Chapter Six

2.9K 55 2
                                    

Chapter Six
  • Red Eyes


Alex’s Point of view

Lumabas na ako at tumakbo papuntang 1st village. Syempre! Dun ako dumaan sa daan na hindi nakikita nung CCTV.

Hindi ako takot na baka may mangyareng masama sakin.

Noong highschool pa kami ni Sherley, wala pa kaming direksyon sa buhay nung mga panahong iyon.

Naisip naming maging gangsters. At dun sa sasalihan sana naming gang ay may initiation.

Nagtraining kami dun ng limang buwan. Kami ang pinakamagaling sa mga sumali pero nung malaman kong may kapatid pala si Sherley, di kami tumuloy.

Baka malagay pa sa panganib si Shella. Oo, meron rin akong kapatid pero walang may alam nun kaya hindi siya malalagay sa panganib.

Nahirapan kaming makatakas buti nalang tinulungan kami nung mga gusto ring sumali. Syempre, kailangan nilang mawala kami para makapasok sila.

Nang makarating na ako dun sa eskinita eh may nakita akong 5 nakamask pero yung isa, may balot sa katawan. Lumapit na ako sakanila.

“I’m the one who invited you to join this organization” sabi nung nakamask na nakabalot ang katawan.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Lahat ng mask nila ay yung mask na mata lang ang natatakpan. Ako lang yata yung hindi nakatakip ng mata.

Bakit ko tatakpan? Maganda naman ang mga mata ko. Lalo na kapag hindi ko suot ang contact lenses ko.

Yes, nakacontact lenses lang ako.

Ang totoong kulay ng mata ko is red. Ang kulay ng lenses ko ay brown. Pero tinatanggal ko lang yun kapag matutulog na ako.

Di naman mahalata ni Sherley dahil gabi na kapag tinatanggal ko.

Sumusuot ako ng lenses dahil bawal malaman ng ibang tao na ganun ang mata ko. May naghahanap daw sakin.

Yun din ang dahilan kung bakit kami iniwan ni Mama noon. Alam niyang may masasamang tao ang naghahanap sa anak ng asawa niya na may ibang kulay ang mata.

Sinisisi niya si Papa nun at iniwan kami. 8 years old palang ako nun. Mula nun, tinuruan ako ni Alexa at ni Papa na magsuot ng contact lenses.

Then, nung 9 years old ako, nabulag si Papa. Namatay siya nung 11 years old ako, sa graduation day ko.

Tumalikod na yung lalakeng may balot sa katawan. May kung ano-ano siyang pinindot dun sa dingding sa may tabi ng isang poste.

Bigla namang bumukas ang pader na parang pintuan. WOAAH!!! COOOOL!!!

“You’re Demon Assassin, right?” tanong nung katabi kong lalake.

“Yeah, and you are?” tanong ko rin sakanya.

“Dark Assassin. Akala ko, lalake ka” sabi niya sakin.

“I am neither. But I don’t like guys” sabi ko.

“So, you’re a bis—“ hindi na niya natuloy yung sasabihin niya.

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon