Chapter Forty-Three

1K 23 0
                                    

Chapter Forty-Three
  • Zhaerita's Diary

Alex's Point of view

Pagkatapos nila akong pakainin kagabi ay natulog na ako agad.

At ngayon, kahit gising ako ay ayaw kong idilat ang mata ko.

Hindi parin ako makapaniwala na nasa teritoryo ako ng kalaban.

"Lolo, she's here"

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang mga apak ng dalawang tao.

"Lolo, bakit ba natin siya pinoprotektahan?" tanong ng babae na sa tingin ko ay si Ella.

"You know her grandmother is a witch" sabi nung boses matanda.

Teka, pano nila nalamang witch ang nanay ni Papa na si Lola Rita?

"But she's the only bestfriend I had" dugtong pa nung boses matanda.

"Talaga, Lolo? Eh bakit ayaw niyang ipaubaya sayo yung anak niyang lalake?" tanong ni Ella.

"Akala niya may relasyon kami ni Azaleah. And she really hates Azaleah dahil muntik na siyang lasunin ni Azaleah" boses nung matanda.

"Eh bakit kasi ang playboy mo noon, Lolo"

"Yung Azaleah ba ay ang ina ni Aziella Palvin? Yung chemist na psycho?" tanong ni Ella.

Minulat ko nalang ang mata ko dahil hindi rin naman ako makakatulog ulit.

"Oh, hija. Gising ka na pala" sabi nung matanda.

Boses matanda pero hindi pa pala siya matandang tignan.

"Paano niyo nakilala ang lola ko?" tanong ko.

Napangiti naman ng mapait yung matandang hindi matanda.

"Nakikinig ka pala" sabi niya.

"Di ko na kailangan sagutin ang tanong mo dahil narinig mo na ang lahat" sabi pa niya.

"Pwede bang ibalik niyo na ako?" tanong ko. Ngumiti naman si Ella.

"Of course. May nangyare kasi kagabi sa party kaya ka namin tinakas" sabi ni Ella.

Kagabi? Sa party?

"Nga pala, Lolo. What did you do to Mr. Homber?" tanong ni Ella sa lolo niya. Tumayo ang Lolo niya.

"Pinakain ko sa alaga natin" sabi niya at umalis na. Wth!? Alaga?

"Uhm, Alex. Sorry" sabi ni Ella nang makalabas na ang Lolo niya.

"Hindi ko alam kung anong dapat kong ireact pero salamat sa pagtakas sakin. Ano bang nangyare kagabi?" tanong ko.

Umupo siya sa kama na kinalalagyan ko.

"Hinahanap ka nila" sabi niya.

Nila?

"Sinong 'nila'?" tanong ko.

Huminga siya ng malalim.

"That crazy psycho bitch chemistry freak!!" sigaw niya.

Napakunot noo naman ako kung sinong freak or bitch ang minimean niya.

"Oh sige, ikukuwento ko na muna ang lahat" sabi niya.

Teka, kung may nangyare kahapon...

"May nasaktan ba kagabi!?" tanong ko. Umiling siya.

"Wala masyado. Don't worry, your sisters are all fine and their dates too. So as yours" sabi niya.

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon