Chapter Thirteen

1.9K 44 1
                                    

Chapter Thirteen
  Mrs. Mendoza

Shella’s Point of view

Nung lumabas na si Alex ay kinuha na ni Ate Sherley yung laptop niya at dinial ang isang number.

Siguro number yun ni Papa.

Di naman nagtagal eh ayun, nakita ko na sa screen ng laptop ni Ate Sherley si Papa.

“Hi papa!! ^__^” bati ko kay papa.

Masyado lang talaga akong masaya na makita ang mukha ni Papa.

“Hello, anak!! It’s been 6 years” sabi naman ni papa with a wide smile.

“Papa, pag-usapan po natin yung tungkol dun sa pagtira namin jan sa states” sabi ni Ate Sherley.

Tiningnan ko naman si Papa.

“Wala naman po akong problema dun pero mukhang si Ate Sherley, may problema ata” sabi ko at tiningnan si Ate Sherley.

“Sherley, anak, anong problema ba yun? Education? Mataas naman ang standards dito sa states. Ano? Ticket? Bibili na ako pag pumayag kayo. Ano yun anak? Anong problema?” tanong ni Papa.

Haaay. Namiss ko talaga si Papa. Napakaconcern father parin niya.

Napansin ko namang hindi makasagot si Ate Sherley kaya ako nalang ang sumagot.

“Ehh, Papa kasi may matalik siyang kaibigan. Eh hindi niya kayang iwan. Yun ang problema” sabi ko kay Papa.

“Ahh ganun ba? Eh kung gusto mo, isama nalang natin siya. Kasama niya ba yung pamilya niya jan?” tanong ni Papa pero umiling lang si Ate Sherley.

“Eh wala naman pala. So, isama nalang natin siya” masiglang sabi ni Papa.

“Change topic nalang muna, Papa!” sabi ko with super wide smile.

Tawa lang kami ng tawa nun nang biglang may kumatok sa pintuan.

“Papa, wait lang buksan muna namin yun” sabi ko at binuksan ang pintuan.

May nakita akong mga unknown-category-of-people na mga tao together with a staff and si Ms. Principal.

“Nasaan ang Ate Sherley mo?” tanong naman ni Ms. Principal.

“Nandun po oh” sabi ko.

Pumasok naman sila.

“May nabaril ang isang membro ng Secret Agents na babae kani-kanina lang. At pinatay nitong babae ang president ng SSC. Kaya hinahanap namin kung sino mang may tama sa braso” sabi nung isa at tiningnan ang braso ko pati yung braso ni Ate Sherley.

Wala naman kaming ganung tama kaya umalis na sila.

“Ang tagal ata bumalik ni Alex” sabi nalang ni Ate Sherley at pumunta na kami sa kama niya at ayun, nag-usap kami nina Papa.

Di pa niya samin napakilala yung stepmom namin kasi nasa trabaho daw.

Darating daw yun bukas.

Di naman nagtagal ay nag-goodbye na sa amin si Papa.

Hating gabi na rin nun. Inaantok na ako pero si Ate Sherley di mapakali.

“Ano ka ba ate!! Malay mo dun siya natulog kina Kuya Dark at King” sabi ko kay Ate Sherley kaya medyo huminga siya.

Nga pala, dito muna ako sa kama ni Ate Alex matutulog. Ang saya noh??

“Tama ka, sige, tulog na tayo”

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon