Jemica Point of View:
Binigyan ng sapat na araw si Carolina na magbakasyon ni Dean.. Dahil sa kaniyang ginawa buti na lamang inamin niya rin na siya ang may pakana.. And now payapa na ako at kaming mga kaibigan ko.
"Nasan ang iba?" Tanong sa akin ni Marco. Kanina pa kami naghihintay rito sa labas ng aming bahay.. Napagpasyahan kase naming maghang-out--mag bonding.. And I suggest na sa Isla Ingrata na lamang kaming pumunta and then pumayag naman sila.."Parating na sila..Nandyan na sila Pen." Nakasimangot si Penelope ng makalapit ito sa akin at niyakap ako."What's that face?" Tanong ko.."Ito kaseng si Kier eh ang sweet sweet kay Isabela."
"You mean Isabela Antonette Wilson?." Tumango naman ito.. "Hey Kier wag mong saktan itong si Penelope..Tatabasin ko niyang pahaba mo." Napatawa si Marco at si Kier sabay saludo.."At your service." Tinapik ko si Pen.. Inalalayan ito ni Kier ng makitang nahihirapan itong ilagay sa likod ng van ang kaniyang bag.."Hello Universe."
"Ramil and Kim." Sinalubong namin sila ni Pen.. Kimberly was wearing a simple t-shirt and a mini skirt.. Habang si Ramil naka-topless.. Shit ang abs.. Pero mas hot si Marco sa kaniya.."Where's Gwendolyn?" Tanong ni Kim sa amin.."Ah Salt makilagay naman ito sa likod ng Van." Lumapit si Ramil at kinuha ang bag na dala ni Kim.."Thank you Salt." Agad naman sumagot si Ramil.."Welcome Pepper." Salt and Pepper what a nice endearments.
"Pan hintayin mo naman ako." Agad na hinubad ni Gwen ang kanihang heels para mahabol si Aljon.. "Anong ganap at bakit nag-heels kapa?" Tanong ni Kim sabay sipat mula ulo hanggang paa.."Hayaan niyo na ako kahit sa ganito ko lang mararanasang matangkad ako." Nagsitawanan kami.. Sumunod na dumating si Samantha kasunod si Lemuel.. Agad kong hinila si Sam ng makalayo sa kaniya si Lemuel.."Anong meron sa inyo ah?" Namula si Sam at sabay na yumuko..Pinulupot ko sa kaniyang leeg ang aking braso at sabay sabing.."Welcome to the world." Napatawa naman kami.
"Ano ba! Kanina kapa ah isa pa..isang isa nalang sasapakin na kita." Nabaling naman ang aming atensyon sa dalawang taong nagtatalo.."Ano nga kase ang madadala niyang bagahe mo." Tumigil sa paglalakad si Claire at hinarap si Gerald.."May mga kamay ako Gerald.. See nagagamit ko naman sila kaya don't need okay."
"Ang harsh mo girl." Bulong namin kay Claire ng lumapit ito samin.."Mabuti na yan ng layuan na niya ako." Nagkwentuhan lang kami sa buong byahe..
Bale labindalawa kaming lahat.. Nasa front seat ako since si Marco ang nag-dadrive.. Magkatabi sina Kim at Ramil na nasa kaliwang bahagi.. Habang sina Pen at Kier ay nasa kanang bahagi.. Sa likuran naman nila nandoon sina Samantha at Lemuel pati na rin sila Claire at Gerald.. Sayang at hindi ko makikitang nagbabakbakan ang dalawang yun..
"Here we go! ISLA INGRATA hintayin mo kami dyan.." Napuno ng ingay ang loob ng van dahil sa sigaw ni Marco.. Napangiti naman ako dahil kahit sa ganitong paraan muli kaming nagsama sama at kasama pa ang mga irog.. Hinawakan ko ang isang kamay ni Marco at sabay naming tinanaw ang papataas na araw.. Another day! Sana maging masaya ang bonding na ito.
"Gaga ka talaga Jem. Ba't dimo kami ininform na ganito pala kaganda ang pinagtaguan mo." Binatukan ako ni Claire ng makababa kami sa van.. Ang mga boys na ang nagdala ng aming mga bagahe binigay na rin namin ang mga susi para sa gagamiting rooms."Surprise nga diba."
"May mga gwapo ba dito?" Muntik na akong mabulunan ng kinakain kong turon na bigay ni Samantha dahil sa tanong ni Claire. "Actually meron.. Hmm ayun oh!." Napangiwi siya ng sundan niya ng tingin ang aking tinuturo. "Wag yan..wala na bang iba gusto ko yung may abs." Ang arte ah.. "Abs? Abs ba kamo, meron ako niyan." Inirapan ni Claire si Gerald ng malapit ito.
"Pwede ba lumayo layo ka dito Mohr.. Masyadong kumakalat yang bad vibes na dala mo." Hindi maalis ang mga ngiti sa mukha ni Gerald. "Asuss Kunwari kapang pinagtatabuyan ako pero deep inside alam kong hinahanap hanap mo ako.. Noong isang araw nga----" Agad na isinubo ni Claire ang turon sa bunganga ni Gerald kaya natigilan ito sa pagsasalita.. Nabilauan ito kaya inabutan ko ng tubig. "Ano ang nangyare noong isang araw?" Nakangiti kong tanong.."W-wala! Hoy bakulaw na walang abs.. Subukan mong ituloy tatampasin ko yang bunganga mo." Nag-walk out si Claire at sinundan naman ni Gerald.
Pag-yung dalawa nagkatuluyan ewan ko na lang. "Musta ang kain?" Tinignan ko si Marco."Gusto mo." Alok ko ng turon ngumanga siya kaya isinubo ko ang isang turon.. Nakangiting inginuya niya iyon."Sana ganito na lang lagi tayo." Wala sa sarili kong tugon.. "Shh! Narito tayo upang magsaya at hindi magdrama." Pinahilig niya ko sa kaniyang balikat..
Nagpaunahan sina Gwen,at Kim patungong dagat habang ako,si Pen at Sam ay nagaayos ng mga pagkain."Hoy bakulaw luto na ba yang Hotdog?" Muli na naman akong napatingin sa matinis na boses ni Claire. "Di pa! Pero yung akin lutong luto na." Hinampas ni Claire ng pinya si Gerald ng marealize nito ang sinabi ni Gerald.. Napapailing na lamang ako sa dalawang ito..
"Ano ba yan Pen..dahan dahan naman di kaba naawa dyan sa patatas."
"H-huh? May sinasabi kayo?" Lutang si Girl.."Wala sabi ko gusto daw ng kiss ni Kier." Dali daling tumayo si Pen at pinuntahan si Kier na lumuluto ng Barbeque.. Hay! "Sam kanina pa yang nakatingin sayo." Pasimpleng iginala ni Sam ang kaniyang mata at nakita niya si Lemuel na kanina pa nakatingin sa gawi namin. "Hayaan mo lang siya." Nasabi na lamang nito.
"Guys tara na't maligo.. Ang sarap mag-swim swim swim swim swim." Wika ni Kim habang nagsasayaw.. "Kanina pa ako nagseselos sa kanila kase dyan sa suot mo." Tila nagtatampong wika ni Ramil. "Alam mo Salt hindi muna kailangang magselos pa dahil hanggang tingin lang ang mga yan.." Napangiti si Ramil. "Isang kiss nga dyan." Agad namang tinalima ni Kim.. Ang sweet sweet naman nila.
"Ibaba mo na ako Pan." Sigaw naman ni Gwen ng buhatin ito ni Aljon at sabay na inihagis sa tubig. "Ikaw talaga." Panay ang tawa namin ng hindi mabuhat ni Gwen si Aljon.. Tumatawa ako dahil masaya ako. Masaya ako dahil kasama ko sila..
*******
For more katanungan just leave a comment and forget to hit the vote button😉
BINABASA MO ANG
I Love Friday
HumorI'm beautiful I have lot of friends Pero may kulang parin na patuloy kong pinupunan. Iyon ay ang pagmamahal mula sa taong matagal ko nang hinahangaan. Siya si Josiah Viernes. Lalaking may angking kagwapuhan ngunit suplado. Hindi niya napapansin ang...