Chapter Nine

2.2K 39 1
                                    

Chapter Nine
  • First Mission


Alex’s Point of view

Naramdaman kong sinusundan ako ni Sherley kaya naman tinakasan ko siya at lumabas ng school.

At ano pa bang nilalabasan ko?? Eh yung organization na yun!!

Di naman nagtagal, nakarating na ako sa eskinita.

Tinype ko naman ang password na 443292 dun sa pader.

At bumukas ang dingding na parang pintuan. Kaya pumasok na ako.

Pagpasok ko, nakita ko silang lahat.

“Oh, Demon, buti dumating ka” sabi naman ni Dark at tinanguan ko lang siya.

Umupo ako sa gitna nila ni King, yun lang ang space na natitira kaya dun ako umupo.

Di rin nagtagal ay dumating na yung babaeng may balot sa katawan.

Tumayo siya sa harap namin.

“Si Royal lang ang nakapatay sa mismong araw ng deadline” sabi niya kaya naman itong si Royal ay nakataas noo habang nakacross legs at nakahalukipkip.

Makikita mo sa mukha niya na ang angas niya at proud na proud siya sa sarili niya. Tss!

“Si King ay nakapatay 1 day after the deadline."

"Si Dark ay 2 days after the dealine."

" Si Black naman ay 3 days after the deadline."

"But,” nambitin pa tong bruhang toh.

Upakan ko kaya? Hahaha!! Hindi pwede!! Pinaghirapan ko ang makapass sa test noh!

“Demon is the only one who finished the test BEFORE the deadline” nagulat kaming lahat.

Nagulat nga rin ako eh. Kasi ibig sabihin nun ay ako ang rank 1.

Tiningnan ko si Royal.

Ang sama ng tingin niya sakin.

Tss! Ang sabihin mo, insecure ka lang kasi ako ang rank 1. Bwahahaha!!

“Rank 1: Demon Assassin.
Rank 2: Royal Assassin.
Rank 3: King Assassin.
Rank 4: Dark Assassin.
Rank 5: Black Assassin.”

Medyo okay na kami dun kasi kahit papaano naman ay nakapass kami sa test kaya okay na ako dun.

Pero si Royal, di niya yata matanggap.

“Here’s your first mission” sabi ni babaeng may balot sa katawan habang isa-isa kaming inaabutan ng folder.

“Every week, may mission kayo. And at the end of the month, possible na mapalitan ang rankings ninyo depende sa mga performances niyo each mission”

Nanginginig kong kinuha ang folder at tiningnan ko.

Isang picture ng isang babae ang nakita ko.

First mission: Demon Assassin
Name: Tricia Alvarez
Deadline: Saturday

Monday pa naman kaya may oras pa ako.

Teka lang, “Teka! Bakit niyo ba sila pinapapatay?” medyo naiirita kong tanong sa babae.

Tumingin rin sakanya ang mga kasama ko para hintayin ang sagot niya.

“Habang may mga taong katulad nila, hindi magiging payapa ang mundo” sabi niya.

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon