Chapter 18

27 4 0
                                    

One month palang ang aming relasyon ngunit kaagad na kaming pinaghiwalay ni tadhana. Pangalawang heartbreak ko na ito bakit pa kase hindi na ako nadala. Kasalukuyan ko ngayong iniimpake ang aking mga gamit.. "Buo na ba ang iyong pasya?" There he is.. Nakasandal sa may pintuan nitong aking silid. "Oo eh.. Kailan ko muna ng malibang at makaiwas sa kaniya." Lumapit siya sa akin at umupo sa aking harapan.



"Anong sasabihin ko sa kanila kapag hinanap ka nila? Tiyak akong magaalala ang mga iyon." Saglit akong napatigil at tumingin sa kaniya.. "Ikaw na ang bahala sabihin mong nag-out of town lang ako."




Hinatid niya ako sa sakayan ng bus.. At mula sa aking kinauupuan kumaway ako sa kaniya.. "Magiingat ka Jemica." Wika nito sa akin.. "Ikaw rin Xymon." Hindi ko na siya naaninagan ng magumpisa nang umandar ang bus na aking kinasasakyan.



Gusto ko munang magbaksyon at mabigyang linaw ang mga pangyayari. Matapos ng insidenteng iyon hindi na kami nagkita pa ni Josiah at laging si Marco ang nandyan para sa akin. Bakit pa kase ako nagbulag bulagan noon.. Bakit ko pa pinili si Josiah.. Sinaktan ko pa ang kaisa isang taong nandyan lagi para sa akin.




Mahigit tatlong oras lang naman ang byahe. Sumalubong sa akin ang sariwang hangin ng makababa ako sa bus. Pumunta ako kaagad sa nag-aassist ng guest. I paid at ibinigay na sa akin ang susi ng magiging lodge ko.. Agad akong lumabas ng mapasok ko ang aking mga gamit. Maguumpisa na ang kinahihintay ko.. Ang muling masilayaan ang papalubog na araw.





Hindi ko maiwasang maalaala ang huli naming pagkakasama ni Josiah parang kahapun lang. Dinala niya ako sa burol at sabay na hinintay ang paglubog ng araw. "May pagasa pa ba na maisalba ang relasyon natin." Para na akong tanga kagaya ng palaging sinasabi sa akin ni Marco habang nakikita niya akong kinakausap ang aking sarili. Hawak hawak ko ngayon ang kwintas na ibinigay sa akin ni Josiah.



Akala ko itinadhana na kami pero hindi rin pala.. Totoo talaga ang sinasabi nilang mapaglaro ang tadhana.. Napabuntong hininga na lamang ako. Kinuha ko ang aking cellphone at tadtad rito ang 32miss calls na galing sa mga kaibigan ko. At nagunguna na dun si Samantha at Kim. Ang dami ko ring natanggap na text mula kay Marco,Gwen,Claire at Pen.. Even Lummiere,Gerald at Kier tila nagaalala na rin sa akin dahil sa biglan kong pagalis.





Napangiti ako ng mapakla habang inaalala ang matatamis naming samahan. "Tila ito na yata ang hudyat na kailangan na kitang burahin My Agi." Tumayo na ako at dumiretso sa aking lodge.. Kailan ko nang magpahinga dahil siguradong may panibagong bukas na naman akong kahaharapin..







Kimberly Point of View:

"Ano to?" Tanong ko sa kaniya habang sinururi ang isang supot na bigay niya.. "Tomato seeds." Napangiwi ako ng labi sa kaniyang sagot. "Para saan naman?" Tanong kong muli.





"Pamalit para sa alaga mong kamatis na si Crumsy tutal sabi mo kasing cute ko ang kamatis na yun kapag namumula." Loko talagang lalaking to.. "Loko loko ka talaga Lummiere pati pala yun tandang tanda mo pa.. Oh sige na itatanim ko na itong bigay mo at baka magtampo kapa." Inilagay ko sa aking bag ang supot na ibinigay niya..







"Ang sweet niyo naman." Napatingin kami pareho sa taong nagsalita.. "Kayo pala Kier,Pen." Bati ko sa mga ito. At aba magka-holding hands pa ang dalawa. "May balita na ba kayo kay Jem?" Si Kier ang unang nagsalita. Kumibit balikat na lamang ako dahil kahit ako walang alam.







"Ngayon ang buwanang pagpapalit ng ranking.. Napaskil na ito ng aming kasamahan kanina. Hindi ba kayo sasama?" Excited na akong makita ang bagong ranking. Hinila ko si Ramil at sabay sabay na naming tinungo ang bulletin board.






Nadatnan namin dun sira Claire at Gwen kasama si Aljon.. Walang masyadong tao kaya nakalapit kaagad kami sa ranking. "Gosh!" Bulalas ko..

1. Penelope Martinez
2. Ryan Kier Gleabo
3. Josiah Viernes
4. Gwendolyn Sandoval
5. Aljon Reyes
6. Claire dela Garza
7. Lemuel Azares
8. Katleen So
9. Carolina Rogacion
10. Ramil Lummiere
11. Kimberly Daine Buenavista
12. Jemica Brienne Samonte
13. Marco Rosales
14. Gerald Mohr
15. Samantha Perez.

"Bumaba yata si Sam,even Jem." Komento ko.. "Wala tayong magagawa dahil yan ang ranking atleast pasok sila diba.". Positive thinking talaga itong si Pen.. "Sabihin mo natalo mo si Kier. Congrats for being top 1,Penelope." Napangiti at sabay na niyakap si Kier. "One point lang naman ang lamang niya sa akin.. Kimberly kaya niya ako nalamangan." Depensa naman ni Kier






Puno ng tawanan kaming lahat pero yun parin ang parte na nangungulila kami sa presensiya ni Jemica. "Guys look diba si Josiah at Carolina yun." Tinignan ko ang tinuturo niya and yes it was Carolina pero bakit kasama niya si Josiah. "Bakit parang ang sweet nila?" Tila ako naguguluhan sa inaakto nilang dalawa.





"Saan ang punta mo?" Tanong ko kay Ramil ng tumayo ito. "Saglit lang ako.. Tuturuan ko lang ng leksyon ang lalaking yun." Sinuway ko ito pero tila ayaw magpatigil.. Nagulat kaming lahat ng biglang bumulagta si Josiah.. "What's wrong with you?" Agad naman akong dumalo at inawat si Lummiere na muli na namang papaunlakan ng suntok si Josiah. "Ikaw! Ugly Girl ilayo mo ngayang eskandaloso mong boyfriend pasalamat ka pinatulan ka niyan." Aba naginsulto pa ang isang ito.





Kinuha ko ang juice mula sa table na malapit sa kinatatayuan ko at ibinuhos kay Carolina. "Malamig hindi ba.. Ganyan ka diba kaya kung saan saan ka sumasama para magpainit." Akmang sasabunutan ako nito ng pigilan ito ni Josiah. "Wag mong pag-aksayahan ng oras ang mga less educated na tao." Nag-pantig ang aking tenga..





"At kami pa ang less educated sa paningin mo.. Ikaw nga itong nanakit sa kaibigan ko tapos wala pang isang linggo sa linta ka naman dumidikit." Inaawat ako ni Pen at Gwen pero hindi ko ito pinansin. Gumawi ako sa pwesto ni Carolina.. "Believe din naman talaga ako sa fighting spirit mo ano. Grabe ikaw na girl, ikaw na ikaw na.. Napaka-kati mo talaga lahat hahamakin mapasukan ka lang." Nanggigigil akong tinignan ni Carolina pero ibinalingan ko si Josiah.. "Sana balang araw matauhan ka sa babaeng kasama mo."





Hinila na ako ni Ramil palayo sa kanila at di ko mapigilang mapaluha.. Niyakap ako ni Ramil at hinahagod naman ni Pen at Gwen ang aking likuran.. "Wag kang magalala Jem.. Hahanap kami ng paraan upang malinis ang iyong pangalan."

I Love FridayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon