Chapter Eleven

2K 39 1
                                    

Chapter Eleven
  • Dark Assassin


Alex’s Point of view

Kinuha ko ang folder na nakalagay sa locker ko.

First mission: Demon Assassin
Name: Tricia Alvarez
Deadline: Saturday

Tatapusin ko na ang mission ko this day.

Tinext ko ang number ni Tricia gamit ang ibang number.

Sabi ko sakanya, pumunta siya sa Stygian Field kung ayaw niyang ilabas ko ang scandal niya.

Bali-balita ko lang yung scandal niya. Di ko alam kung meron ba talaga.

Pero kung sisipot siya, meaning guilty siya.

Naglakad ako sa corridor.

Palabas na ako ng building para pumunta sa Stygian Field nang makareceive ako ng text.

“Ang sarap palang kakuwentuhan ni Sherley at Shella noh!? Ang sarap rin ng inorder nilang pagkain para sakin”

Agad akong dumiretso sa cafeteria. Di ko na inisip si Tricia.

At nakita ko si King at Sherley at Shella.

Pano nakapunta si Shella dito!!??

Lumapit ako sakanila.

Pinatayo ko si Sherley at Shella.

Kinaladkad ko sila palabas pero hinawakan ni King ang braso ni Sherley at hinatak niya ito kaya nabitawan ko si Sherley.

Sa sobrang galit ko, hinatak ko pabalik si Sherley at tinabi siya kay Shella.

Kinwelyuhan ko si King.

“Don’t you dare touch them!! Wag na wag mo silang gagalawin kung ayaw mong mukha mo ang galawin ko!!” sigaw ko at tinulak siya.

Napatingin naman ako sa mga taong nakatingin.

“What!? Do you want me to poke your eyes!!?” sigaw ko.

Umiwas sila ng tingin kaya hinatak ko na si Sherley at Shella papuntang garden.

Sherley’s Point of view

Nasa state of shock parin kami ni Shella habang hinahatak kami ni Alex.

---- Garden

“What was that?” tanong ko.

“Why are you with him?” balik-tanong niya sakin.

“Why the hell are you mad with him?” tanong ko naman sakanya.

“Anong sinabi niya sainyo?” tanong niya.

“Ano bang ginawa niya sayo para magalit ka?” tanong ko.

“Anong pinagusapan niyo?” tanong niya ulit.

“PWEDE BA!!!!??? WAG NGA KAYONG MAGTANUNGAN!!!” sigaw ni Shella.

“What the heck are you doing here!?” tanong ni Alex kay Shella.

“Pinatawag ko siya. May pag-uusapan kaming importante” sagot ko.

Bigla namang tumunog ang cellphone niya kaya sinagot niya ito.

“Ba’t mo nga ba ako pinatawag?” tanong sakin ni Shella.

Si Alex naman ay nandun sa kabilang side ng garden.

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon