Claire Point of View:
Ang one week vacation dapat namin sa Isla Ingrata ay nauwi sa 2days. Hay! Minsan nga lang kaming magkakasama tapos naudlot pa. Agad kong kinuha ang kahon na nasa ilalim ng drawer ko. Ito ang mga sulat na bigay sa akin ni Gerald. Nagkukunwari akong itinatapon ang mga ito at isinusunog sa likod ng BNHS pero ang totoo itinatabi ko ang lahat ng natanggap ko..Bibihira na lang sa panahon ngayon ang mag-eeffort ng ganito kaya bilang isang babae dapat itong i-appreciate.
Nabasa kuna ang iba sa sulat na narito at pawang puro katatawanan at bulahan lang ang mga nakasulat pero may isang sulat akong nakakuha ng atensyon ko. Kinuha ko ito at binuksan. It was color pink na sobre and then special paper yung papel na nasa loob...
To: Claire
Gusto ko lang sabihin sayo na masaya ako dahil nakilala kita. Masaya ako dahil nakikita kitang masaya kapag kasama ako. Pero alam mo ba na kahit na nasasaktan mo ako hindi ko iyon iniinda dahil ayokong layuan mo ako.. Mahal kita Claire pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sana mabasa mo ang sulat na ito at baka malay mo sagutin muna ako☺😉.
Nagmamahal: Mohr pamore.Loko loko talaga ang isang iyon.. Mohr pa more.. Napatulala ako at biglang napaisip..
"Hoy! Claire." Agad kong dinamba ng yakap si Jem ng makita ko ito.. Ito lang ang kase ang kaya kong ibigay--like duhh! I'm not good in making advice kaya. Alam kong masakit para sa kaniya ang nangyare marahil kapag nasa ganoon din akong kalagayan ganun din ang gagawin ko--ang umiyak. "Okay kana ba?" Panimula kong tanong ng makaupo kami. Tumango ito at biglang ngumiti na parang asong ulol.
"Hi Claire." Bati ng kung sino. "Ano na namang ginagawa mo rito?" As always mataray kong bungad sa kaniya. "Ang aga aga ang taray taray muna.. Di naman kita inaano dyan.. Makaalis na nga." Hindi ko alam pero para akong nasaktan sa huli niyang sinabi.. Nagpaalam ako kay Jemica at hinabol ko si Gerald na ang bilis kong maglakad.
"Hoy! Bakulaw.. Galit kaba?" Tanong ko ng mahablot ang kaniyang kamay. "Nasasaktan na kase ako Claire." Ang weird niya today pati na rin ako nawe-weirduhan sa sarili ko. Dati dati wala naman akong pakialam sa kaniya but for now--Urgh nakakainis. "Ano na namang drama yan Mohr." I tried to make the atmosphere soft.
"Minsan ba napapaisip ka..kung may nararamdaman ka para sa isang tao." Oo meron akong nararamdaman. Yumuko lang ako dahil kahit ako hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. "Claire mahal mo ba ako?" E-ewan hindi ko alam Gerald.
"Sabi ko na nga ba..hindi mo kaya akong mahalin." Agad ko siyang binato ng bato ng magumpisa na naman itong maglakad. "Nakakainis ka hindi mo pa nga naririnig ang sagot ko aalis kana kaagad." Tila nagtatampo kong pahayag. "Bakit ano ba ang sagot mo?" Naghihintay nitong tanong.. "Y-yes! Oo I think I'm fallin' with you.. Hindi ko alam sa sarili ko pero napapangiti ako kapag kasama kita. Masaya ako kapag masaya ka.. Marahil yun na----" Hindi ko na nagawang matapos ang aking sasabihin ng bigla niya akong buhatin.. "Yes yes yes yes.. Thank you Claire." Sigaw ni Mohr.. Pinagtitinginan na kami ng mga studyante sa loob nitong BNHS.."Ibaba muna nga ako bakulaw.. Nakakahiya na oh." Sinunod niya naman kaagad ang request ko.. Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.. He kissed hindi ko alam pero gumaganti na pala ako sa mga halik niya... May kung anong gustong kumawala sa kaloob looban ko.. Marahil ito na ang tinatawag nilang butterfly on my
stomach.Panay ang hiyawan ng mga studyante at sa pangunguna yun nina Ramil at Kim.. Hindi namin pinuputol ang aming halikan..Tila huminto ang mga oras habang nagkakalapat ang aming mga labi wala rin akong ibang naririnig kundi ang pintig ng aming puso.. Ayon nga sa isang palabas na pinagbibidahan ni Kris Bernal lagi niyang sinasabi ang dalawang salita na hinding hindi ko malilimutan..Happy Lang.
Jemica Point of View:
Masaya ako para kay Claire at sa wakas nakita niya na rin ang taong magmamahal sa kaniya. Sabi ko na nga ba bagay silang dalawa... Nasa kalagitnaan ako ng pagngiti ng tumunog ang aking smartphone.
Galing ito kay Josiah at nagsasabing kailangan naming magusap sa rooftop. Nakipagsiksikan ako sa mga taong narito sa field upang makidaan papuntang rooftop.
Hindi ko nakita si Marco ngayong araw. Ano kayang nangyari dun. Namiss ko tuloy siya.
Dahan dahan akong humahakbang sa hagdan patungong rooftop.. Tanging tunog lang ng sapatos ang siyang naririnig kong tumatama sa hagdan.Agad na tinangay ng hangin ang aking buhok ng buksan ko ang pintuang patungong rooftop. Sariwa ang hangin sa lugar na ito. Nilinga linga ko ang aking paningin pero walang bulto ni Josiah akong nakita. Marahil niloloko niya lang ako.
Lumapit ako sa railings at mula rito kita ko ang kaguluhang ginawa nina Claire at Gerald. Hindi parin humuhupa ang mga taong nakikisusyo sa kanilang kaganapan. Hindi ko namalayang napangiti naman ako. Masaya lang kaseng isipin na may isa na naman sa kaibigan mo ang naging masaya.
Speaking of masaya.. Ilang araw na akong masaya dahil hindi ko na muling nakikita ang demonyang si Carolina na walang ibang ginawa kundi banggain ako.
Ilang oras na muna akong naghintay dahil sa pagbabasakaling may Josiah na magpapakita sa akin pero bigo na naman ako. Dahil walang Josiah na dumating.
Pipihitin kuna sana ang pintuan ng bigla akong nakaramdaman ng matinding kirot sa likurang parte ng aking ulo. Napaupo ako at napakapit sa pintuang bakal ng rooftop.
"Hi my Cara." Muli akong napalingon sa kaniyang gawi. May hawak siyang tubo marahil yun ang ginamit niyang pamukpok sa akin. May malagkit na rin akong nararamdamang tumutulo sa aking noo. Hinawakan ko ito at isang likidong pula ang nakita ko..--dugo.
Nanlabo ang aking mata bumagsak ako at napahiga. Gusto ko pang magising pero tila ang diwa ko na mismo ang nagpasya na matulog ako.. Before my vision turn to black nakita kong binuhat niya ako at bumababa kami ng hagdan.. And with that hindi ko na alam ang sumunod na nangyare. "Marco help me." Sigaw ko sa aking isipan.
********
Ano kayang mangyayare kay Jemica? Sino kaya ang kumuha sa kaniya?
BINABASA MO ANG
I Love Friday
ЮморI'm beautiful I have lot of friends Pero may kulang parin na patuloy kong pinupunan. Iyon ay ang pagmamahal mula sa taong matagal ko nang hinahangaan. Siya si Josiah Viernes. Lalaking may angking kagwapuhan ngunit suplado. Hindi niya napapansin ang...