na lamang ang aking mata ng sasaksakin ako ni Carolina.




"Ah- ahhhh." Iminulat ko ang aking mata ng marinig ko ang palahaw ni Carolina.. Kasalukuyang nakikipag-agawan si Marco sa kutsilyong hawak ni Carolina. Agad na hinubad ni Josiah ang kaniyang damit at pinunit ito at siyang itinapal sa binti kong dumurugo dahil sa paghiwa ni Carolina.*Bogsh* bumulagta si Carolima dahil sinapak ito ni Marco..





Lumapit siya at inilalayan akong makatayo. Si Josiah ang kumalas ng tali sa aking kamay at si Marco ang nasa aking paa. "Kaya mo pa bang tumayo?." Tanong ni Josiah.. Naiilang akong tumingin sa kaniyang mata kaya yumuko at umiling na lamang ako sa kaniyang tanong. Inilalayan ako ni Josiah tumayo nagkasukatan pa sila ng titig sa isa't isa bago tuluyang nagtulong upang alalayan ako sa paglalakad..




Si Marco ang sa left at si Josiah ang sa right. "Kung sana umabot kami ng maaga eh di sana hindi ganito ang maaabutan namin." Gusto kong matawa ng sabihin ni Marco ang word na "namin" pero hindi ko nagawa dahil sa kumikirot ang aking hiwa sa binti. "A-ano ba kayo buti nga't buhay pa ako ng abutan niyo." Pabiro kong wika.




"JEMICA" Napatigil kami sa paglakad at humarap sa taong tumawag sa aking pangalan. Tumambad sa aming tatlo ang magulong buhok at madungis na mukha ni Carolina pero mas tumindig ang balahibo ko ng makita kong may hawak siyang dalawang baril.. "Akala niyo ba'y makakaalis kayo ng ganun ganun nalang.. Pwes nagkakamali kayo." Humalakhak siya na para bang huli na niyang hininga.. "Carolina put that guns down." Sabat ni Josiah.."Mapaguusapan ang lahat." Pangalawa ni Marco.




Pero tila bingi si Carolina. "Magkita kita nalang tayo sa impyerno." Sa pagkasabi niyang yun tila tumigil ang buong mundo ko..

*Bang* *Bang*

Dalawang putok ng baril ang aking narinig.. Napatumba kaming tatlo napahawak ako sa aking dibdib at nanlabo ang aking paningin.. "Patawad."

I Love FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon