Gwen Point of View:
"Pan,Hindi ba tayo lalabas ngayon?" Malambing kong tanong kay Aljon. Pero ang loko di man lang ako pinansin. "This past few days kase napapansin kong lagi kang busy! Ano ba kase yang ginagawa mo?" Gaya ng nauna. Deadma na naman ako.. "ALAM MO PAN KAPAG DI MO AKO PINANSIN IHAHAMBALOS KO SAYO ITONG INUUPUAN KO."
Napatakip ito sa kaniyang magkabilang tenga dahil sa sigaw ko. "Sorry! Cake may tinatapos lang kaseng project para kay Mrs. Sanchez." So yun na yun! Yun na yun ang sagot niya sa aking tanong.
Padabog akong tumayo at inilisan ang parking bench na kinauupuan namin. Nagtatampo ako dahil hindi niya man lang pinagtutuunan ng oras ang relasyon namin.
Flashback
Kagagaling ko lang ng cr dahil naghilamos ako para maalis ang mga makeup sa aking mukha. Matapos kase ng parade dumiretso na ako rito and besides hindi ako sanay na may mga ganitong kuloreti sa aking mukha.
Agad kong nakita na makakasalubong ko si Aljon kaya dali dali akong naghanap ng mapagtataguan. Isiniksik ko ang aking sarili sa espasyo sa pagitan ng dalawang pader. Tiis ganda akong namamalagi rito sa maiinit na espasyo. At yun agad kong kinunan ng litrato si Aljon ng dumaan ito sa aking pinagtataguan.
Nag masigurong nakaalis na sila ay agad akong lumabas,pinunasan ko ang aking noo na may tumutulong pawis. "Maganda ka pa rin kahit pawisan." Isang malambing na tinig ang aking narinig mula sa aking likuran. Kinakabahan akong lumingin at laking gulat ko ng makita si Aljon na nakasandal sa may pader malapit sa aking pinagtaguan. "Akala mo siguro hindi kita nakita na nagtago ka sa espayong ito,akalain mo yun napagkasya mo ang iyong sarili sa maliit na espayong ito."
"Ofcourse! Sexy kaya ako." Tila namumula na ako sa kahihiyan. Bakit ba kase ang tanga mo Gwendolyn,bakit kapa kase nagtago? Bakit ba kase apektado sa presensiya niya?. "Haha! Mas lalo kang nagiging cute kapag namumula." Automitic na napa-freeze ako dahil sa kaniyang sinabi. Gusto kong sumigaw dahil sa sobrang kilig.
"H-huh? A-ako cute telege." Hindi ko maatip na magpa-cute sa kaniya. Ultimo ang pabebe voice pa ako na siya namang ikinatuwa niya.. Pumunta kami sa bench upang duon ipagpatuloy ang naudlot naming convo. "I like you." Agad akong nagulat sa mga katagang lumabas sa kaniyang bibig. "Y-you l-like me?" Tila isang daang kabayo ang nagkakarera sa aking kaloob-looban.
Tumango ito at saka ngumiti. "Simula noong nakita kita sa loob ng classroom lagi na kitang binabantayan sa bawat oras na aalis ka sa room at alam mo ba kung bakit kita napansin dahil kase sa height mong pangmalakasan." Okay na sana..okay na sana kaya lang may kasama palang pangiinsulto. "Likas na sa amin ang ganitong height hindi naman ako masyadong mababa diba?"
"Iba ka kase sa kanila." Bigla niyang wika. H-huh hindi ko maintindihan. "Your so special thats why I like you.
Ilang araw na ang lumipas ng mula ng mag-amin si Aljon sa akin. Dahil ako si Gwendolyn Sandoval agad ko siyang sinagot dahil dun rin naman yun pupunta. "What do you want na maging tawagan natin..hunnybunch,cookies and cream,teddybear,sweetcake---" agad niyang pinutol ang sinasabi ko. "How about Pan and Cake di ba ang ganda."
"Pan and cake! Saan mo naman yan nakuha?" Tila napapaisip ako ngayon ah. "It's very simple,it came from a word pancake..diba we both love eating pancake." Tama! Tama siya we like eating pancake. "Ikaw si Pan at ako si Cake." Sabi ko na siya namang ikinangiti niya.
End of Flasback
Papadyak padyak ako sa mga damong natatapakan ko. "Maawa ka naman sa damo?" Inirapan ko lang ang taong nagsakita. "Pake mo ba?"
"Porket walang kalaban laban sayo yang damo sa kaniya muna ibinubuntong ang galit mo." Ang daldal ah.. "So! Baka gusto ko ikaw ang pagbuntungan ng galit ko..Umayos ka Pan ah at baka masapak kita."
"Nagtatampo kaba Cake sa nangyare kanina." Umatras ako ng humakbang siya ng ilang pulgada dahil kalamyasan siya--wala na akong magawa ng yakapin niya ako. "Sorry na Cake,deadline na kase mamaya kay minamadali ko nang tapusin ang proyektong iyon.Promise next time lalabas tayo." Kung hindi lang malambing si Aljon baka iniwan ko na siya--buti nalang mahal na mahal ko siya.
"Promise mo yan ah!" Sabi ko ng tila nagtatampo. "Oo naman,So bati na tayo?" Tango lang ang isinagot sa kaniyang tanong at ang loko lumundag lundag pa.. Hay! Pan how can I live without you? Oh! Taray diba. Kanta kaya yun😉.
Penelope Point of View:
Ilang linggo, Ilang linggo na ngaba na di siya nagpaparamdam,kung dati tuwing weekends narito siya busy sa aking harapan upang halungkatin ang mga papel na nakalagay sa kaniyang desk. Pero bakit ngayon di na siya ngpapakita sa akin. Ang dating mga papel na inilagay ko sa kaniyang table ganun parin ang ayos parang nadagdagan pa nga yata.
"Pangulo! Nasaan kana ba,pinagaalala mo ako ng sobra." Nagpabuntong hininga na lamang ako dahil sa pagiisip sa kaniya. Wala akong maisip na dahilan bakit siya biglang nawala na parang bula. "Ang daya daya mo Kier! Ultimo sulat wala kang iniwan,nagmumukha tuloy akong isang tangang magisa sa kakaisip sayo."
"Talaga bang magmumukmok ka na lamang dyan at hahayaan mo ang mga papeles na magsikalat sa sahig." Agad akong natumba sa aking kinauupuan ng marinig ko ang boses ng taong kanina lamang ay nasa loob ng aking isipan. "H-huh?"
"Ilang linggo akong nawala sa kadahilanang naghahanap ako ng kasagutan sa mga tanong na umiikot ikot sa aking isipan kaya pagpaumanhin mo kung pinagiisip kita at iniwan ko saiyo ang mga responsabilidad na dapat ay gawain ng isang PANGULO." Hindi ko alam pero mukhang pinagsukluban siya ng mundo habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.
"You don't need to be apologize Kier ,cause we both know na karapatan kong damayan ka sa mga responsabilities na nakalata sayo remember I am your Vise Presidente." Hindi ko maalis aking mga mata sa kaniya. Naaawa ako sa itsura niya,namimiss ko na ang supladong aura na bumabalot sa kaniya. Kier! What happen to you?
"Patawad dahil nasaktan kita. Noong umalis ako nahanap kuna ang sagot sa aking katanungan at alam mo ba kung ano iyon. Ikaw Penelope Martinez--ikaw ang liwanag ng madilim kong lugar kaya sana mapatawad mo ako." Hindi maipaliwanag ang saya na aking nadarama. First time niya akong tawagin sa buo kong pangalan. "Hindi naman ako galit sayo Kier,sa katutuhanan ngang namiss kita. At oo pinapatawad na kita dahil hindi naman big deal sa akin ang naganap sa ating dalawa."
Ngumiti sa akin si Kier--Lumitaw ang kaniyang mapuputi at pantay na mga ngipin,kumikinang rin ang kaniyang mata dahil sa saya. Lumapit ako sa kaniyang kinatatayuan. At dahil mas matangkad siya sa akin tumingkayad ako at inilapat ko ang aking labi sa kaniya.
Walang tutumbas sa saya na aking nararamdam sa mga oras na ito dahil alam ko sa sarili ko na akin na siya..."Akin kana Pangulo."
BINABASA MO ANG
I Love Friday
HumorI'm beautiful I have lot of friends Pero may kulang parin na patuloy kong pinupunan. Iyon ay ang pagmamahal mula sa taong matagal ko nang hinahangaan. Siya si Josiah Viernes. Lalaking may angking kagwapuhan ngunit suplado. Hindi niya napapansin ang...