Chapter Sixteen

1.8K 40 1
                                    

Chapter Sixteen
  • The Truth


Alex’s Point of view

Agad akong bumalik sa headquarters.

“Demon.”

Agad naman akong napalingon sa taong tumawag sakin.

Si Dark.

Di ko nalang pinansin at tinype na sa dingding ang password.

Pumasok na kami. Nandun silang lahat at mukhang kami lang ang hinihintay.

Umupo si Dark sa tabi ni Black.

May space sa gitna nila ni King pero ayokong umupo dun.

Sinenyasan kong umusog si King kaya ginawa niya yun habang nakangisi.

Umupo na ako sa upuan ni King.

Katabi naman niya si Dark na nagtataka sa ginagalaw ko.

Ano namang kataka-taka dun!? Psh!

“So, how was it?” tanong sakin ni Empress.

Inirapan ko naman siya.

“Isa lang ang balang nilagay mo dun sa baril” sabi ko sakanya. Natawa naman siya.

“Hahaha!! Aba!! Akala ko papatayin mo siya agad sa ulo!!” sabi niya at humalakhak ulit.

Nakatingin sakin lahat ng kasamahan ko nang nakakunot-noo.

Di sila makarelate sa pinag-uusapan namin ni Empress.

“I took good care of it, don’t worry” sabi ko.

Pumalakpak siya.

“Good job. Now, I’ll give you your next missions” sabi ni Empress.

Okay lang naman sakin yun. Mas mabuti nang may nalalabasan ako ng galit.

At saka ako naman ang nag-insist na bigyan niya ako ng mapapatay.

Binigyan niya kami lahat ng black folder, gaya ng folder ni Shone.

“Ngayon, ang papatayin natin ay ang mismong mga anak ng members ng Alt Council ng Alt Association” sabi ni Empress.

Binuksan niya ang projector kaya nakita namin ang isang crest.

“Pag may nakita kayong taong may tattoo ng crest na yan sa dibdib, kalaban natin yan. Alt Association. Sila ang namamahala sa gang na sinabi ko sa inyo.”

Next slide naman.

“This is Mr. Ramirez. His son, will be your target, Royal” sabi ni Empress at tinuro si Royal na katabi ni Black.

Tumango naman si Royal at tinignan ang itim na folder ng target niya.

Next slide, isang medyo matandang lalake at katabi niya ang isang babaeng napakaganda.

“Mr. Martinez. His daughter will be your next target, Dark” sabi ni Empress.

Ang ganda nung babaeng target ni Dark. Psh!

Why would I care anyway? Tss.

Binuksan ko nalang ang folder ng target ko.

Pinakita na ni Empress sakanila yung target nila.

“Demon,” napalingon ako kay Empress.

Tinuro niya ang picture ng dalawang tao. Isang matanda at isang ka-age ko lang na lalake.

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon